You are on page 1of 2

Si Ramon Magsaysay ay ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang "the Guy" o "Presidente ng

Masang Pilipino". Siya ay ipinanganak sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 at pangalawang anak ni
Exequiel Magsaysay at Perfecta Del Fierro. Bilang pangulo, binuksan niya ang pintuan sa mga
mamamayang Pilipino kung saan sila ay binigyan ng pagkakataong lumapit sa kanya nang direkta at
bigyan sila ng higit na kalayaan upang ipahayag ang kanilang sakit at pagdurusa. Magpahanggang
ngayon, ang kanyang pamumuno at kabutihan ay ang mga katangiang hinahanap ng mga Pilipino para sa
isang lider.

Nag-aral si Magsaysay sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng enhinyerang mekanikal bagamat sa


Colegio de Jose Rizal niya natapos ang Antas sa Komersyo. Sa kanyang kapanahunan, karamihan sa mga
pinuno sa pulitika ay kamag-anak ng Kastila. Si Magsaysay lamang ang may lahing Malay, katulad ng
pangkaraniwang Pilipino.

Si Magsaysay ay nagsimula bilang isang mekaniko sa Try-Tran Bus Company at sa kalaunan ay naging
bilang branch manager. Naging tanyag siya bilang isang mahusay na lider ng gerilya sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at pinangalanan bilang gobernador militar ng Iba, Zambales ni General Douglas
McArthur nang palayain ng Estados Unidos ang Pilipinas.

Naglingkod siya bilang Kongreso ng Partidong Liberal sa Zambales mula 1946 hanggang 1950. Ito ang
kanyang unang karanasan sa pulitika. Bilang politiko, nagkaroon siya ng mahalagang papel sa pagpasa ng
GI Bill of Rights sa Kongreso ng Estados Unidos kung saan ay makikinabang ang mga Pilipinong beterano
ng digmaan. Inihalal ni Pangulong Elpidio Quirno si Magsaysay upang maging kalihim ng depensa upang
mahawakan ang pagbabanta ng mga Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones) na nag-
organisa ng People's Liberation army. Nagtagumpay siya sa kampanya laban sa Hukbalahap gamit ang
parehong mga solusyon sa militar at pulitika. Ang kanyang kampanya ay itinuturing na isa sa
pinakamatagumpay na kampanyang anti-gerilya sa modernong kasaysayan.
Sinubukan ni Magsaysay na makuha ang loob ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay sa
kanila ng mga lupain at mga kasangkapan kung susuporta sila sa gobyerno, dahilan upang mapagtanto
ng mga Huk na hindi nila makakayanan nang walang suporta mula sa mga tao. Inorganisa ding muli ni
Magsaysay ang hukbong militar sa pamamagitan ng pagpapaalis sa mga tiwaling opisyal, at sinanay sila
upang maging maaasahan laban sa mga gerilya. Dahil sa kanyang radikal na kampanya, ang mga huk ay
hindi na naging banta sa gobyerno bagaman gumawa siya ng maraming mga kaaway sa loob ng
pamahalaan. Inakusahan niya ng katiwalian at kawalan ng kakayahan ang administrasyong Quirino
dahilan upang magbitiw si Magsaysay sa kanyang posisyon noong Pebrero 28, 1953.

Noong 1953, sinuportahan ng Partidong Nacionalista at ni Carlos Romulo si Magsaysay upang tumakbo
para sa pagka-pangulo laban kay Quirino bagaman siya ay isang kandidato ng Liberal. Nanalo siya at
naging ika-pitong pangulo ng Pilipinas. Sa panahon ng kanyang administrasyon, ipinakilala niya ang mga
pangunahing programa tulad ng reporma sa lupa, panlipunang kapakanan at mga gawaing pampubliko.
Tinulungan niya ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatag ng kreditong pang-agrikultura at
cooperative financial agency. Si Magsaysay ang tinaguriang "Pangulo ng mga Magsasaka" ngunit ang
kanyang mga plano ay nahadlangan ng iba pang mga pulitiko na pumapabor sa mayayaman.

Si Magsaysay bilang isang pangulo ay simple at nakatuon sa pagtulong sa karaniwang tao. Siya ay
nanatiling malapit na kaibigan at tagataguyod ng Estados Unidos. Siya rin ang boses na tagapagsalita
laban sa Komunismo sa panahon ng Cold War o Digmaan sa Diplomasya. Ginawa niyang miyembro ang
Pilipinas sa SATO (Southeast Asia Treaty Organization), na itinatag sa Maynila noong Setyembre 8, 1954
at inorganisa niya ang mga bansa ng Afro-Asians laban sa pandaigdigang komunismo sa Bandung
Conference sa Indonesia.

Si Ramon Magsaysay ay namatay nang bumagsak sa Cebu ang sinasakyan nitong eroplano habang
nangangampanya para sa halalan. Ang kanyang bise presidente na si Carlos P. Garcia ang pumalit sa
kanyang puwesto.

You might also like