You are on page 1of 2

sa ika tatlompu ng Abril, taon dalawang-libo, ideneklara ni Papa Juan Pablo II na sa bawat

Ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon ay ipagdiriwang natin ang Linggo ng


Banal na Awa (o Divine Mercy Sunday). Ang pagnanais na ipagdiwang ang araw na ito ay
ipinahayag ng ating Panginoon kay Santa Faustina na mababasa natin sa kanyang Diary
paragraph #699.

Naisulat ni Santa Faustina na ayon sa ating Panginoon, ipahayag natin sa buong mundo ang
kanyang walang hanggang awa. Nais ng Panginoong Hesus na ang Kapistahan ng Awa ay maging
silungan at himlayan ng mga kaluluwa, lalong-lalo na sa mga abang makasalanan.

Nais ng ating Panginoong Hesus, ang Panginoong Muling nabuhay na maramdaman at


maranasan natin ang kanyang walang hanggang awa hindi lang sa linggong ito kundi sa araw-
araw ng ating mga buhay. At litaw sa ating ebanghelyo sa linggong ito ang di-maisukat na awa
ng ating Muling nabuhay na Panginoon.

Narinig natin ngayon na sa kinagabihan ng araw na si Hesus ay muling nabuhay, nagkatipon-


tipon ang mga kanyang mga apostol sa isang silid dahil sa takot sa mga hudiyo. Ngunit, kahit
nakasarado at naka lock ang mga pintuan biglang nagpakita si Hesus at tumayo sa gitna nila.
Bumati pa siya sa kanila ng Kapayapaan, at pinakita pa niya sa kanila ang kanyang sugat sa mga
kamay, paa, at tagiliran. Bumati siya ulit ng Kapayapaan at sinabi pa niya sa kanyang mga
apostoles: Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo. Hiningahan
niya sila at sinabi: Tanggapin ninyo ang EspirituSanto. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga
kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Imagine! Halos lahat sila nagsitakbuhan noong dinakip at pinako siya sa krus, ikinatwa pa siya ni
Pedro ng tatlong beses, pero walang bahid ng galit at tampo si Hesus nung nagpakita siya sa
kanila. Sa halip, bumati pa siya ng Kapayapaan sa kanila (hindi lang once kundi twice!) at
natuwa pang pinakita ang kanyang mga sugat sa kanila. Binigyan pa niya ng Authority ang
kanyang mga apostoles sa ngalan ng Ama, hiningahan pa niya ng Banal na Espiritu at binigyan
pa ng isa pang authority upang magpatawad ng mga kasalanan. See! Kung gaano kalawak ang
awa at pagmamahal ni Hesus sa kanyang mga apostoles.

Iyon ang una sa ating mga palatandaan kung gaano kalawak ang pagunawa at awa ng ating
Panginoon. Subalit, sa gabing iyon may absent sa kaniyang mga apostoles. Wala si Tomas nung
siya ay unang nagpakita. At nung sinabihan si Tomas ng kanyang mga kasama na buhay si Jesus
at siya ay nagpakita sa kanila, ang sagot ni Tomas: hanggat hindi ko Makita at mahawakan ang
kanyang mga sugat, hindi ako maniniwala.

Ngunit sa sumunod na Linggo, nung nagkatipon sila ulit at kasama na si Tomas, nagpakita ulit si
Jesus sa gitna nila. Binati sila ulit ng Kapayapaan at pinahawak niya kay Tomas ang mga sugat
niya. At walang ibang nabanggit si Tomas kundi, Panginoon ko, Diyos ko. Naniwala si Tomas na
muling nabuhay si Jesus dahil nakita niya mismo at nahawakan niya ang Panginoon. Ngnuit
sinabi ni Jesus na mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi man nakakita sa kanya.
Talagang napakalawak at napakalalim ng Awa at Pagmamahal ng ating Panginoon dahil hindi
man lang siya nagalit sa kakulangan ng Pananampalataya ni Tomas, sa halip, tinupad pa ni Jesus
ang nais ni Tomas na hawakan ang kanyang mga sugat. Pati lahat tayong hindi man nakakita sa
kanya, binigyan pa rin niya tayo ng pagpapala.

Ganoon ka yaman ang awa at pagmamahal ni Jesus, ngunit kahit na pinaramdam at ibinuhos na
ng ating Panginoon sa atin ang kanyang awa at pagmamahal, bakit marami pa rin sa atin ang
may kulang sa pananampalataya? Bakit nadadaig pa rin tayo sa ating mga paghihirap at
kalungkutan? Bakit sa mga panahon ng kagipitan at kahirapan nagdududa pa rin tayo sa
kakayahan at awa ng Panginoong Jesus?

Sabi ni San Pedro sa kanyang unang sulat: Dahil sa laki ng habag ng Diyos sa atin, tayo ay
isinilang sa isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo. Pero
kahit tayo ay may bagong buhay na kailangan pa rin natin dumaan sa mga pagsubok upang
malaman kung talagang tapat tayo sa paniniwala na may bagong buhay tayo mula kay Jesus.
Ang mga pagsubok sa buhay ay mga pagkakataon natin na mas maramdaman pa lalo natin ang
walang kasing lawak at lalim na awa at habag ng ating Panginoon.

Isabuhay natin ang Bagong Buhay na pinagkaloob sa atin ng ating Panginoong Jesus sa
pamamagitan ng pagkakaugnayan at pagmamahalan sa ating kapwa. Ayon ni San Pablo sa ating
unang pagbasa manatili tayo sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang
magkakapatid,
sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin. Gayahin natin ang mga sinaunang komunidad
ng mga Kristyano na sila ay nagbabahaginan, nagtutulungan, at nagkakugnayan. Ang mga may
kaya sa kanila ay nagpaubaya ng kanilang mga kayamanan para sa mga mahihirap na mga
kapatid.

Ganun din sana tayo mga kapatid! Isabuhay natin ang gift ng bagong buhay na ipinagkaloob ni
Jesus sa atin sa kanyang muling pagkabuhay. At sa pamamagitan ng ating pagpapakita at
pagbabahagi ng ating Awa at Habag sa kapwa, napapalakas pa lalo ang ating pananampalataya
sa pangako ni Hesus na tunay ngang

kasama natin siya hanggang sa katapusan ng panahon.

You might also like