You are on page 1of 1

Ang ating pagiging Pilipino ay hindi buong pusong ipinagkakapuri natin

At hindi ako naniniwalang

Mababago pa ito

Sa matagal kong pagiging isang Pilipino,

Tunay na pinapahalagahan

Ang ating mga katutubong wika at

hindi kinalimutan

Ay isang malaking kasinungalingan

Ngayon, wikang atin ay napapabayaan at nakakalimutan ng ating mga kabataan

At sa hinaharap, sasabihin kong

Pagpapahalaga sa wikang banyaga

Ay higit na mas importante kaysa sa

Pagmamahal sa ating katutubong wika

Sinasabi ko sa iyo,

Noon pa

Hindi mawawala ang malaking pagmamahal ng mga Pilipino sa ating Inang Bayan

Ngunit sa henerasyon ko ngayon ay hindi ito magiging totoo,

Unti-unti nang naglaho ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino

You might also like