You are on page 1of 1

Identidad ng isang bansang malaya,

Wikang Filipino ang ating salita,

Salitang iningatan sa mga banyaga,

Pagmamahal ay dito naipakita,

Maaring pag aralan ang iba pang mga dayalekto,

Huwag lamang kalimutan ang Filipino,

Ating pag-usapan upang ating malaman,

Hindi lamang dapat unawain, Bagkus ating mahalin

Tayong mamamayang Pilipino’y may dapat gawin,

Wikang Filipino ay siyang ating gamitin,

Ipagmalaki ang sariling wika natin,

Alay sa magigiting na bayani natin,

Asignaturang ito’y gustong tabasin,

Na tanging nais ng mamamaya’y mahalin,

Wikang ito’y ating paunlarin at pagyamanin,

Pangalagaan ito’y ating tungkulin.

You might also like