You are on page 1of 2

Desepeda, Lyka Marie L.

ARCH 2 A

PAGSASALING WIKA

LAGOM/BUOD

Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinakamalapit diwa at mensahe ng


wikang isinalin. Sa pamamagitan ng pagsasaling wika mas mauunawaan at mapapadali
na natin malaman ang mga inihahayag ng isang teksto o mensahe ibang wika sa
pamamagitan ng pagsasalin nito sa ating wikang nauunawaan.. Ang pagsasaling wika
ay hindi lamang pasulat kundi maari din itong pasalita. Maaari din dito na matulungan
tayo na mas mapalawak pa ang ating bokabularyo kung saan magiging mas hasa tayo
sa larangan na ito.

Batay sa modyul 1, may kasaysayan din ang pagsasaling wika. Naipahayag dito
ang kung sa saan nagmula at kung paano ito umusbong sa buong mundo maging sa
ating bansa. Ang sinaunang panahon sa pagsasaling wika ay sa Europa unang
naganap,ang kinikilalang unang tagapagsalin ay si Livius Adronicus. isang Griyego. Sa
mundo ng pagsasalin, kilala si Adronicus sa kanyang pagsaling-wika ng Odyssey ni
Homer sa Latin sa kaparaanang patula (240 B.C.).Siya ay nataguriang ama ng “Roman
Drama” at mga literaturang Latin sa kabuuan.

Nagkaroon din ng pagsasalin sa Bibliya at Akdang klasika noon. Ang Bibliya ang
naging pinakatuktok noon ng pagsasaling wika. Ang dahilan kung bakit isinalin ang
Bibliya ay dahil ito ay tumatalakay sa tao. Kung ano ang pinagmulan, layunin at sa
destinasyon; Ang Bibliya ang nagkaroon ng napakraming pagsasalin wika na nagsimula
sa wikang Aramaic ng Ebreo at ito ang pinaniniwalang pinagmulan ng salin ni Origen sa
wikang Griyego na kilala sa tawag na Septuagint gayon din ang salin ni Jerome sa
wikang Latin.May tatlong itinuturing na pinakadakilang salin ng Bibliya ay ang kay
Jerome (Latin), ang kay Luther (Aleman) at ang kay Haring James (Ingles-Inglatera).
Samantalang ang kauna-unahang salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni John Wyclif.
Ang huli namang pinakasalin sa Bibliya ay ang “The New English Bible” (1970) na
inilimbag ng Oxford University.
Sa pagsasalin ng Bibliya nagkaroon din ng pagsasalin sa mga Akdang
Klasika.Isinalin ang wikang Griyego sa wikang Ingles na kung saan mayroon makaluma
o Hellenizers at ang makabago o Modernizers. Ang makaluma ay tapat na pagsasalin
upang mapanatili ang orihinal na mensahe ng pangungusap at idyoma ng wikang
isinalin.Habang ang ang makabago naman ay nahubdan ng katangian at nabihisan na
ng kakayahan ng wikang pinagsalinan.

Pakatapos ng kasaysayan sa pagsasalin sa daigdaig. Ito naman ang kasaysayan


ng pagsasalin sa Pilipinas. Nahahati ito sa limang yugtoPanahon ng Amerikano;
Panahon ng Patakarang Bilinggwal; Panahon ng Pagsasalin ng Panitikang Di-Tagalog
at Panahon ng Afro-Asian Literature

Ang unang yugto sa pagsasaling-wika ay ang Panahon ng Kastila ay isinalin ang


wikang Kastila sa wikang Tagalog at iba pang katutubong wika. Dito nila ginamit ang
wikang katutubo upang maghayag ng Kristyanismo upangtankilikin ito ng mga Pilipino.
Sa panahon naman ng Amerikano ang ikalawang yugto, sa pagsasaling-wika dito
binigyang pansin nila ang edukasyon sa Pilipinas. Ibinahagi nila ang iba’t ibang uri ng
pampanitikan sa Kanluran. Pagsasalin dito ay hindi ang orihinal na teksto kundi ang isa
na ring salin. Ikatlong yugto ang Panahon ng Patakarang Bilinggwal. Sa bawat paaralan
ay may mga Ingles na kasulatan gaya ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika
at iba pa na ginagamit sa pagtuturo na dapat bigyang pansin ang pagsasalin nito sa
Filipino. Ikaaapat na yugto ay ang pagsasaling-wika sa Panahon ng Pagsasalin ng
Panitikang DiTagalog,Binigyang pansin dito ang pagsasalin ng ibang katutubong
maliban sa tagalog. Sa bawat manunulat at iskolar ng pitong pangunahing wika ay ng
bansa, inaanyayahan sila sa magbigay ng materyales na nasusulat sa kani-kanilang
bernakular upang magamit sa pagsasalin. Sa pamamagitan nito ay mas mapapalawig
pa ang pagsasalin at madadagdagan ng bagong karunungan at ang ikalimang yugto
naman ay pagsasaling-wika sa Panahon ng Afro-Asian Literature nasasakop ito sa
bagong kurikulum ng hayskul kung sa dito. Ito ay ang pagsasama sa kurikulum ng
panitikang Afro-Asian ay masasabing pagwawasto sa pagkakamali sapagkat noong
mga nakaraang panahon mas binigyang halaga ang pagsasalin ng panitikang
Kanluranin at hindi ng panitikan ng mga kalapit na bansa.

Masasabi ko na napakaraming pinagdaan ng pagsasaling wika sa bawat


kasaysayan upang mapayabong at mas maunawan ang mga mensahe sa ibang wika.
Sa panahon ngayon ay patuloy pa din pagdiskubre ng iba’t ibang kaalaman

You might also like