You are on page 1of 1

INDAK

By: Princess Gwyn Panes

VERSE I

Sa gitna ng kahirapan, isang ilaw ang natanaw

Ito ang ang tanging paraan, walang iba kundi sayaw

Ilang ulit mang madapa, patuloy ang pagbangon

Para sa pangarap balang araw na pag-ahon.

VERSE II

Napakaraming opinyon na ang aking narinig

Kesyo daw ang pagsayaw ko ay walang mararating

Ngunit wala naman na akong pag pipilian

Kundi gamitin ang aking talento para kami'y may pang hapunan

VERSE III

Iindak ako kahit anong sabihin niyo

Isasabay ko ang galaw ko sa bawat liriko

Ibibigay ko ang lahat para maitaguyod ko

Ang buhay at pag aaral ko gamit ang musiko

VERSE IV

Hindi ko hahayaang madala aka ng agos

Ng mga negatibong salita't pambabatikos

iindak ako hanggang sa aking matapos

Ang dulo ng tugtog sa dulo ng tugatog.

You might also like