You are on page 1of 13

MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

KABANATA 1: ANG WIKA

Layunin:

a.) Nalalaman ang kahalagahan ng wika.


b.) Natatalakay ang kahulugan ng wika, mga angkan nito at ang
kaugnayan nito sa mga dalubwika at sa kultura
c.) Nailalahad ang sariling pananaw at saloobin hinggil sa mga
paksang tinalakay patungkol sa wika

ANG WIKA

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay
“dila”, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga
kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinyon, pananaw, lohika
o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.

Paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para sa isang
particular na layunin para makapagpaliwanag.

Ayon kay Constantino 2007, Maituturing na na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin


ng tao, isang instrument sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.

Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang
tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.

Dagdag pa rito ay muli nating balikan ang ilang teoryang hinggil sa pinagmulan
ng wika.

PAHINA 4
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA

1. TORE NG BABEL

- Teoryang nahalaw mula sa bibliya.

- Nagkaroon ng panahon na kung saan ang wika ay iisa lamang. Napag-isipang


magtayo ng isang tore upang hindi na magwatak-watak at nang mahigitan ang
Panginoon.

- Nang malaman ng Panginoon, bumaba siya at sinira ang tore.

- Nang mawasak ang tore, nagkawatak-watak na ang mga tao dahil iba-iba na ang
wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.

2. TEORYANG BOW-WOW

- Sinasabi sa teoryang ito na ang unang wikang natutuhan ng mga tao ay nagmula
sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop.

Halimbawa:
tahol ng aso, huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa.

3. TEORYANG DINGDONG

- Maliban sa mga tunog ng hayop, ang mga tunog ng mga bagay-bagay sa ating
kapaligiran na pinaniniwalaang may sariling tunog.

Halimbawa:
pagtunog ng kampana, tsug-tsug ng tren at tik-tak ng orasan atbp.

4. TEORYANG POOH-POOH

- Batay sa teoryang ito, nakalilikha ng tunog batay sa bugso ng damdamin gaya ng


pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan, at pagkabigla. Hindi
sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga ang tao kapag sila’y nagugulat,
nabibigla o natatakot.

Halimbawa:
Aray! sa Filipino at Ouch! sa mga Amerikano

5. TEORYANG YO-HE-HO

- Nalikha dahil sa pwersang gamit. Nakakalikha ang tao ng tunog kapag may
ginagawang kahit na anong bagay.

PAHINA 5
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

Halimbawa:
Kapag nagbubuhat ng mabibigat.

6. TEORYANG YUM-YUM

- Sinasabi ng teoryang ito na naunang sumenyas ang tao kaysa magsalita. Ngunit
sa pagdating ng tamang panahon, kailangan niyang palitan ng mga salita ang
kanyang nais sabihin. Lagi nating naipagsasabay ang pagtango sa pagsasabi ng
afirmativ na salitang tulad ng oo, opo o kaya sige.

7. TEORYANG TA-TA

- Natutuhan ang wika sa kumpas ng maestro sa musika. Ang ta-ta (wikang


Pranses), ibig sabihin ay paalam.

8. TEORYANG LA-LA

- Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.

Halimbawa:
mga salita galing sa isang tula o awitin ng pag-ibig.

9. TEORYANG TARARA-BOOM-DE-AY

- Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal
na kanilang ginagawa. Ang mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw, sigaw,
at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga salitang kanilang pinananatili upang
maging bahagi na ng kanilang kultura.

Ang wika ay lubos na mahalaga sa bawat tao, ito’y maihahalintulad sa ating paghinga.
Na kailangan na kailangan natin upang mabuhay, upang sa bawat araw ay
makapagsalita, bawat araw ay makapagsabi ng hinaing, bawat minuto ay maihayag ang
naiisip. Ito’y parang paghinga na natural na ating ginagawa, natural na kailangan upang
mabuhay ngunit ang wika ay hindi lamang buhay ito rin ay isa sa ating mga
pangangailangan upang mamuhay. Katulad na nga ng nabanggit ni Henry Gleason, ang
wika ay ang lahat sa kung paano nagkakaroon ng komunikasyon.

Bamagat napakaraming teorya at pag-aaral kung saan at kung paano nga ba


nagkaroon ng wika ang mga tao, ay nananatili pa ring misteryoso ang wika sa ating mga
nilalang ng Diyos, dahil sa kasalukuyan ay may iilang linggwistika parin ang patuloy na
nagsusunog ng kilay hinggil sa tunay na pinagmulan ng wika.

PAHINA 6
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

Ang wika na siyang kaluluwa ng bawat kultura natin, wikang ginagamit upang
magkaunawaan ay siyang wika na dapat ding pahalagahan, palasak man ang paksa ukol
rito ay hindi dapat magsawa ang tao hindi lamang ang mga linggwistika na pag-aralan at
isabuhay ang kahalagahan ng wika. Kaya naman, sa paksa kong angkan ng wika sa
buong mundo at Pilipinas ay pipilitin kong maikintal sa isipan ng bawat guro sa Filipino,
at indibibwal na nagpapakadalubhasa sa wika kung bakit kailangan nating mahalin ang
wikang atin. Mahalin ang wikang sinasalita at hinihinga natin. Tara’t lakbayin natin ang
daigdig, tuklasin ang paglaganap ng wika sa buong mundo at sa inang bayan.

Maikling kasaysayan, panghabang buhay na kaaalaman hinggil sa wikang


tinubuan.

Ang buong mundo ay binubuo ng malakin g parte ng anyong tubig, at kung


susumain ay halos dalawamput limang porsyento (25%) lamang dito ang kalupaan. Ang
anyong lupa na pinaninirahan naman n g ibat-ibang lahi sa bawat sulok ng mundo. Kay
saya ngang isipin na sa bawat bansa ay hindi lamang iisa ang wika ang sinasalita rito,
kung gayon kung ang buong mundo ay mayroong mahigit kumulang sa dalawang daan
(200 )bansa, ang dalawang daang bansa na ito ay maaaring buoin pa ng maraming wika.
Kung kaya naman, hindi na kataka-taka ang mga wika ay pinarte-parte sa kung ano at
sino ang mas pinaka ginagamit sa buong mundo at hanggang sa kasalukuyan ay hindi
pa rin nawawala ang isyu hinggil sa kung ano nga ba o sino nga ba talaga ang nanay ng
mga wika o ang pinaka unang wika sa buong mundo. Bagamat ang pagtuklas na ito ay
matagal ng nagaganap noon pa man ay pinaniniwalaan na ng mga dalubwika,
linggwistika na ang wikang EBREO ay unang wika sa buong mundo o ito ang ina ng lahat
ng wika. Sang-ayon sa mga mambabalarilang Hindu Kauna-unahang pangkat na kinilala
sa larangan ng linggwistika. Nang panahong iyon, naniniwala ang mga tao na wika ng
Diyos ang ginamit sa matatandang banal na himno ng Ebreo.

Mahabang panahong hindi nila ginalaw ang istilo ng lenggwahe ng nasabing mga
himno kahit nakaiwanan na ng panahon sa paniniwalang paglapastangan sa gawa ng
Diyos ang anumang isasagawang pagbabago dito. Subalit nagpunyagi ang mga palaaral
na Hindu. Sinuri nila ang matandang wikang ginamit sa nasabing mga himno—sa
palatunugan, palabuuan, palaugnayan, sa layuning makatulong sa pagpaliwanag ng diwa
ng halos di maunawaang mga himno. Ang mga pagsusuring isinagawa ng mga
mambabalarilang Hindu ay naging simula ng mga pag-aaral sa ibang wika sa Europa.
Mapapatunayan naman ito sa mga terminolohiyang teknikal na ginamit ng mga unang
mambabalarilang Hindu na hangggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa ng mga
makabagong mambabalarila at linggwista.

PAHINA 7
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

Sa mga wikang Griyego at Latin, unang nagkaanyo ang wika sa tunay na


kahulugan nito, sapagkat ang mga wikang ito ang dalawang magkasunod na wi kang
unang nalinang at lumaganap nang puspusan sa Europa ng panahong iyon.
Mapapansing kung saan unang nalinang ang sibilisasyon ay doon din unang nagkaanyo
ang kauna-unahang maagham na pagsusuri sa wika. Si Aristotle at ang pangkat ng mga
Stoics ay ilan lamang sa mga linggwistang laging nababanggit nang mga panahong yaon.
Itinuturing na silang nagsipanguna sa larangan ng agham –wika. At mahaba-haba pang
kasaysayan ukol sa kung saan at paano nga nagkaroon ng wika ang mundo. At mahaba
rin ang pila ng mga wika dahil kung susuriin ay mas higit pang marami ang wika kung
ihahalintulad sa bilang ng bansa sa sangkatauhan. Kaya naman, silipin natin ano-ano at
saan-saan nga ba ang mga bansang may pinaka gamiting wika.

Ang nakatala sa ibaba ay listahan ng mga prinsipal na pinagmulan ng wika:


(Sang-ayon sa klasipikasyon ni Gleason at iba pang linggwistika)

MGA PRINSIPAL NA PINAGMULAN NG WIKA

Mga Wika sa Buong mundo na


Mga wikang nakapaloob:
pinakagamitin:

1. INDO-EUROPEAN I. GERMANIC
(Pinakagamiting wika) a. English-Frisian
b. Dutch-German
c. Scandivian

II. CELTIC
a. Breton
b. Welsh
c. Irish
d. Scots

III. ROMANCE
a. Portuges
b. Espanyol
c. Pranses
d. Italyano
e. Rumanian
f. Sarinian
g. Rhato-Romanic

PAHINA 8
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

h. Haitian-Creole
i. Catalan/Galician
j. Latin

IV. SLAVIC
a. Ruso
b. Byelorussian/Ukrainian
c. Polish
d. Czech
e. Slovak
f. Serbo-Croatian
g. Bulgarian

V. BALTIC
a. Lithuanian
b. Latvian

2. FINNO-UGRIAN a. Finnish
b. Estonian
c. Hungarian
d. Lappish,Mordvinia,
e. Cheremiss

3. ALTAIC a. Turkic
b. Mongol
c. Manchu-Tangus

4. CAUCASSIAN a. South Caucassian


b. North Caucassian
c. Basque

5. AFRO-ASIATIC I.SEMITIC
a. Ebreo
b. Arabik
c. Maltese
d. Assyrian
e. Aramaic
f. Phoencian

PAHINA 9
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

II.HAMITIC
a. Egytian
b. Berber
c. Cushitic
d. Chad
e. Manade
f. Kwa
g. Sudanic
h. Bantu

6. KOREAN

7. JAPANESE

8. SINO-TIBETAN I.TIBETO-BURMA
a. Tibetan
b. Burmese
c. Garo
d. Bodo
e. Naga
f. Kuki-Chin
g. Karen

9. MALAYO-POLYNESIAN I.INDONESIAN
(Sumunod na pinakamalaking a. Tagalog
angkan) b. Bisaya
c. Ilocano
d. Pampango
e. Samar-Leyte
f. Bicol, atb. Ng Pilipinas
g. Chamerrong Guam

II.MALAY
a. Malaya
b. Batak
c. Balinese
d. Dayak
e. Makassar

III.MICRONESIAN

PAHINA 10
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

IV.POLYNESIAN
a. Hawaiian
b. Tahitian
c. Samoan
d. Maori

V. MELANESIAN
a. Fijian

10. PAPUAN

a. Telugu
11. DRAVIAN b. Tamil
c. Kannarese ng Kanara
d. Malayalam

12. AUSTRALIAN

13. AUSTRO-ASIATIC I.MUNDA


a. Santoli
b. Klasi
c. Nicolabarese
d. Palauag
e. Wa
f. Mon

Sang-ayon sa pahina 10 ng aklat na “Kasaysayan : Kalinangan, Diwa at


Kabuluhan”, makikita sa itaas na listahan na kay raming wika o halos 13 wika na may iba
pang diyalekto na nakapaloob dito ang prinsipal na ginagamit sa buong mundo, mga wika
na magkakamag-anak kung maituturing, dahil sang-ayon nga sa mga dalubwika na halos
ang mga wika saan mang panig ng mundo ay may pinagkakapareha hindi man sa lahat
ng salita o sa pagbuo ng salita, pagbigkas nito ay mayroon at mayroon pa ring makikitang
pagkakatulad ng iba’t ibang wika sa bawat isa. Marahil nangangahulugan din nito na ang
ang mga wika saan mang lupalop ng mundo ay parang magkakalahi at magkakamag-
anak. Sa pag-aaral ng kasaysayan saan mang bansa ay mahihinuha na ang ilang bansa
o maraming bansa ay hindi naman namuhay ng pansarili lamang, halimbawa na sa
Pilipinas na ilang bansa, paniniwala, kultura at wika ang nagdaan noong tayo ay sakupin,
gayon din, bago pa man dumating ang mga bansang mananakop ay mayroon na tayong

PAHINA 11
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

wikang sinuso’t sinasalita sa panahon ng mga Datu na sa kasalukuyan ay hindi pa rin


mapatunayan kung ano nga ba ang sinaunang wikain natin.

Kahalintulad din ng inang Pilipinas ang ilang bansa sa Asya man o sa Europa na
may malungkot na kasaysayan na naging sanhi naman kung bakit maraming wika ang
mas nagpaimbilog sa mga bansa na nandirito. Bagamat marami man ang wikang
magkakamag-anak o mga wikang may iisang pamilya, hindi pa rin matatawaran ang ilang
wika na mas may maraming angkan, kahalintulad na lamang ng wikang INDO-
EUROPEAN na mas ginagamit sa kontinente ng Europa at MALAYO-POLYNESIAN na
sumunod sa may pinakamalaking angkan, at ang Pilipinas ay dito nakapaloob. At dahil
sa nabanggit na rin ang Pilipinas, ay dumako naman tayo sa Pilipinas ang mga angkang
wika na nakapaloob dito.

DALUBWIKA

- Ang taong nag-aaral ng wika, sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang


kaalaman at kakayahan hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri sa wika.

LOPE K. SANTOS
- Ama ng Balarilang Filipino

PAHINA 12
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

MGA DALUBWIKA AT ANG KANILANG PANANAW SA WIKA

- Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang


maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay
pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na
morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na mga
pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahalugang palitan ng dalawa o
higit pang tao.

HENRY GLEASON

- Ayon sa lingguwistang si Henry Gleason, ang wika ay


masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kablilang sa isang kultura.

ALFRED NORTH WHITEHEAD

- Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles:


Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat
wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha
nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.

R.H. ROBINS

- Ayon kay Robins (1985), ang wika ay sistematikong simbolo


na nababatay sa arbitraryong tuntunin na maaaring magbago at
mapadali ayon sa pangangailangan ng taong gumagamit nito.

PAHINA 13
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

HENRY SWEET

- Ayon kay Henry Sweet, ang wika ay pagpapahayag ng ideya


sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang tunog upang
maging salita.

DELL HYMES

- Sa pagpapaliwanag ni Hymes (1972), nangangahulugan itong


isang buhay, bukas sa sistema ang wika na nakikipaginteraksyon.
Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng
grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at
makatao.

M.A.K. HALLIDAY

- Sa pagtalakay ni Halliday (1973) may gamit na instrumental


ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga
bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa
pagpapangalan, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi,
paghingi, pag-uutos,at pakikipag-usap.

EMMANUEL TODD

- Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng


mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang
ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y
sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at
sistematiko. Dahil dito ay ayon sa kanya, walang dalawang wikang
magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga
tuntunin.

PAHINA 14
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

NGUGI IHIONG

- Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong


manunulat: Ang wika ay kultura. Isa itong konektibong kaban ng
karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang
nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita
ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at
ipagmalaki.

PAMELA C. CONSTANTINO AT GALILEO S. ZAFRA

- Ayon naman kina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra


(2000), ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang
pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.

BIENVENIDO LUMBERA

- Binanggit naman ni Bienvenido Lumbera (2007) na parang


hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang
bawat pangangailangan natin.

ALFONSO O. SANTIAGO

- Ayon naman sa lingguwistang si Alfonso O. Santiago (2003),


ang wika ay sumasalamin sa mga mithiin, pangarap, damdamin,
kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.

PAHINA 15
MODYUL PANIMULANG LINGGWISTIKA

DR. JOSE VILLA PANGANIBAN

- Ang Wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay paraan ng


pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin sa pamamagitan ng
mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa-tao. Ito ay binubuo
ng mga salita, parirala, at pangungusap na may kahulugan.

Para sa karagdagang kaalaman buksan ang mga link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=QsJ09Gc2wg0

Para sa karagdagang kaalaman buksan ang mga link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=RizHGoNg030

Para sa karagdagang kaalaman buksan ang mga link na ito:


https://www.slideshare.net/mcagungun/ang-wika-at-ang-pakikipagtalastasan

Para sa karagdagang kaalaman buksan ang mga link na ito:


https://www.scribd.com/presentation/421554408/ang-wika-at-dalubwika

https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Wila%27
https://www.scribd.com/document/419220756/Angkan-Ng-Wika-Module-KOMPLETO
https://www.slideshare.net/mobile/REGie3/ang-pinagmulan-ng-wika-116585011
https://www.wattpad.com/57390610-komunikasyon-sa-akademikong-filipino-wika-ayun-sa

PAHINA 16

You might also like