You are on page 1of 5

'NINJA COPS' PAPANGALANAN

Samantala, nakatakdang isumite ng PDEA kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi ang
kanilang listahan ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Sa tala ng PDEA, aabot sa halos 900 ang mga miyembro ng PNP ang nasa drugs watch list. Aktibo
dito ang 372 pulis habang 482 naman ang nag-AWOL o natanggal sa serbisyo.

Sa kabuuan, 87 rito ang mga ninja cops o sinasabing sangkot sa pagre-recyle ng droga o
pinagkakakitaan ang drug operations.

Sabi ni PDEA director general Aaron Aquino, lumawak na rin ang operasyon ng ninja cops sa iba't
ibang rehiyon ng bansa. 

Eleazar, hinimok ang tinaguriang 'drug queen' na umuwi sa Pilipinas


26th September 2019 at 4:10am

Hinimok ni National Capital Region Police Office chief Police Major General Guillermo Eleazar ang
umano'y drug queen na si Guia Gomez Castro na umuwi na sa Pilipinas.

Ayon kay Eleazar, mas maganda kung haharapin ni Castro at ng mister at buong angkan nito ang
mga akusasyon na ibinabato sa kanila.

Tinukoy ni Eleazar ang mister ni Castro sa pangalang Dennis, na isang dating barangay chairman.

Nabalitaan ni Eleazar na nagpabalik-balik sa loob at labas ng bansa ang mister ng pinaniniwalaang


drug lord.

Sinabi naman ng officer-in-charge ng barangay na si Weng Calma na nasa United States si Castro.

Pero sinabi ni Eleazar na meron itong reports ang nagsasabi na nasa Canada si Castro.

Una nang sinabi ni Eleazar na nasa 16 na pulis ang konektado sa drug operations ni Castro.

Inaalam naman ng pulisya kung may kinalaman si Castro sa pagkamatay ng ilan sa mga tinaguriang
"ninja cops"

"Ninja cops" mauunang mamatay - PRRD


26th September 2019 at 4:04am

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga pulis na sangkot sa drug recycling na tinawag
bilang "ninja cops."

Sinabi ng Pangulo na mamamatay muna ang “ninja cops” bago makabalik ang mga ito sa mga ilegal
na aktibidad.

Ayon sa Pangulo, umaastang mga diyos ang “ninja cops" sa tuwing nakalulusot sila sa mga
ginagawa nilang krimen.

Kung maalala ay sinabi nina Senators Bong Go at Richard Gordon na ibubunyag ng Pangulo ang
pangalan ng 22 "ninja cops" na tinukoy ni dating PNP-CIDG chief at ngayo'y Baguio City Mayor
Benjamin Magalong.

Sinabi ni Go na inutos na ng Pangulo ang cross-validation sa listahan ng ninja cops para matiyak na
100% na tama ito oras na inanunsyo ito ng Pangulo sa publiko.

Isko, hinimok ang tinaguriang 'drug queen' na sumuko sa batas


26th September 2019 at 4:12am

Pinalulutang ni Manila Mayor Isko Moreno ang babae na inaakusahan ng pulisya bilang "drug
queen".

Sinabi ng alkalde sa kanyang Facebook live video na dapat nang lumutang si dating barangay chair
Guia Gomez Castro para makapagpaliwanag ito sa Philippine National Police at Philippine Drug
Enforcement Agency.

Nangako si Moreno kay Castro, na dating barangay chairperson ng Barangay 484 sa Sampaloc, na
lagi siyang bukas para tulungan ito.

Ayon kay Moreno, naghain si Castro ng leave of absence para sa April 25 hanggang June 25, ngunit
hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik.

Hinimok rin ni Moreno ang pamilya ng barangay chairperson na lumabas at magpartisipa sa


imbestigasyon.

Si Philippine Drug Enforcement Agency chief Director Aaron Aquino ang unang nagsiwalat sa
operasyon ng umano'y drug queen sa lugar.

Sinabi ng PDEA na ang mga ilegal na gawain ni Castro ay pinoprotektahan ng mga tinaguriang "ninja
cops"

Noong Martes ay sinabi ni NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar na nasa 16 na ninja
cops ang pumoprotekta kay Castro.

Gayunman, sinbabi ni Eleazar na ang 16 sa ninja cops ay patay na, 2 ang retirado na, 2 ang na-
dismiss sa serbisyo 2 ang nag-AWOL, habang 1 ang nasa kulungan.

Albayalde, gigisahin ng Senado sa isyung ‘ninja cops’

Iimbitahan ng Senado si Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde sa
susunod na pagdinig kaugnay ng mga anomalya sa New Bilibid Prison at sa isyu ng tinatawag na
“ninja cops”.

“As PNP chief, we will invite him,” pahayag ni Senador Richard Gordon, chiar ng blue ribbon at justice
and human right committees sa panayam ng mga reporter nitong Huwebes.
“Hindi pa ako nag-i-invite. These are public officials madaling tawagin ‘yan,” dagdag nito.

Ayon pa kay Gordon, may kinakausap pa silang isang pulis para kumpirmahan ang naunang
pahayag ni dating Criminal Investigation and Detection Group chief Benjamin Magalong tungkol sa
“ninja cops” na sangkot sa pag-recycle sa nakumpiskang iligal na droga sa mga anti-drug operation.

“Active pa ‘yan. I’m trying to call him kasi kagabi lang nasabi sa akin. He will bolster (the claim) or
give additional names,” sabi ni Gorodn.

Tumanggi naman si Gordon na sagutin ang tanong kung kasama ba si Albayalde sa mga
pinangalanan ni Magalong sa executive session sa Senado.

Hahayaan na umano niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga
pulis na sangkot dahil naibigay na naman niya ang full transcript ng executive session.

Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na ayaw niyang pangunahan ang Pangulo na banggitin ang
mga pangalan ng mga pulis na nasa listahan.

“May kasunduan kami na bayaan na lang ang Palasyo mag-announce kung sino ang nasa listahan,”
sabi ni Lacson.

“Maybe after that, anyway magkakaroon ng last hearing sa October 1 ang committee on justice, doon
mako-confront lahat na nangyari sa executive session kasi na-authorize ang committee to make
public. So open public hearing na ‘yan,” wika pa nito.

Sabi pa ni Gordon, pangalanan man o hindi ni Duterte ang ninja cops, ibubunyag din naman nila ang
mga ito sa pagdinig ng Senado sa Martes, Oktubre 1.

“Ang usapan kahapon, pangalanan o hindi ni Presidente, ii-invite na at papangalanan na,” ani Gordon
na tumangging pangalanan ang tinaguriang “ninja cops”.

“Not now, I will be violating our agreement,” wika pa nito.

Sa pagdinig sa Martes, may pagkakataon na umano si Albayalde na sagutin ang alegasyon na


pinoprotektahan nito ang mga pulis na sangkot diumano sa pagbebenta ng iligal na droga.

“All he has to do, if he is given the opportunity, explain himself. Of course, he will be subjected to
questioning by senators during the public hearing if and when he is invited and if he will attend,” sabi
ni Lacson.

“So kung may mga details doon na available na pwedeng itanong sa kanya, kayo mismo ma-gauge
ninyo kung meron ba siyang kinalaman o wala sa nangyari na agaw-bato noong 2014,” dagdag pa
nito.

Magalong, ‘ninja cops’ maghaharap sa Senado


September 29, 2019
MANILA, Philippines — Nakatakdang magharap sa Senado sina Baguio City Mayor Benjamin
Magalong at ang mga tinaguriang “ninja cops” na umano’y sangkot sa pagre-recyle ng iligal na droga.

Sinabi ni Sen. Richard Gordon, na papangalanan ni Magalong ang mga “ninja cops” na pawang
matataas umano ang ranggo na una na niyang ibinunyag sa isang executive session sa mga
senador. 

Si Magalong ay dating hepe ng PNP-Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG).

Ayon kay Gordon, ipinatawag na nila ang lahat ng sangkot at dapat nang matigil ang pagkalat ng
iligal na droga na tinawag niyang salot.

Sinabi rin ni Gordon na hindi dapat tratuhin na isang serye ang nangyayari dahil apektado ang mga
kabataan.

“Dapat magalit tayo at sabihing hindi na tayo papayag. Hindi drama ‘yan, tunay na buhay ‘yan, mga
anak ninyo ang involved kaya ‘wag nating tratuhing parang serye ito kasi dapat matigil na ‘yan,” wika
niya.

Sa kabila nito, hindi pa rin pinapangalanan ni Gordon ang mga sinasabing ‘ninja cops’ at hihintayin
din niya kung ihahayag ito ni Pangulong Duterte bago ang gagawing imbestigasyon sa Martes. 

“That is our intention tawagin na sila agad dun para meron na kami jurisdiction sa kanila at
makapagsalita na sila, makapag confrontation na sila sa harap, face to face,” sabi ng senador.

Sinabi rin ni Gordon na walang problema kay Magalong kung isisiwalat sa publiko ang nangyari sa
executive session dahil ang desisyon naman ay nasa mga senador at wala sa kanya.

Samantala, isang kolumnista ang umapela umano sa kanya na huwag isapubliko ang nangyari sa
executive session.

Hindi naman tinukoy ni Gordon kung sino ang kaibigan niyang kolumnista.

Anya, may paper trail at may investigation report tungkol sa mga detalye na hindi pa niya maaring
isiwalat.

Muli namang kinumpirma ni Gordon na inimbitahan din si PNP chief Director General Oscar
Albayalde dahil sa tinatawag na command responsibility.

Bunsod nito, nakaalerto na ang mga security sa Senado sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa


Martes.

Tiniyak na rin umano ni Magalong ang seguridad ng kanyang pamilya.

Ayon pa kay Gordon, bagaman at ayaw niyang tumagal pa ang imbestigasyon hindi siya titigil
hangga’t hindi maliwanag ang isyu na nagsimula sa good conduct time allowance na ibinigay kay
dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na muntik nang makalaya kahit pa heinous crime
ang kaso.

You might also like