You are on page 1of 26

\

LAYUNIN
 Naisa-isa ang mga kabiguan ni Rizal habang siya ay nasa Madrid.

PAGTALAKAY
Basahin mo…

Aralin 17: MGA KABIGUAN SA MADRID


A.    Kabiguan sa Katarungan

1.   Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulong Asociacion


Hispano-Filipina at mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La
Republica, at El Resumen upang matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa
kanyang pamilya at kababayan sa Calamba.

2.   Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si Marcelo


H. del Pilar bilang abogado kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang
katarungan ni gobernador heneral Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano.

3.   Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng Ministerio ng Katarungan ay


nawalan ng kabuluhan. Ang patakaran ng Espanya ay ang “sarahan ang tainga,
buksan ang pitaka, at magkibit-balikat na lamang.”

4.   Natanggap ni Rizal ang masamang balita na natanggap na nila ang kautusan ng


pagpapaalis sa mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring Dominikano.

5.   Ang mga kaibigan Espanyol ni Rizal ay walang magawa kundi ang magbigay
lamang ng pananalita ng pakikiramay. Samantala ipinanukala ni Blumentritt na
makipagkita si Rizal sa Reyna Maria Cristina upang ilapit ang kanyang mga suliranin,
ngunit sinabi ni Rizal na siya ay walang kakilala o salapi na makapagsasama sa kaniya
sa Reyna.

B.  Kabiguan sa Madrid
 
1.   Habang bigo si Rizal sa paghingi ng katarungan para sa kanyang mga magulang ay
namatay naman ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa kilusang propaganda
na si Jose Maria Panganiban.

2.   Nang malasing si Antonio Luna ay hinamon niya si Rizal ng duwelo dahilan sa


karibalan sa babae. Nang matanggal ang kalasingan ay naayos ang hidwaan.

3.    Hinamon ni Rizal si Wenceslao Retana ng duwelo. Si Retana ay isang


mamamahayag na binabayaran ng mga prayle upang manira sa mga makabayang
Pilipino sa Europa sa isa niyang artikulo ay sinabi nito na kaya pinaalis ang pamilya ni
Rizal sa Calamba ay dahilan sa hindi pagbabayad ng utang. Hiningi ni Rizal ang
paumanhin ni Retana o ang duwelo. Hindi ito natuloy nang humingi ng tawad si Retana
at hindi na sumulat ng anumang mapanirang puri si Retana laban sa mga Pilipino.
Isang kabalintunaan na si Retana ang kauna-unahang sumulat ng aklat pangbiograpiya
ni Rizal na may pamagat na Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal .

C.     Ang Pagpapakasal ni Leonor Rivera.


a)      Habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga kasama sa tanghalang Apolo
sa Madrid ay nawala ang kanyang locket na nagtataglay ng larawan ni Leonor Rivera.

b)      Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera na nagpapabatid ng


nalalapit na kasal niya sa isang inhinyerong Ingles na si Henry Kipping na labis na
ikinalungkot ni Rizal.

c)      Ang labis na pagdaramdam ni Rizal sa tinamong kabiguan ay naisulat niya kay
Blumentritt na “pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay malaya at ang
Rizal ay isang alipin.”

d)      Sa sagot ni Blumentritt ay huli kanyang sinabi na “hindi maunawaan ng kanyang


asawa (Rosa) na ang isang babaeng pinarangalan ng pag-ibig ni Rizal ay iiwan siya
(Rizal).”
e)      Sa isa pang sulat na ipinadala ni Blumentritt sinabi niyang si Leonor ay “tulad ng
isang bata, na ipinagpalit ang diamante sa isang karaniwang bato.”

D.      Karibalang Rizal at del Pilar


a)      Sa pagtatapos ng 1890, nagsimulang makilala si del Pilar sa Madrid dahilan sa
kanyang pagsulat sa La Solidaridad . Sa kabilang dako, ang literatura ni Rizal ay sa
aspekto ng ideyalismo na hindi ganap na maunawaan at matularan ng kanyang mga
kasamahan.
b)      Maging sa editoryal ng La Solidaridad ay nagkakaroon na ng pagkakaiba sa
paniniwala at patakaran sina Rizal at del Pilar.
c)      Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang karibalan; ang mga Pilipino sa
Madrid na may bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang pag-uusapan na
kanilang gaganapin sa Enero 1, 1891.

d)      Pinag-usapan dito na ang editoryal ng La Solidaridad ay mapasailalim sa


samahan ng mga Pilipino, ito ay tinutulan ni del Pilar. Napag-usapan na magkakaroon
ng isang halalan na dito ang makapagtatamo ng 2/3 na boto ang mananalo.
e)      Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid noong unang linggo ng
Pebrero 1891 at nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo — Rizalista at Pilarista .
Sa unang araw ng halalan ay si Rizal ang nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na
kinakailangang boto at sa ikalwang araw ay nagkaroon uli ng halalan ay ganito pa rin
ang resulta.

f)       Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang karamihan


kay Rizal at natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa kanya
bilang pinuno ng samahan.
g)      Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon,
sa dahilang ayaw niyang maging pinuno ng hati-hating samahan.

h)      Umalis si Rizal sa Madrid na nag-iwan ng maikling sulat ng pagpapasalamat sa


mga kababayan niyang naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz.

Mga Balita sa Kanyang Bayan na Labis niyang Ikinabahala:


1. Ang pagkakabilanggo ng 800 Pilipino na lumagda sa petisyong inilahad ni
Doroteo Cortes at sinulat ni M.H. del Pilar. Hinihingi ng petisyon na paalisin ang
mga prayle sa Pilipinas dahil sa labis nitong pagsasamantala sa kanilang tungkulin.
2. Pagpapakulong sa ilang mga taga-Kalamba kasama ang ilang kaanak ni Rizal
dahil sa petisyon ng mga ito sa pamamalakad ng mga lupang pansakahan.
3. Ang pagtuligsa sa kanya nina Senador Salamanca at Vida sa hukuman at nina
Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Kastila.
4. Si Manuel T. Hidalgo, asawa ni Saturnina ay ipinatapon ni Gobernador-Heneral
Weyler sa Bohol. Ang pagkakulong ng kaibigan ni Laureano Viado, isang kamag-
aral sa UST dahil sa pagtatago nito ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang
tahanan.
5. Ang La Solidaridad ay ang pahayagang inilunsad ni Graciano Lopez Jaena
noong 1889. Ito ay pahayagan sa samahang Asociation La Solidaridad na siyang
naglalathala ng mga artikulong sinulat ni Rizal na lubhang naging abala si Rizal sa
pagsulat. Ang pagsulat niya ng “La Vision de Fray Rodriguez” ay isang sagot sa
pagbatikos sa kanyang nobelang Noli Me Tangere.
6. Sa “ Los Agricultores Filipinas” (Ang mga Pilipinong Magasaka) ay inilarawan
niya ang kaawa-awang kalagayan ng mga magsasaka sa Pilipinas dahil dito isinulat
din niya ang hinahangaang “Sa mga Kababaihan ng Malolos” noong Pebrero
22,1889.

https://buhayrizal.wordpress.com/kabanata-7-12/mga-kabiguan/

PAGTATAYA

Sagutan mo…  Gawain sa Pagkatuto

Gawain 28

Panuto: Magbigay ng 5 naging kabiguan ni Rizal sa kaniyang pananatili sa Madrid at ipaliwanag


kung paano siya naapektuhan nito:
LAYUNIN

 Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa naging baksyon ni Rizal sa Biarritz.

PAGTALAKAY
Basahin mo…

Aralin 18: BAKASYON NI RIZAL SA BIARRITZ


A. Mga Ginawa ni Rizal sa Biarritz

1. Sa pag-alis ni Rizal sa Madrid ay nagtungo si Rizal sa Biarritz at nagbakasyon sa


bahay ni Senor Eduardo Bousted sa Villa Eliada. 

2. Naging malapit si Rizal sa mga anak na dalaga ni Senor Bousted na sina Adelina at
Nellie.

3. Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan at nakita rito ni Rizal ang mga turista
mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang nagpalimot kay rizal
sa kanyang mga kasawian sa Madrid.

4. May namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal at Nellie Bousted. Naakit si Rizal kay
Nellie sa dahilan sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na moral ng dalaga. Ipinagtapat ni
Rizal sa kanyang mga kaibigan na nagkaroon siya ng pagnanais na pakasalan si Nellie
Bousted.

5. Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang pamagat ng kanyang nobela na
Noli ng Neli. Si Antonio Luna na minsan ay kanyang naging karibal kay Nellie ay
hinikayat si Rizal na pakasalan na si Nellie.

6. Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahilan sa hindi nahikayat si Rizal na


magpakasal sa dalaga dahilan sa mga sumusunod:

a. ayaw ni Rizal maging Protestante; at


b. ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang dahilan si Rizal ay mahirap
na "doktor na walang pasyente, manunulat na walang pera" at isang repormista na
inuusig ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan sa sariling bayan.

7. Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting magkaibigan.


8. Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo ilang araw bago siya umalis sa
Biarritz patungo ng Paris.
9. Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan sa
Hongkong at dito nagtrabaho bilang doktor.
10. Nagbalik si Rizal sa Brussels at muli niyang binisita ang mga Jacoby lalo na si Petite
Sussane Jacoby.
11. Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang maharap niya ang
pagpapalimbag ng kanyang ikalawang nobela - El Fililbusterismo . Mula sa Brussels ay
kanyang ipinaalam sa Kilusang Propaganda na itigil na ang pagpapadala ng kanyang
sustentong P 50 bawat buwan.
12. Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La
Solidaridad sa kabila ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan . Napansin din ni Marcelo H.
del Pilar ang panlalamig ng kilusang propaganda sa pananahimik ni Rizal at dahilan dito
ay napilitang sumulat si del Pilar na nakikiusap kay Rizal na muling magsulat sa
pahayagan.

PAGTATAYA

Sagutan mo…  Gawain sa Pagkatuto

Gawain 29

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Paaano nakatulong ang bakasyon ni Rizal sa Biarritz upang kalimutan ang kaniyang mga
naging kabiguan sa Madrid?
2. Ano ang naging kinahihinatnan ng pag-iibigan ni Rizal at Nellie? Ibigay ang dahilan bakit sa
ganoong sitwasyon ang kanilang pagmamahalan.
3. Magbigay ng 3 makabuluhang bagay na ginawa ni Rizal habang siya ay nasa Biarritz.
LAYUNIN
 Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari hinggil sa pagpapalimbag ng nobelang El
Filibusterismo sa Belgium.
PAGTALAKAY
Basahin mo…

Aralin 19:
ANG PAGPAPALIMBAG NG EL FILIBUSTERISMO SA BELGIUM

Ang Bahay ni Rizal sa Ghent

1. Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na isang lunsod pamantyasan ng


Belgium.
2. Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo at
natapos ang huling kabanata sa Biarritz.
3. Naninirahan si Rizal sa Ghent dahilan sa mga sumusunod:
a. Mura ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent; at
b. Makaligtas sa pang-aakit ni Petite Sussane Jacoby.

1. Sa lunsod ng Ghent ay nakatagpo ni Rizal ang dalawang Pilipino na estudyante ng


inhinyera sa Unibersidad ng Ghent na sina Jose Alejandrino at Edilberto Evangelista.
2. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan at nakasama niya si Jose
Alejandrino na nakapuna ng kanyang labis na katipiran.
3. Sa pagdating ni Rizal sa Ghent ay naghanap siya ng pinakamurang bahay palimbagan
para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang palimbagang F.
MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang maglathala ng nobela sa
pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. Isisnanla ni Rizal ang kanyang mga alahas
upang maging paunang bayad sa palimbagan.
4. Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng pera at ang pagpapalimbag sa El
Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan.
5. Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon ang manuskrito ng El Filibusterimo sa
apoy.
6. Nang malaman ni Ventura ang kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang pinadalhan
si Rizal ng salapi para maituloy ang pagpapalimbag.
7. Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at
kanyang ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez.
Pinadalahan din niya ang kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena,
T.H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan Luna. Pinagkaloob ni Rizal kay
ValentinVentura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo.
8. Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang
isyu ng Oktibre 1891.
9. Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng GOMBURZA .
10. Ipinagkumpara ang Noli at Fili.

a. Ang Noli ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay
at may taglay na tuwa. Ang Fili ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman
ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at pagdurusa.
b. Ang orihinal na kagustuhan ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa sa Noli
ngunit dahilan sa kakulangan sa salapi ay naging maikli ang Fili (38 kabanata) kung
ikukumpara sa Noli (64 kabanata).
c. Para kay Wenceslao Retana mas mahusay ang Noli.
d. Para kay Marcelo H. del Pilar mas mahusay ang Fili.

1. Sumulat si Rizal kay Blumentritt na nagsasabi ng kanyang balak na gumawa ng


ikatlong nobela. Ito ay hindi na masyadong ukol sa politika kundi sa etika.
2. Sa kanyang paglalakbay patungong Hongkong ay kanyang sinimulang sulatin ang
ikatlong nobela.

PAGTATAYA

Sagutan mo…  Gawain sa Pagkatuto

Gawain 30

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag o katanungan.Ibigay ang hinihingi ng sumusunod:

1. Sino ang dalawang Pilipino na estudyante ng inhinyera sa Unibersidad ng Ghent na nakatagpo ni Rizal
sa lunsod ng Ghent?
2. Saan sinimulang isulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?
3. Ito ay isang nobelang politikal gawa ng ulo, isip, naglalaman ng pait, pagkamuhi, sakit, karahasan, at
pagdurusa.
4. Sino ang nakapuna ng labis na katipiran ni Rizal?

5. Ano ang pangalan ng palimbagan na natagpuan ni Rizal para sa kaniyang El Fiibusterismo na handang
ilimbag ang kaniyang nobela kahit ang bayad ay hulugan?
6. Ito ay isang romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, sariwa, makulay at may taglay na tuwa.
7. Kanino inihahandog ni Rizal ang kaniyang nobelang El Filibusterismo?
8. Sino ang sinabihan ni izal ng kaniyang pagnanais o pagbabalak na sumulat ng ikatlong nobela?
9. Sino ang tumulong kay Rizal upang matuloy ang pagpapalimbag ng El Filibesterismo?
10. Kanino ipinagkaloob o binigay ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo?
11-12. Ano ang dahilan ni Rizal sa kaniyang paninirahan sa Ghent?
13. Ano ang dahilan kung bakit mas maikli ang El Filibusterismo kaysa sa Noli Me Tangere?
14. Ilang kabanata ang pagitan ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere?
15. Magbigay ng isang layunin ni Rizal kung bakit niya isinulat ang ng El Filibusterismo.
LAYUNIN

 Natutukoy ang mga mahahalagang detalye sa panahon ng panggagamot ni Rizal sa Hong


Kong.

PAGTALAKAY
Basahin mo…

Aralin 20: PANGGAGAMOT NI RIZAL SA HONGKONG

A. Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong

1. Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del


Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa.
2. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas.
3. Para kupkupin ang kanyang pamilya.

B. Pamamaalam sa Europa

1. Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa paglalayon na mapanatili ang kaisahan
ng mga Pilipino sa Europa.
2. Mula sa Merseilles sumakay ng barkong Melbourne patungo ng Hongkong, kasama ng
kanyang bagahe ang 600 na kopya ng El Filibusterismo.
3. Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na
nangmamaliit sa kanya sa usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong
pamamaraan.

C. Hongkong

1. Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga


kaibigan at dito ay nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola Terrace. Sa nasabi
ding tirahan si Rizal ay nagbukas ng isang klinika.
2. Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si
Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad.
3. Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa.

D. Panggagamot sa Hongkong

1. Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang manggagamot upang
masuportahan niya ang kanyang pamilya. Sa tulong ni Dr, Lorenzo Marquez na kanayang
kaibigan. Inilapit niya kay Rizal ang kanyang mga pasyenteng may sakit sa mata.
2. Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga
British, Tsino, Portuges, at Amerikano.
3. Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa Hongkong.
4. Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot.

E. Ang Proyektong Borneo

1. Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo na bubuuin ng mga walang


lupang Pilipino mula sa ating bansa .
2. Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay siya
na mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 50,000 hektaryang lupa, na malapit sa
daungan, at mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang
bayad.
3. Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng
pagnanais na ito ay maisakatuparan.
4. Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang Proyektong
Borneo ngunit hindi ito sinagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin sinagot ngunit
ipinarating sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong ang pagtutol dito.

F. Mga Sinulat sa Hongkong

1. Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin ni Rizal ng proklamasyon ng


Rebolusyong Pranses ng 1789.
2. A la Nacion Espanola - isang artikulo na umaapela sa Espanya na ituwid ang
kamaliang nagawa sa mga magsasaka ng Calamba.
3. Sa Mga Kababayan - isang artikulo na nagpapaliwanag sa sitwasyong agraryo sa
Calamba.
4. Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol sa kanyang pagbisita sa kulungan ng
Hongkong kumpara sa malupit na kulungan sa Pilipinas.
5. The Hongkong Telegraph- isang pahayagan kung saan si rizal ay nagpapadala ng mga
artikulo.
6. Ang pinakamahalagang isinulat ni rizal sa Hongkong ay ang saligang Batas ng La liga
Filipina.

A. Ang Pagpapasiya na Magbalik sa Maynila

1. Ang mga dahilan na magbalik sa Maynila.

a. Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo


b. Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila
c. Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa kanyang paniniwala na matapang
si Rizal dahilan sa siya ay malayo sa mga Espanyol.

1. Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa Maynila


dahilan sa itoo ay mangangahulugan lamang ng kamatayan.
2. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na sulat bago umalis ng Hongkong na
iningatan ni Dr. Marquez na bubuksan lamang kung siya ay mamamatay .

a. sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid


b. Sulat sa sambayanang Pilipino
c. Sulat sa Gobernador Heneral Despujol

1. Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila. Kasabay naman ng pag-uwi ng Rizal ay


pagsasampa naman ng kanyang mga kaaway ng kaso.

PAGTATAYA

Sagutan mo…  Gawain sa Pagkatuto

Gawain 31

Panuto: Isulat ang “HAI” kung ang pahayag ay TAMA at isulat naman ang salitang “IEI” kung
ang pahayag ay MALI at ITAMA ang salitang nagpamali sa pahayag.

1. Ang isa sa dahilan na magbalik sa Maynila ni Rizal ay upang atunayan kay Eduardo de Lete na ito ay
mali sa kanyang paniniwala na matapang si Rizal dahilan sa siya ay malayo sa mga Espanyol.
2. Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa Laguna dahilan sa itoo ay
mangangahulugan lamang ng kamatayan.
3. Ang A la Nacion Espanola ay isang artikulo ukol sa kanyang pagbisita sa kulungan ng Hongkong
kumpara sa malupit na kulungan sa Pilipinas 4. Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo
na bubuuin ng mga makapangyarihang tao Pilipino mula sa ating bansa.

5. Ginamit nang mahusay ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang manggagamot upang
masuportahan niya ang kanyang pamilya.
6. Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng mula sa Borneo na nangmamaliit
sa kanya sa usapan na hiniya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong pamamaraan. 7. Kinausap ang mga
pinunong British at nagtagumpay siya na mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 50,000 hektaryang
lupa, na malapit sa daungan, at mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang
bayad.
8. Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa Hong Kong.
9. Kasabay ng pag-uwi ni Rizal sa Maynila ay ang pagsasampa naman ng kanyang mga kaaway ng kaso
sa kaniya.
10. Hindi na ipinaalam pa ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa upang ito ay
maisakatuparan.
LAYUNIN

 Natutukoy ang layunin ng pagkakatatag ng La Liga Filipina; at


 Nakalilikha ng slogan hinggil sa La Liga Filipina.

PAGTALAKAY
Basahin mo…

Aralin 21: ANG PAGBABALIK AT PAGTATAG NG LA LIGA

A. Ang Ikalawang Pagbabalik

1. Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia
at tumigil sa Hotel de Oriente.
2. Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa
gobernador heneral ngunit pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol.
3. Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si Neneng.
4. Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa
Malolos, Bulacan; San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor, Pampanga. Ang
kanyang mga paglalakbay ay sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na kanyang
binisita pagkatapos ng ilang araw ay sinalakay ng mga kawal Espanyol.
5. Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol.

A. Pagtatayo ng La Liga Filipina

1. Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa


Kalye Ylaya, tondo Maynila.
2. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod:

a. Pedro Serano Laktaw


b. Domingo Franco
c. Jose Ramos
d. Ambrosio Salvador
e. Bonifacio Arevalo
f. Agustin de la Rosa
g. Moises Salvador
h. Luis Villareal
i. Faustino Villaruel
j. Mariano Crisostomo
k. Numeriano Adriatico
l. Estanislao Legaspi
m. Teodoro Plata
n. Andres Bonifacio
o. Juan Zulueta

A. Pag-aresto at Pagpapatapon

1. Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto


siya sa dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.
2. Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago.
3. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan.
4. Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu. 

PAGTATAYA

Sagutan mo…  Gawain sa Pagkatuto

Gawain 32

Panuto: Ibigay at gawin ang kahingian ng sumusunod:

1. Magsaliksik sa internet at itala/ibigay 5 dahilan ng pagkakatatag ng La Liga Filipina.


2. Lumikha ng isang slogan hinggil sa anumang paksa hinggil sa La Liga Filipina maaaring ito
ay digital o isulat sa isang buong bond paper.
LAYUNIN

 Naipaliliwanag ang mga naging gampanin o ginawa ni Rizal nang siya’y ipinatapon sa
Dapitan.

PAGTALAKAY
Basahin mo…

Aralin 22: TAPON SA DAPITAN

A. Ang Buhay ng Isang Tapon

1. Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo
Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.
2. Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay
Padre Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga
kondisyon upang si Rizal ay makatira sa kumbento.
3. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan
Carcinero na kanyang naging kaibigan.
4. Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog
ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang
P20,000. Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama
at P200 kay Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng
lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.
5. Ngkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa usapin ng relihiyon
na naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal.

a. Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakinabangan.


b. Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao.

1. Hindi nagtagumpay si Pastell na maibalik si Rizal para sa simbahan.


2. Hinamon ni Rizal ang isang Pranses na si Mr. Juan Lardet ng duwelo dahilan sa
pagbebenta kay Rizal ng mga kahoy na mababa ang kwalidad.
3. Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez sa Dapitan upang muling akitin si
Rizal na magbalik sa simbahan. Ngunit hindi rin ito nagtagumpay.
4. Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama niya ang
kanyang mga kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa Talisay.
5. Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na Pablo Mercado (Florencio
Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas malaking kaso.
6. Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga
pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng
malaki sa kanyang paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa
at kalahating taon, ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa
panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't
ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot.
7. Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang magkaroon ng malinis
na tubig sa bawat bahay ng Dapitan.
8. Mga Proyektong Pangkomunidad sa Dapitan:

a. Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria


b. Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan
c. Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa.

1. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa
Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan,
matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng
hapon.
2. Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan

a. Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap
ng mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa.
b. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi.
c. Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.

1. Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa panahong ito ay


natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo.
2. Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng
pagkakatapon niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at
nililok niya ang (1) Paghihiganti ng Ina: (2) ang ulo ni Padre Guericco; (3) estatwa ng
isang babaeng taga-Dapitan.
3. Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka.
Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka, niyog,
punong kahoy, tubo , mais, kape, at cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong
pagsasaka sa pamamagitan ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong
makinarya.
4. Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo
siya kay Ramon Carreon , mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng pangingisda,
koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan
upang mabawasan ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar.
5. Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod;

a. sulpukan - isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy


b. makina sa paggawa ng bricks

1. Si Josephine Bracken.

a. Namatay si Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893 dahilan sa panganganak.


b. Dumating si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan upang samahan ang kanyang
ama-amahan na si George Tauffer upang mapagamot kay Rizal. Dala nila ang isang
tarheta ni Julio Llorente.
c. Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na magpakasal ngunit ayaw silang
ikasal ni Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng Cebu.
d. Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine sa Dapitan upang makisama kay
Rizal.
e. Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa kanilang anak ni Rizal.

1. Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuela upang ipaalam kay
Rizal ang ukol sa Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni Rizal sa
Katipunan na tinaggihan naman niya.
2. Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano
sa Cuba. Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na
sumagot sa kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang
plano.
3. Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay ng barkong Espana kasama nina
Josephine, Narcisa, at pamangking si Angelica.
PAGTATAYA

Sagutan mo…  Gawain sa Pagkatuto

Gawain 33
Panuto: Ipaliwanag kung ano ang ginawa o paano ginapanan ni Rizal ang sumusunod:

1. Bilang isang doktor:


2. Bilang isang guro:

3. Bilang isang siyentipiko:


4. Bilang isang alagad ng sining:
5. Bilang isang negosyante:
6. Bilang isang lingcod-sibiko:
7. Bilang isang dalubwika:
8. Bilang isang imbentor:
LAYUNIN

 Nakagagawa ng timeline diagram hinggil sa huling paglalakbay sa labas ng bansa na


ginawa ni Rizal.

PAGTALAKAY
Basahin mo…

Aralin 23: HULING PAGLALAKBAY SA LABAS NG BANSA

1. Mula Dapitan patungo ng Maynila

a. Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang isa niyang
kaibigan na si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang
isang kapitan ng guardia civil.
b. Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang mag-asawang Mateo na kanyang nakilala sa
Madrid.
c. Dumaan ng Iloilo para mamili at nagdaan sa Capiz ang barko.

1. Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barkong Isla de Luzon na


sasakyan sana niya patungo ng Espanya. Napilitang tumigil si Rizal sa barkong Castilla
sa loob halos ng isang buwan bilang panauhin ni Enrique Estalon, ang kapitan ng barko.
2. Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga
Espanyol. Nalaman ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan ng pagbabasa
ng mga pahayagan sa barko.
3. Sa petsang Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang isang sukat ni Blanco na nag-
eendorso sa kanya sa Ministro ng Digma.
4. Inilipat si Rizal ng Setyembre 2, 1896 sa barkong Isla de Panay na maglalayag na
patungong Barcelona.
5. Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng Singapore, pansamantalang bumaba si Rizal
sa Singapore at pinayuhan siya ni Don Manuel Camus na isang Pilipinong naninirahan na
samantalahin na ang pagkakataon upang makatakas. Hindi ito sinunod ni Rizal.
6. Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya ay lihim na nagpapadala ng
telegrama si Blanco sa Ministerio ng Digmaan na si Rizal ang utak ng himagsikan.
7. Sa Suez Canal ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa pagbitay sa mga Pilipinong
naghihinalang kasangkot sa himagsikan.
8. Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating sa
Barcelona.
9. Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya
(Rizal) ay idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila.
11. Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at ipinadala sa
Munjuich Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio Despujol . Oktubre 6,
1896 - inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong Colon.

PAGTATAYA

Sagutan mo…  Gawain sa Pagkatuto

Gawain 34

Panuto: Magsaliksik sa internet ng isang halimbawa ng timeline diagram na nais mong gamitin
at gumawa ng timeline diagram hinggil sa huling paglalakbay sa labas ng bansa na ginawa ni
Rizal
LAYUNIN

 Nakalilikha ng isang likhang sining hinggil sa huling paglilitis kay Rizal.

PAGTALAKAY
Basahin mo…

Aralin 24: HULING PAGBABALIK AT PAGLILITIS

A. Ang Huling Pagbabalik

1. Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang kabuna at nasa ilalim ng mahigpit na


pagbabantay.
2. Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa nagaganap
na madugong himagsikan sa Pilipinas.
3. Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal.
4. Sa pagdating ng barkong Colon sa Singapore ay sinikap ni Dr. Antonio Regidor at
Sixto Lopez sa pamamagitan ng isang abogadong Ingles na si Attorney Fort na bigyan si
Rizal ng habeas corpus ngunit hindi ito naipagkaloob sa dahilang ang barkong Colon ay
nasa ilalim ng bandila ng Espanya.
5. Nobyembre 3, 1896 - Nakarating ang barkong Colon sa Maynila at tahimik na inilipat
si Rizal sa Fort Santiago. Sa panahong ito ang mga Espanyol ay nangangalap na ng
ebidensiya laban kay Rizal. Pinahirapan ng mga Espanyol ang maraming mga Pilipino
para isabit si Rizal sa nagaganap na himagsikan.
6. Nagkaroon ng isang Preliminary investigation sa kaso ni Rizal na pinamumunuan ni
Colonel Francisco Olive . Si Rizal ay sumailaliam sa limang araw ng mahigpit na
imbestigasyon.
7. Pinili ni Rizal ang pangalan ni Tinyente Luis Taviel de Andrade bilang abogado sa
gaganaping paglilitis sa kanya.
8. Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26, 1896 at sa nasabi ding araw
ay nagpasiya ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril.
9. Noong Disyembre 28, 1896 nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polaviela ang
kautusan ng pagbaril kay Jose Rizal.
PAGTATAYA

Sagutan mo…  Gawain sa Pagkatuto

Gawain 35

Panuto: Sa isang short bond paper ay gumawa ng sariling likhang sining sa kung ano ang iyong
naiisip na nararamdaman o kalagayan ni Rizal sa paglilitis sa kaniya.
LAYUNIN

 Nakasusulat ng repleksyong papel base sa kabayanihan o kagitingan na ipinakita ni


Rizal.

PAGTALAKAY
Basahin mo…

Aralin 25: ANG KAGITINGAN SA BAGUMBAYAN

A. Ang mga Huling Oras ni Rizal

1. Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang


kapasiyahan na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na ika-
7 ng umaga.
2. Alas 7:00 ng umaga - Tinanggap niyang bisita sina Padre Miguel Saderra Matta
(Rector ng Ateneo) at Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro.
3. Alas 8:00 ng umaga - Pumalit kay Padre Viza si Padre Antonio Rosell, inimbitahan
siya ni Rizal na mag-almusal. Pagkatapos na mag-almusal dumating si Tinyente Luis
Taviel de Andrade at nagpasalamat si Rizal dito sa ginawang pagtatanggol niya.
4. Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama ang
sinabi ng pare na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere .
5. Alas 10:00 ng umaga - Dumating si Padre Villaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at Padre
Vicente Balaguer (kura paroko ng Dapitan). Dumating si Santiago Mataix at
kinapanayam si Rizal para sa pahayagang El Heraldo de Madrid. 
6. Alas-12:00 ng tanghali - naiwan si Rizal na nag-iisa sa kanyang silid para
magtanghalian. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Natapos
na niya ang Mi Ultimo Adios at itatago na lamang sa lutuang alcohol at ginawa na rin ni
Rizal ang kanyang huling sulat kay Ferdinand Blumentritt.
7. Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer sa Fort Santiago at kinukulit si Rizal
na gumawa ng isang retraksiyon sa kanyang isinulat na laban sa simbahang Katoliko.
8. Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod dito si
Rizal at hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay ibinigay niya ang
lutuang alcohol na naglalaman ng Mi Ultimi Adios .
9. Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay nagbalik pa rin ang mga Jesuita sa
pangungulit kay Rizal na gumawa ng retraksiyon.
10. Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga prayle na
gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon.
11. Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan sinabi niya kay
kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga kaaway .
12. Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng retraksiyon na
pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal. Dahilan sa hindi napapirma si Rizal
sa retraksiyon, ang paring Jesuita ay hinuwad ang lagda nui Rizal at pagkamatay ni Rizal
ay sinabi nila na si Rizal ay lumagda ng isang retraksiyon.
13. Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay nakinig ng misa at
tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang basehan.
14. Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling almusal pagkatapos ay sinulat niya ang
dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si Paciano.
15. Sa nabanggit din na oras ay dumating si Josephine Bracken at ipinagkaloob ni Rizal
ang isang aklat ni Kempis na may pamagat na Imitacion de Cristo . Sa nasabing aklat
inilagay ni Rizal ang isang sulat na To my dear and unhappy wife, Josephine December
30, 1896. Jose Rizal.
16. Alas 6:00 ng umaga - habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan, inihanda ni
Rizal ang kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina.
17. Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago patungo ng
Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa
likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade
sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ng maraming mga
sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong
nanonood.
18. Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang
naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal.
19. Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade . Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo
isang manggagamot ng hukbong Espanyol at humanga sa normal na tibok ng pulso nito.
20. Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa Bagumbayan.
21. Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang
katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito.
22. Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco.
PAGTATAYA

Sagutan mo…  Gawain sa Pagkatuto

Gawain 36

Panuto: Mimili ng Pelikula at panuorin ito. Gumawa ng repleksyong papel hinggil sa napanuod
na pelikula lalo na sa kagitingan na ipinamalas ni Rizal sa Bagumbayan

Panonood ng Pelikula:

Opsiyon 1: Jose Rizal, GMA Films, sa Direksyion ni Marilou Diaz-Abaya

Opsiyon 2: Rizal sa Dapitan, sa Direksiyon ni Tikoy Aguiluz

You might also like