You are on page 1of 2

ARPAN 7

2ND UNIT TEST COVERAGE

Summary
 Kabihasnan
 Sumerian Civilization
 Civilization in West Asia
Rise to fall (found in thinkfast-PPT)

Some readings that would be included in the Test:


Ang Ziggurat ay isang templo ng mga taga Sumeria, kalunan ay naging Babylonia na ngayon ay ang katimugang
bahagi ng Iraq. Ito ang templo ng kanilang mga diyos.
Tingnan niyo nang mabuti ang larawan. Ilang bahagdan at ang inyong nakikita?
Sa kaliwang bahagi ay diyan dumadaan ang mga lesser gods o mga maliliit na diyos, habang ang kanang bahagi ng
hagdanan naman ay dito dumadaan ang mga greater gods o makapangyariahang Diyos. At ang nasa gitna naman ay dito
dumadaan ang pinakamakapangyarihang diyos nila na si Enlil (ang diyos ng Araw).
Ang mga bahagdan o storey kung tawagin sa Englis ay ang mga tinitirhan ng mga diyos. Ang pinakamababa ay
tinitirhan ng mga lesser gods, habang ang gitna naman ay tinitirhan ng mga greater gods. At ang pinakahuli ay tinitirhan ng
greatest god. Para sa inyo, bakit kaya napakaliit ng templo ni Enlil? Ibig ba’ng sabihin na di ito makatarungan?
Ang paniniwala kasi ng mga Sumer ay kung lumiliit ang tirahan ng mga diyos ay ang ibig sabihin nito ay mas
makapangyarihan ang nakatira nito. Kaya, iyan ang dahilan. Bilang isang tao, kung ganyan ang magiging konspeto ng ating
bahay, ngunit makapangyarihan ka naman- siguro sa larangan ng trabaho dahil ikaw ay isang boss, o di kaya ay nirerespeto ka ng
mga tao, ngunit ang kapalit ay lumiliit ang iyong tirahan: Papayag ka ba? Bakit o bakit hindi? (Bibigyan ang mga mag-aaral ng
pagkakataon na ibigay ang kanilang mga hinuha, bago magpatuloy.)
Philippine’s Setting: Alam mo ba na noon paman ay may konseptong panrelihiyon na ang tao noon?
Halimbawa na lamang dito sa Pilipinas. An gating mga ninuno ay sumasamba na sa mga diyos-diyos. Ang kanilang
pinakamakapangyarihg diyos ay tinatawag na Bathala. Mayroon din silang mga diyos sa iba’t ibang bahagi ng kalikasan.
Naniniwala sila na ang mga ito (gaya ng halaman, puno, kahoy, atbp.) ay mayroong buhay at nakakatasa rin ng sakit kung sila ay
pinapabayaan. Mayroong mga diyos din na nagwawasak ng kapaligiran at mayroong mga diyos na nagbibigay-proteksyon nito.
kaya hindi natin maikukubli na maraming paniniwala ang mga Pilipino, magpahanggang ngayon.
Mga Katangian ng Kabihasnan
Matutukoy kung ang isang malaking pamayanan ay isang kabihasnan kung kakikitaan ito ng mga sumusunod na mga
katangian.
Isa sa mga pinaka-unang katangiang uusbong bunga ng pag-unlad ng mga kasanayan sa pamumuhay ay ang
pagkakaroon ng sentralisadong pamamahala ng mga kapakinabangan. Matatandaang sa Panahong Neolitiko naimbento ang
pagsasaka at pag-aalaga ng hayop. Nagbigay daan ito sa mas permanenteng pamumuhay. Naging matagumpay ang kanilang
pagtatanim at pag-aalaga ng hayop kaya naman hindi na suliranin ang pang-araw-araw na pagkain. Mayroong mga pagkakataon
ding sumusobra ang kanilang mga inani. Kinailangan nang magkaroon ng maayos na pamamahala sa mga kapakinabangang ito
upang hindi agad maubos, masira, at maipagpatuloy pa ang masaganang ani. Kadalasang ang pamilyang mayroong
pinakamaraming kapakinabangan ang tinitingnang pinakamatagumpay sa pamamahala ng mga ito. Ang kanilang mga
pamamaraan sa pagsasaka at paghahayupan ang ginagaya. Ang pinuno ng pamilyang ito ng kadalasang naaatasang mamuno rin
sa pangangalaga sa iba pang mga kapakinabangan. Kakikitaan siya ng matalinong pag-iisip at lakas upang maproteksyunan ang
mga kapakinabangang ito. Mayroong mga pamilyang makikipagkasundo sa kaniya. Magdudulot ang pag-unlad sa pamamahalang
ito sa pagkakabuo ng mga lungsod-estado, kung saan ang naunang naging pinuno ay ang magiging hari.
Kakikitaan din ang isang kabihasnan ng pagkakaroon ng sistemang pangkabuhayan. Ang ilang pamilya ay itutuon ang
atensyon sa pagtatanim, ang iba naman ay sa paghahayupan. Mga pamilya rin ang makakaisip ng iba pang mapagkukunan ng
kapakinabangan. Uusbong ang pagpapalitan ng mga produkto at komersyo. Magdudulot ang bagong sistemang pangkabuhayang
ito sa lubos na pagkakahati-hati at espesyalisasyon ng trabaho. Mayrong mga pamilya na itutuon ang atensyon sa pagkuha at
paggawa ng mga palayok. Mayroon namang gagawa ng mga tela at iba pang mga kasangkapan. Uusbong na rin ang mga
paggawaan ng mga kasangkapan at sandatahang gawa sa metal. Ang kani-kanilang mga produkto ay ipagpapalit nila upang
makakuha ng pagkain, mga kagamitan, at iba pang mga kasangkapan.
Magsisimulang makita ang pagkakaiba-iba ng mga pamilya ayon sa dami ng kapakinabangang mayroon sila. Sa
kapakinabangan, kasanayan, at mga ugnayan ng mga pamliyang ito mag-uugat ang pagkakaiba-iba ng kani-kanilang mga estado
sa lipunan. Sa pag-unlad ng pamumuhay ng pamayanan, magkakaroon ng mga paraan ng paninirahan. Ang mga pamilyang
gumagawa at nagbibili ng mga palayok ay magkakasama. Ganoon din naman ang pamilyang gumagawa at nagbibili ng mga
kasangkapang metal. Uusbong din ang mga pamilihan, ang mga lugar kung saan ginaganap ang komersyo, at iba pang mga
transaksyon. Maipapagawa sa mga bahaging ito ng pamayanan ang mga malalaking mga arkitektura na nagsisilbing taguan ng
mga kapakinabangan. Ang mga pinuno at iba pang mga pamilyang mayroong mga kakayahan ay makapagpapagawa rin ng
kanilang mga bahay.
Isa rin sa mga katangian ng isang kabihasnan ay mataas na uri ng paniniwala at pananampalataya. Hindi lubos na
maunawaan ng mga mamamayan ng isang pamayanan ang mga nangyayari sa kapaligiran kaya naman sila ay bubuo ng kani-
kanilang mga paniniwala. Magbibigay sila ng mga pagpapaliwanag sa mga bagay na nagaganap sa kapaligiran gaya ng pagsikat
at paglubog ng araw, pag-unlad, o kaya naman ay ang pagbaha. Maiisiip nilang baka mayroong mga makapangyarihang puwersa
na gumawa at nagpapanatili nito. Ang kanilang paniniwala ay ipapakalat sa buong pamayanan, at upang masiguro ang
matagumpay at patuloy na ani ng mga kapakinabangan, sila ay gagawa ng mga ritwal at pag-aalay sa mga hindi nila nakikitang
tagapangalaga ng kalikasan. Mas yayabong pa ang paniniwala ng mga pamayanan na magbubunga ng mga organisadong paraan
na pagsamba at mga ritwal. Magpapatayo rin ng mga arkitektura para sa mga gawaing ito.
Maiimbento ang mga paraan ng pagsusulat at pagkatuto upang maitala ang mga transakyon, utang, at iba pang mga
kaganapan sa mga pamilihan. Ganoon din naman upang masigurong maipapasa sa susunod na henerasyon ang kanilang mga
kaalaman sa halos lahat ng aspekto ng pamumuhay sa isang kabihasnan. Mahalga ang pagbibilang, pagsusulat, at pagkakatuto
sapagkat nais ng mga miyembro ng pamayanan na masiguro ang pagtatagumpay ng kanilang pamumuhay. Mula naman sa
pagsulat at pagkatuto na ito, kasabay ng pagkakaroon ng mga mamamayan ng pamayanan ng labis na oras, uusbong ang mga
likhang sining. Sa kagustuhan ng mga gumagawa ng mga palayok na higit na maging mabili ang kanilang produkto, nilalagyan
nila ang mga ito ng disenyo. Ang mga sandata naman ay magkakaroon ng mas matibay na anyo. Ang lahat naman ng mga
kasangkapan na ginagamit sa mga ritwal at pag-aalay ay mas magiging kaakit-akit pa.

You might also like