You are on page 1of 2

Mga kapatid, papalapit na tayo sa kapistahan ng pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga unang disipulo at nasa

huling dalawang araw na tayo sa panahon ng Muling Pagkabuhay. Kung napapansin ninyo ang mga weekday
readings natin, simula pa noong nagdaang linggo, ito ay semi-continuous reading ng mga passages hango sa
aklat ng mga Gawa ng Apostol para sa unang pagbasa, at semi-continuous reading ng Farewell discourses ni
Jesus na hango naman mula kay San Juan para sa ebanghelyo. Pero, ngayon at bukas, hindi na natin pagninilayan
ang Farewell discourses ni Jesus, kundi susundan natin ang dalawang mga huling pangyayari sa katapusang
kabanata sa ebanghelyo ni San Juan. At sa umagang ito, narinig natin mula sa ating ebanghelyo ang mataim-
timang usapan nina Jesus at Pedro.

Pero bago ako magpatuloy sa aking pagpapalalim sa mga pagbasa, magsisimula ako sa aking realization kung
ano ang common value na meron ang mga banal na tao sa ating kasaysayan kung bakit sila naging santo.
Napansin ko na sa kanilang mga talambuhay nakasulat ang mga talatang: “Ang santong ito ay may sobrang
pagmamahal sa… halimbawa, sa Eukaristiya, o sa Salita ng Diyos, o sa Misyon, o sa mga mahihirap, etc.) What
all the saints have in common is their deep love for Jesus and their vocation. Love is the measure by which one
can determine the authenticity of that person in living out his or her calling. At ito ang pinatutunayan sa ating
mga pagbasa ngayon.

Narinig natin sa ebanghelyo na bago ipinagkatiwala ni Jesus kay Pedro ang responsibilidad sa pagaalaga sa
kanyang mga tupa, tinanong niya ang apostol: “Simon Pedro, mahal mo ba ako?” The very crucial word that is
the key to understand this passage is the word “mahal.” Sa Ingels, “love,” pero sa orihinal na pagkasulat ng
ebanghelyo sa salitang Griyego –dalawang salita na tumutukoy sa dalwang kahulugan ng pagmamahal ang
ginamit. Sa Greek original text, the author of the gospel used the word AGAPE in referring to love when Jesus
asked Peter for the first and second time “Do you love me?” But, only in the third time of asking Peter that the
author shifted what Jesus referred to as AGAPE to another Greek word of love, namely FILO. However, in the
side of Peter, he constantly used in all his responses to Jesus’ question the word FILO in saying “Yes, Lord I love
you.” Bakit kaya iba’t-ibang terms ng love ang ginamit ng author of John’s gospel in this pericope?

Kung hihimay-himayin natin, AGAPE is a noun refers to a sort of self-sacrificing love for others. This is the kind
of love that Jesus was talking about when he said “there is no greater love than to lay down his life for his
friends,” which later on this love has been associated with Christian love. On the other hand, FILO refers to
having a deep sense of feeling for someone as a close friend. When placed in the theological context of this
pericope, sa bawat paggamit ni Jesus sa salitang AGAPE, tinatanong niya si Pedro kung handa ba nito na mahalin
siya sa puntong ibuwis ni Pedro ang kanyang buhay alang-alang sa pagmamahal na iyon, pero ang bawat tugon
ni Pedro sa mga tanong ni Jesus, “Yes, Lord, mahal kita bilang kaibigan.” Walang mali si Pedro sa kanyang mga
sagot, pero mapagninilayan natin dito na sa puntong iyon hindi pa nga talaga handa si Pedro na mahalin si Jesus
na may kaabikat na pagbubuwis ng buhay.

Hindi rin naman minaliit ni Jesus ang pagmamahal bilang kaibigan, samakatwid sa huling tanong niya kay Pedro
ay ginamit niya na ang salitang FILO. Pero, alam ni Jesus na ang pagmamahal ng kaibigan ay may merong
hangganan, dahil naranasan niya mismo ito mula sa kanyang mga apostoles noong ipinako siya sa krus. Halos
lahat sila ay iniwan siya sa panahon ng kagipitan. Peter even denied him three times.

Ngunit sa kabila noon, nagtiwala pa rin si Jesus kay Pedro. Alam din ni Jesus na darating ang araw na matutunan
ni Pedro na mahalin siya sa pamamagitan ng pagbubuwis ng Buhay. Jesus even foretold what Peter would go
through in the coming years. Kaya nga sa huli, Jesus renewed his call to Peter, saying for the second time, “Come,
follow me.” At totoo nga na dumating ang panahon na nagbuwis si Pedro ng kanyang buhay para sa pagmamahal
niya kay Jesus. Gayun din si Pablo na, sa ating unang pagbasa, alam niya na ang pagpunta niya sa Roma at
pagharap niya sa paghuhukom ng emeperador ay mauuwi sa kanyang kamatayan. Pero, handa siyang ibuwis
ang kanyang buhay alang-alang sa pagmamahal niya kay Jesus at sa kanyang bokasyon.

Sa buhay ko naman, when I professed my first profession of vows in Carmel, it was like I was asked by Jesus, “Do
you AGAPE me?” And my answer was like Peter’s, “Yes, Lord, I FILO you.” More than three years in simple
profession I was given time to discern how much I am willing to sacrifice for the sake of loving Christ, and it was
in my solemn profession that I was asked again, “Do you AGAPE me?” and this time I say, “Yes, Lord, I AGAPE
you.” At ang pagtawag ulit ni Jesus, “Halika at sumunod ka sa akin,” ay nagkaroon na ng mas malalim na
kahulugan sa aking puso’t isipan. This conviction, however, still greatly needs God’s grace in order for me to
stand firm on it. For on my own, I may fall short. But with God, nothing is impossible.

Hinahamon tayo ngayon ng ebanghelyo, mga kapatid, na balikan at suriin natin ang ating mga sariling tugon sa
mga mapanuring tanong ni Jesus. If truly our motivation in joining the Carmelite Order is because we love Jesus,
whether it may be FILO or it has already attained the level of AGAPE, then that love should be seen in our daily
actions. Pakatandaan natin na ang mga panlabas nating mga galaw ay sumasalamin sa ating kalooban. If we
TRULY, TRULY love Jesus and our vocation to Carmel, then we take seriously our formation. Nakikita kasi kung
paano natin pinapahalagan at minamahal ang ating bokasyon sa pagiging totoo natin sa pagsasabuhay ng ating
pagiging karmelita. Kasihan nawa tayo ng Banal na Espiritu sa ating mga pagsisikap. Amen.

You might also like