You are on page 1of 3

Si Ferdinand Edralin Marcos ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 ng Disyembre 1965

hanggang ika-25 ng Pebrero 1986. Siya ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Si
Marcos ay nag-aral sa Maynila at nag-aral ng abugasya noong mga huling taon ng 1930 sa Unibersidad
ng Maynila. Nilitis siya para sa pagpatay sa kalaban sa pulitika ng kanyang ama noong 1933 at
napatunayang nagkasala noong Nobyembre 1939. Umapela siya sa Korte Suprema ng Pilipinas at
napawalang-sala pagkalipas ng isang taon.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig siya ay naging isang opisyal sa armadong pwersa ng Pilipinas.
Ang pag-angkin ni Marcos na siya ay naging lider sa kilusang gerilya ng Pilipinas ay isang mahalagang
kadahilanan sa kanyang tagumpay sa pulitika, ngunit ipinahayag ng mga tala ng gobyerno ng Estados
Unidos na siya ay may maliit papel o hindi talaga bahagi sa mga gawaing kontra Hapon noong 1942-
1945.

Mula 1946 hanggang 1947 si Marcos ay naging technical assistant ni Manuel Roxas, ang unang pangulo
ng malayang republika ng Pilipinas. Siya ay miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
(1949-59), ng Senado (1959-65) at nagsilbi bilang pangulo ng Senado (1963-65). Noong 1965, si Marcos,
na isang kilalang miyembro ng Liberal Party na itinatag ni Roxas, ay tumiwalag dito matapos mabigo na
makuha ang nominasyon ng kanyang partido para sa pagka pangulo. Pagkatapos ay tumakbo siya bilang
kandidato ng Nasyonalista para sa pangulo laban sa pangulo ng Liberal, si Diosdado Macapagal. Nanalo
si Marcos at itinalaga bilang pangulo noong Disyembre 30, 1965. Noong 1969 siya ay muling nahalal at
naging unang pangulo ng Pilipinas na naglingkod sa ikalawang termino. Sa panahon ng kanyang unang
termino ay nagawa niyang mapabuti ang estado ng agrikultura, industriya, at edukasyon. Ngunit ang
kanyang administrasyon ay magulo dahil na rin sa dumaraming demonstrasyon at marahas na mga
aktibidad ng mga gerilya.

Noong Setyembre 21, 1972, ipinataw ni Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas, dahil na rin sa pagkilos ng
mga komunista upang pabagsakin ang gobyerno. Ipinabilanggo ni Marcos ang mga oposisyong pulitiko at
ang armadong pwersa ng Pilipinas ay naging armado ng rehimen. Si Marcos ay binatikos ng mga lider ng
simbahan at sinalungat ng mga lider ng politika- lalo na ni Benigno Aquino, Jr., na ibinilanggo at ipiniit sa
loob ng halos walong taon. Sa mga lalawigan ng mga komunistang Maoist (Bagong Hukbong Bayan) at
mga separatistang Muslim (lalo na ng Moro National Liberation Front) nagsagawa ng mga girilyang
pagkilos upang pabagsakin ang sentral na pamahalaan. Sa ilalim ng batas militar ang pangulo ay
nagtatag ng mga pambihirang kapangyarihan, kabilang ang kakayahang isuspinde ang "writ of habeas
corpus". Ipinahayag ni Marcos ang katapusan ng batas militar noong Enero 1981, ngunit patuloy siyang
namamahala sa isang awtoritarian na paraan sa pamamagitan ng iba't ibang anyo ng saligang batas.
Nanalo siya sa halalan sa bagong nalikhang poste ng pangulo noong Hunyo 1981.

Ang asawa ni Marcos mula 1954 ay si Imelda Romuáldez Marcos, isang dating beauty queen. Si Imelda
ay naging isang makapangyarihang pigura pagkatapos simulan ang martial law noong 1972. Madalas
siyang mabatikos dahil sa kanyang pagtalaga sa kanyang mga kamag-anak sa mahahalagang posisyon sa
gobyerno, habang siya naman ay gobernador ng Metropolitan Manila (1975-86) at ministro ng mga
pamayanan ng tao at Ekolohiya (1979-86).

Ang mga huling taon ni Marcos sa kapangyarihan ay nasira dahil sa laganap na korapsyon sa gobyerno,
ekonomiyang hindi umuunlad, patuloy na hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap, at ang tuluyang paglago ng rebolusyonaryong gerilyang komunista na aktibo sa mga rural na
lugar sa iba't ibang sulok ng Pilipinas.

Noong 1983 ang kalusugan ni Marcos ay nagsimulang bumagsak, at ang mga sumasalungat sa kanyang
pamamahala ay dumami. Noong Agosto 21, 1983, bumalik sa Maynila si Benigno Aquino, Jr. upang
magbigay ng alternatibo laban kay Marcos at sa lalong lumalakas sa New Poeple's Army (NPA). Ngunit
siya ay binaril at napatay sa pagbaba niya sa eroplano. Ang pagpatay ay nakita bilang gawain ng
pamahalaan at naging sanhi ng malawakang protesta laban sa gobyerno. Isang independiyenteng
komisyon na hinirang ni Marcos ang nagpatibay noong 1984 na mga matataas na opisyal ng militar ang
responsable sa pagpatay kay Aquino.

Upang muling ipahayag ang kanyang mandato, nagtawag si Marcos ng bagong halalan sa pagkapangulo.
Ngunit isang matinding kalaban sa pulitika ang lumitaw, ang biyuda ni Aquino, si Corazon Aquino, na
naging kandidato ng oposisyon para pagka presidente. Pinaniniwalaan ng marami na nakuhang talunin
ni Marcos si Aquino dahil lamang sa napakalaking pandaraya sa pagboto ng kanyang mga tagasuporta sa
halalan noong Pebrero 7, 1986. Habang labis na pinawalang-saysay sa sariling bayan at sa ibang bansa
ang kanyang kahina-hinalang pagkapanalo sa eleksiyon, mahigpit na pinananatili ni Marcos ang kanyang
pagkapangulo habang nahati ang militar ng Pilipinas sa pagitan ng mga tagasuporta niya at ng lehitimong
karapatan ni Aquino sa pagkapangulo. Natapos lamang ang isang matinding sagupaan na naganap sa
pagitan ng dalawang panig noong si Marcos ay umalis sa bansa noong Pebrero 25, 1986, sa paghimok ng
Estados Unidos. Tumakas siya papuntang Hawaii, kung saan siya ay nanatili hanggang sa kanyang
kamatayan noong September 28, 1989.

You might also like