You are on page 1of 1

Maraming nangyari, maraming plano, maraming pagbabago, at maraming delubyo.

Hindi
ko man lubos maintindihan pero nagtitiwala akong may rason ang lahat ng mga pangyayaring
ito. Simula sa Pamilya ko na sobrang gulo at , sa mga taong nasa paligid ko, mga kaibigan na
hindi ko lubos maisip na meron ako, mga kaaway kung meron man ako, mga bagong kakilala at
mga makikilala ko palang- sila ang bumubuo sa magulo kong pagkatao. Simula ng naligtas ako ,
nung nakilala ko ang Tagapaglistas ko, ang nagbigay ng Walang Hanggang buhay sa langit,
nagsimula akong magbago. Magbago sa paraang gusto Mo, sa paraang alam kong gusto Mong
tahakin ko. Tinahak ko kung ano man ang pinanalangin ko na alam kong ito rin ang Ginusto Mo
para sa akin. Pero bakit sa tagal ng panahon na paglilingkod ko Sayo, bakit parang nanghihina
ako? Nawawala ako sa daang gusto Mong tahakin ko. Bakit hindi ko maintindihan ang sarili ko?
Bakit parang ang hirap tumayo sa mga pang kinalalagyan ko? Sa mga tanong ko alam ko naman
talaga ang kasagutan pero bakit ang hirap sa pakiramdam?
Nararamdaman ko na sa pagpilit ko sa Iyo ng aking kagustuhan malalagay sa alanganin
ang buhay kong Iyong pinahiram, pero bakit ang hirap tanggapin na sa kabila ng paglilingkod ko
Sa Iyo nakakagawa pa rin ako ng hindi kaaya aya sa Iyong harapan. Nahihiya ako sa tuwing
ako’y mananalangin, kakausap sa Iyo sadya sanang ayaw ko nan gawin. Kahihiyan sa harapan
Mo na ako’y nagkakasala pagka’t ako mismo’y diko lubos maisip na ito;y aking magagawa.
Patawad sa aking pagkukulang. Gusto ko na sa natitirang buhay ko sa mundo ako’y makabalik sa
daang Gusto Mong tahakin ko sapagka’t ang daan na aking tinatahak na ngayo’y napakagulo.
Nararamdaman ko na malapit na akong umuwi sa Iyo, ngunit nawa’y hayaan mo akong
sa Iyo humingi ng malaking pabor, bago ako pumanaw, Alalay sa aking pamilya lalo na sa
kaligtasan nila ang aking munting sumamo sa Iyo aking Ama.

- Laarni 

You might also like