You are on page 1of 3

Anak ni dating Pangulong Diosdado Macapagal.

Bago pumasok sa larangan ng pulitika, nagsilbing propesor si Arroyo sa Ateneo De Manila University
kung saan isa sa kanyang naging estudyante ang kasalukuyang presidente ng bansa na si Benigno Aquino
III.

Sa imbitasyon ng noo’y Pangulong si Corazon Aquino, tumapak sa pagseserbisyo sa gobyerno si Arroyo


bilang Assistant Secretary at Undersercretary ng Department of Trade and Industry.

Matapos nito, kumandidato siya, nanalo at nagsilbing bilang senador noong 1991 hanggang 1998.

Matapos na magsilbi sa senado, nahalal naman siya bilang pangalawang pangulo ng bansa sa
administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada.

Mahigit 2 taon sa kaniyang paninilbihan bilang bise presidente, naganap ng People Power 2 na
nagpatalsik sa pwesto kay Pangulong Estrada. Alinsunod sa Saligang Batas, si Arroyo ang humalili sa
nabakanteng pwesto.

Hindi naging madali ang mga taon sa paninilbihan ni Pangulong Gloria sa panahong tinatapos niya ang
termino ni Presidente Erap.

Kinuwestyon ang ligalidad ng kanyang pagkakaupo sa pinakamataas na posisyong pulitikal sa bansa.


Pinanumpa raw kasi si Arroyo ng panahong iyon ni dating Chief Justice Hilario Davide bilang “Acting
President” lamang.

Hindi rin tumitigil ang protesta at pangangalampag sa kanyang pamahalaan ng mga taga-suporta ni
Estrada na nananawagan ng pagpapalaya sa dating pangulo matapos maikulang si Pangulong Erap sa
kasong pandarambong.
Naganap din ang pagtatangkang magsagawa ng rebelyon laban sa Administrasyong Arroyo. Tinawag
itong Oakwook Mutiny.

Nalampasan ni Arroyo ang problemang ito.

Matapos niyang i-anunsyo na hindi siya maghahangad ng bagong termino, muli siyang tumakbo sa
pagka-pangulo at nanalo sa halalan noong 1994 General Elections.

Bagaman naideklara at nakapanumpa para sa kaniyang unang termino bilang halal na pangulo, naging
kontrobersyal ang kanyang pagkapanalo.

Lalong umigting ang mga akusasyon ng pandaraya laban kay Pangulong Gloria nang lumabas ang “Hello
Garci” Tape. Sa panahong ito, isinagawa ni Arroyo ang bantog ng “I am sorry” speech.

Lumakas ang panawagan para sa kanyang pagbaba sa pwesto at mayroon pang naghain ng reklamong
impeachment laban sa kanya. Hindi ito umusad sa Kongreso at natapos din niya ang naturang termino.

Sa pamumuno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, umabot sa 4.5% ang average economic growth ng
bansa, mas mataas kaysa sa Administrasyong Cory Aquino, Ramos at Estrada. Sa katunayan, napabilang
ang Pilipinas sa mga kakaunting ekonomiya sa timog-silangang Asya na hindi nagbago ang takbo sa
kabila ng naganap na global financial crisis noon taong 2008.

Sa Administrasyong Arroyo, naisa-batas ang kontrobersyal na Expanded Value Added Tax Law na
nagsilbing centerpiece ng kanyang Economic Reform Agenda.

Bukod sa iba pang mga nai-ambag ng Arroyo Administration sa paglago ng ekonomiya ng bansa,
natatandaan ito ng karamihan dahil sa polisiya ng pagpapatupad nito ng holiday economics na
naglalayong palakasin ang domestic tourism.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng hospital arrest si Pangulong Arroyo dahil sa mga kasong isinampa sa
kanya, kabilang na ang maling paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Bagama’t ganitong uri ng sitwasyon ang kinahaharap ni Arroyo ngayon, patuloy pa rin siyang aktibo sa
larangan ng pulitika.

Nasa ikalawang termino na si Gloria Arroyo sa kanyang posisyon bilang kinatawan ng ikalawang distrito
ng Pampanga sa Kamara de Representantes.

Gloria Macapagal-Arroyo, ang ika-labing apat na Pangulo ng Pilipinas.

You might also like