You are on page 1of 3

Mula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan, bahagi na

ng buhay natin ang mga kaibigan. Hindi man natin sila


kadugo ngunit pamilya ang tingin natin sakanila.
Mahalaga ang kaibigan sa buhay natin dahil sila ang
tinatakbuhan natin sa oras ng pangangailangan. Madalas
nga nila tayong asarin at inisin upang mapasaya ang iba pa
nating kaibigan, at mahirap nga namang mabunot kapag
kayo ay nagsama-sama. Para sa aking opinyon, mas mabuti
sa tao ng magkaroon ng bilang lang na tunay na kaibigan
kaysa sa maraming kaibigan na hindi naman totoo, dahil
ang tunay na kaibigan ay alam natin na makakasama parin
natin sa hanggang sa huli. Mas magiging madali ang
magpatuloy sa buhay na tunay ang mga tao na kasama mo
at hahatakin ka nila patungo sa ikabubuti mo, at hindi sa
ikasisira mo.
Mailalarawan ko ang isang kaibigan gamit ang mga letra
nito. K bilang kasiyahan na nakukuha, A bilang Aasahan sa
lahat ng bagay, I bilang iibigan sa lahat ng oras, B bilang
bahagi ng buhay, I bilang iingatan hangga’t sa magtaga;, G
bilang ginto sa buhay, A bilang aalagaan at hindi
pababayaan at at N bilang ngiti na natatanggap.

Ang mga kaibigan ay hindi natin hinahanap, dahil kusa


silang dumadating sa ating buhay. Regalo sila ng diyos sa
atin upang tayo ay mapasaya at destiny ang makakapagsabi
kung para sa atin ang mga taong iyon bilang kaibigan natin.
Trabaho ng isang tunay na kaibigan ang magpasaya at hindi
ibigo ang kapwa niyang kaibigan. Kaibigan ang kasama sa
buhay at ito ay isa sa ating happy pills na tiyak na ating
kailangan.
Kung gusto mo magkaroon ng tunay na mga kaibigan,
magsimula ka sa iyong sarili at tratuhin mo ang mga
kaibigan mo na kung paano mo gustong tratuhin ka nila.
Maging mabuting kaibigan sa iyong kaibigan.

You might also like