You are on page 1of 3

Republic of the Philippines )

Mandaluyong City )S.S


X----------------------- X

AFFIDAVIT OF WITNESS

Ako si, ROSALINDA CRISTOBAL, nasa hustong taong gulang, may asawa,
nakatira sa 31 P. Oliveros St. Barangay Barangka Ibaba, Mandaluyong City,
pagkatapos na manumpa ayon sa batas, kusang-loob kong isinasaad sa affidavit
na ito ang mga sumusunod:

1. Na alam ko po ang pagkakautang ni Editha Jose kina Eleuterio Arbolado at


Glenda Mailang. Ito ay inilapit sa kanila ni ELVIRA LUNARIA na syang
nagsilbing middleman sa pagkakautang na Two Hundred Thousand
(P200,000.00)

2. Na alam ko ang halaga ay inutang noong January 2019, na may maturity date
ng January 2021.

3. Na noong February 2019 hanggang June 2019 ay walang patlang na


naghuhulog si EDITHA JOSE ng interes na Ten Thousand Pesos
(P10,000.00) kada buwan sa utang kina Eleuterio Arbolado at Glenda Mailang
na ipinaaabot kay Elvira Lunaria.

4. Na alam nila Eleuterio Arbolado at Glenda Mailang na anghulog ay binibigay


kay Elvira Lunaria

5. Na dahil dito, simula July 2019 hanggang February 2020 ako ay sinabihan ni
ELVIRA LUNARIA na sa kanya ihatid ang hulog kada buwan sa nasabing
utang, at siyang ibibigay niya kina Eleuterio Arbolado at Glenda Mailang,
sapagkat Sina Eleuterio at Glenda ay hindi nakatira sa 40A countryside
Barangka Ibaba Mandaluyong City. Sa aking pagkaka alam sila ay mga taga
Pasig city.

6. Kaya’t simula July 2019 hanggang February 2020 (8 months x Php 10,000=
Php 80,000), ako napo ang naghahatid ng hulog sa kanya sa halagang Ten
Thousand Pesos (P10,000.00) interes kada buwan para kina Eleuterio
Arbolado at Glenda Mailang sa kanyang bahay sa 40A, Countryside,
Barangaka Ibaba, Mandaluyong City, ayon sa knayang utos at pinag usapan.

7. Sapagkat kami ay magkakakila, at magkakaibigan, at buo ang tiwala sa isa’t-


isa, hindi na po ako humihingi ng recibo o ano mang acknowledgement receipt
para dito. Ngunit alam ni Elvira na ang perang dinadala ko ay interes sa
nasabing pagkakautang.

8. Na natigil ang aking pag hatid ng hulog mula noong dineklara ang pandemya at
nilagay ang buong bansa sa Enhanced Community Quarantine.

9. Na ako ay muling nagdala ng hulog na Two thousand Pesos (Php 2,000.00)


noong August 2020.

10. Na sa aking pagkakaalam ay muling nagbigay ng Two Thousand Pesos


(P2,000.00) si Editha kay Elvira upang ipaabot kina Eleuterio Arbolado at
Glenda Mailang.

11. Ang pagbabayad ng interes na Php 10,000 ay walang patlang mula February
2019 hanggang February (10,000x 13 months = 130,000) at ang hulog ni
Editha na 2,000 noong August at 2,000 noong October = 4,000

12. Na ang total na naihuhulog ni Editha kina Eleuterio Arbolado at Glenda Mailang
at One Hundred Thirty Four thousand (P134,000.00) na po.

13. Na ang pag babayad ng interes ay nahinto lamang noong March 2020 nang
mag pandemic crisis hanggang ngayon sapagkat wala na rin magbayad sa
mga renters ng nasabing paupahan kung saan napagusapang doon kukunin
ang interes ng utang.

Isinagawa ko ang affidavit na ito upang patunayan ang katotohanan ng


paghuhulog ng interes ni Editha Jose kina Eleuterio Arbolado at Glenda Mailang.

Bilang saksi sa mga pangyayaring ito, aking inilalagay ang aking lagda
ngayong araw ng ika-04 ng Disyembre taong 2019 sa Lungsod ng Mandaluyong.

ROSALINDA CRISTOBAL
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN to before me, this _____________, by


_____________ who exhibited to me (his/her)  document _____________ issued
at _____________, Philippines on _____________.

Notary Public

Doc. No. ______;


Page No. ______;
Book No. ______;
Series of ______;

You might also like