You are on page 1of 3

Pineda, Dona Ysabel M.

Filipinolohiya at Pambansang
BAPS 1 - 2 Kaunlaran

Gawain Blg. 1

1. Manood ng pelikulang Heneral Luna at magtala ng mga sikretong


nabanggit sa pelikula (kahit ilan).
Ang mga nakatala ay aking napansin sa pelikulang Heneral Luna: 

- Maaring ang mga pumatay kay Andres Bonifacio ang siya ring pumatay
(o ang inutusang pumatay) kay Heneral Luna sapagkat nabanggit ni
Aguinaldo (sa unang bahagi ng pelikula) na ayaw niyang maulit ang sinapit
ni Bonifacio.
-Hindi ipinakita kung pinunit ba ni Buencamino ang sulat ni Luna sa
kaniyang ina. Pagkatapos ay mukhang pilit na ipinagtatanggol o nililinis ni
Buencamino ang kaniyang sarili (o imahe) sa pamamagitan ng mariin na
pagpapaliwanag na siya ay walang kinalaman sa pagkamatay ni Heneral
Luna. 
- Hanggang sa pagkamatay ni Heneral Luna ay siya ay may
paninindigan. Naipakita sa pelikula na nakakuyom ang kaniyang mga daliri
sa kanIyang palad.  
- Bago ang insidenteng nangyari kay Luna, may pangyayari doon na
napansin ni Manuel Quezon na aalis ang Presidente na si Emilio Aguinaldo
na walang kasamang guwardiya (na ang tungkulin talaga ay ang bantayan
ang Presidente ano mang oras) kung kaya’t nakadagdag sa aligasyong
maaring si Aguinaldo talaga ang nagpapatay kay Luna.  
- Sa tuwing ipapakita ang ina ni Aguinaldo, tila masaya ang ina at
suportado pa sa tinatahak at mga desisyon ni Aguinaldo. Ipinagpatibay ito
(sa aking palagay) nang tanungin niya na “Ano? Nagalaw pa ba ‘yan?” kay
Buencamino. May tono siyang mariin at kung tawagin si Luna na “‘yan” ay
tila ba isa lamang itong bagay.  

2. Magtala ng mga balbal na salita at ibigay ang wastong salita/tamang


gamit ng mga ito.
1. Sikyo Security guard
2. Yosi Sigarilyo
3. Tsikot Kotse
4. Eyebol Makikipagdate
5. Kosa/pare Kaibigan
6. Barat Kuripot
7. Gurang Matanda
8. Ermats Ina
9. Bayot Bakla
10. Shombits Tomboy
11. Bounce Aalis na
12. Arbor Akin na lang
13. Utol Kapatid
14. Chaka Panget
15. Barbero Sinungaling
16. Tokis Hindi tumutupad
17. Syota Kalaguyo/Kasintahan
18. Todas Patay
19. Datung Pera
20. Dehins Hindi
21. Tsimay Katulong
22. Chong Tito
23. Bakokang Peklat
24. Chika Kwento
25. Purita Mahirap
3. 26. Mary Jane Marijuana Ibigay
27. Chibog Pagkain ang
28. Praning Baliw
29. Tagay Inom
30. Tsikiting Bata
kahulugan ng Pilipino (P) at Filipino (F) sa paggamit ng Wika.

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, Pilipino ang wastong katawagan


sa ating pagkamamamayan sa Pilipinas. Ito ang tumutukoy sa nationality
ano man ang pangkat-etnikong kinabibilangan natin. Ito rin ang itinatawag
na wikang opisyal, pampagtuturo at asignatura sa Wikang Pambansa mula
noong 1959 kung saan ipinasa ng dating sekretarya ng Department of
Education, Jose Romero.
Sa kabilang dako naman, Filipino ang tumutukoy sa wikang pambansa
nating mga Pilipino. Nahinto ang paggamit ng Pilipino bilang wikang
pambasa nang pagtibayin ang Filipino bilang wikang pambansa sa
Konstitusyon ng 1987.
Parehas mang tinaguriang wikang pambansa ang dalawang salita,
nagkaiba ang dalawang salita sa kanilang konsepto. Ang Pilipino ay
nakabatay sa iisang wika, at ang Filipino naman ay sa maraming wika ng
Pilipinas.

Talasanggunian
Constantino, P. C. (n/d ). Tagalog, Pilipino, Filipino: May pagkakaiba
ba? Prezi.Com.https://prezi.com/i1nxonp8zcyt/tagalog-pilipino-filipino-may-
pagkakaiba-ba/
Komisyon sa Wikang Filipino. (n.d.). Tagalog, Pilipino, at Filipino. Facebook.
https://www.facebook.com/komfilgov/posts/tagalog-pilipino-at-
filipino/1059307937798414/

You might also like