You are on page 1of 3

KASUNDUAN SA PAG PAPAUPA

SA ` 1MGA KINAUUKULAN NITO,

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA NG APARTMENT

TALASTASIN NG SINUMAN: Ang kasunduan na ito ay ginawa ni: MARIANNE C. BERNARDINO, Pilipino, may
sapat na gulang at naninirahan sa 49 Adhika St., Brgy. Dolores Taytay, Rizal at nagpapakilala na sya ang
NAGPAPAUPA.

________________________________________________ MAY sapat na gulang, naninirahan sa may


patirahang sulat sa ____________________, ito ay makikilala na NANGUNGUPAHAN.

Ang salitang apartment o pintong inuupahan o inuupahan ay iisa ang ibig sabihin.

AY SUMAKSI:

1. Na ang NAGPAPAUPA ay may-ari ng isang pinto ng apartment sa _____________________ samantalang


ang NANGUNGUPAHAN ay nag-alok na upahan niya ang nabanggit na pinto at ito namay tinanggap ng una
batay sa sumusunod na kundisyon.
2. Na ang kasunduan ay tatagal ng isang taon simula sa araw ng buwan ng paglipat.
3. Na ang bayad sa napagkasunduang pinto ng inuupahang apartment ay halagang ___________.
4. Ang buwanang upa ay gagawin sa pintong inuupahan at magbabayad tuwing ika ____ ng buwanang
susunod.
5. Na ang deposito sa paglipat ay halagang P _________.
6. Na kung hindi man makapagbayad sa nasabing araw ng bayaran ang NANGUNGUPAHAN ay magkakaroon
ng karagdagang pursyento na 5% sa buwanang upa na may palugit lamang na hanggang limang araw.
7. Na kung sakaling di magbayad ng upa ang NANGUNGUPAHAN sa takdang panahon ng kasunduan o di kaya
ay lumabag sa kasunduan na ito, may karapatan ang NAGPAPAUPA naipawalang saysay ang kasunduan na
ito at hingin sa NANGUNGUPAHAN na lisanin o iwanan ang pintong inuupahan.
8. Na ang lahat ng pangkaraniwang reparasyon sa pintong inuupahan na ang tanging dahilan ay ang pang
araw-araw na paggamit ng NANGUNGUPAHAN ay walang karapatang singilin sa NAGPAPAUPA.
9. Ang deposito ay di maaaring makuha kung sakaling di sila tatagal ng isang taon paninirahan sa nasabing
paupahan.
10. Na ang bilang ng pamilyang NANGUNGUPAHAN ay hanggang _____ lamang.
11. Na ang NANGUNGUPAHAN ay pinagbabawalang gamitin itong apartment o alin mang bahagi na ito, ay di
maaaring paupahan sa iba na walang nakasulat sa pahintulot ng NAGPAPAUPA.
12. Na ang lahat ng kagamitang kailangan ng NANGUNGUPAHAN sa kanyang apartment ay kanyang sariling
pananagutan.
13. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi maaaring mag-alaga ng anumang hayop gaya ng ibon, aso, pusa, atbp.
sa loob at kapaligiran ng apartment.
14. Na ang NANGUNGUPAHAN ang siyang mananagot sa pagtupad ng mga regulasyong pinatutupad ng
pamahalaang local at nasyonal.
15. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi pinapayagang gamitin ang deposito sa buwanang upa.
16. Na hindi pinapayagan ng NAGPAPAUPA na magkarooon ng bisita ang NANGUNGUPAHAN na hihigit ng 5
araw.
17. Na kung sakaling naisin lisanin ng NANGUNGUPAHAN ang pintong inuupahan ito ay magbibigay ng abiso o
pasabing isang buwan.
18. Kung sakaling biglaan o sa hindi inaasahang pangyayari at kailangan lisanin ng NANGUNGUPAHAN ang
pintong inuupahan, may isang taon man o wala pa ang NANGUNGUPAHAN, siya ay walang makukuhang
anuman sa NAGPAPAUPA.
19. Na kung sakaling di makabayad, ang kasangkapan o anumang kagamitan ng NANGUNGUPAHAN ay
magiging prenda sa NAGPAPAUPA.
20. Na ang NAGPAPAUPA ay may karapatang dalawin ang nasabing paupahan mula ikawalo ng umaga
hanggang ika lima ng hapon.
21. Na kung sakaling pagkatapos ng isang taong pangungupahan ay mananatiling maayos ang relasyon ng
NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN at ipagpatuloy ang pagupa sa nasabing pinto ang kasunduang ito ay
babaguhin batay sa kasunduan ng dalawang panig.
22. Na kapag ang NANGUNGUPAHAN ay hindi nakabayad sa petsa ng araw ng kanyang bayaran ito ay may
karagdagang 5% o limang pursyento ng halaga ng buwanang upa na may palugit lamang ang NAGPAPAUPA
ng hanggang llimang araw lamang upang mabayaran ang buwanang upa.
23. Na ang NANGUNGUPAHAN ay siyang magbabayad ng mga buwanang bill tulad ng Meralco, Nawasa,
Internet, o linya ng telepono walang pananagutan ang NAGPAPAUPA.

Sa katunayan ng lahat ng ito, ang NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN ay lumagda ngayong ika


_____________________________.

NAGPAPAUPA _______________________

NANGUNGUPAHAN _____________________

SINASAKSIHAN NINA: ________________________ __________________________


PAGPAPATUNAY NG REPUBLIKA NG PILIPINAS LALAWIGAN NG RIZAL;

Ngayong ika _____ ng ___________ taong kasalukuyan ay lumagda sa harap ng mga nabanggit na tao
ay ipinailalim nila sa akin na iyon ay kusang loob nilang salaysay. Ang kasulatang ito ay TATLONG pahina
kasama na rin dito ang kinalalagyang patunay at nilagdaan ng dalawang panig gayundin ang kanilang saksi
sa lahat ng pahina.

SINAKSIHAN NG AKING LAGDA AT SELYO NOTARYAL SA LUGAR AT PETSANG BINANGGIT SA ITAAS.

PERSONAL NA IMPORMASYON PANGALAN: __________________________________

TIRAHAN: ________________________________________________________________________

TELEPONO: __________________________

KAPANGANAKAN: ______________________

HANAPBUHAY: ____________________________________

You might also like