You are on page 1of 3

1.Gaano ka kadalas malungkot?

Lagi- lagi

2.Anong iniisip mo kapag nalulungkot ka?

yung pamilya ko, yun yung naiisip ko, madalas tungkol sa sarili ko

3.Diba nalaman mo yung about sa tatay mo, paano mo yun nalaman?

yung ano kase, sabi-sabi kase yun ng mga kapit-bahay naminy. Yung sabi-sabi na yon, nung una di ko sya
pinaniwalaan tapos nung mga ano na, alam mo yung may mga taong basta basta na lang pumupunta sa
amin na di naming kilala. Tapos ang weird lang kung bakit kailangan nilang mag kulong sa kwarto, tapos
lagi nila pinapapasok ang mga kapatid ko sa bahay para sila lang doon sa may likod(tambayan). Parang
nag ka idea na ako naganon. Hindi ko sya matanong hanggang ngayon kahit ngayon na bagong lipat kami
ng bahay.Sinabihan ako non ng kapit-bahay namin na bantay bantayan nga daw ang papa, sabi koy anon
a ang gagawin ko?

4. May incident ba na may nakita ka or nakita mo na gumagamit mismo sila ng ganon?

Wala akong nakita pero ang weird lang nung dati na alam mo yung mga foil? Dun kase sa kwarto ko sa
taas nung una kase, yun yung kwartong ginagamit ng papa ko, habang naglilinis ako may nakikita ako tas
napapatanong na lang ako sa sarili ko kung sino ba naming ibang gagamit pa nito.

5. Alam ng nanay mo yung about sa papa mo?

Oo. Pero hindi nya alam na alam ako. May incident nga na nung nasa dati pa naming bahay na nag
iinuman sina papa tas parang may nakita ako, tas hinahanap ko si mama dahil gusto kong sabihin yon tas
bigla nyang sinabi na “matagal ko ng gustong sabihin yon” ay yun parang naghinala na ako, na parAni
“ngayon na naman? bakit naman ganon”

6. Anong nakikita mong actions ng nanay mo about dun sa situation?

Nakakalungkot. Nakakaiyak., Naiyak na lamang sya. Kita mon a kay mama na parang pagod na pagod na
sya. Hindi ko din naman alam kung bakit ayaw pa sabihin ni papa yung about sa pera, na parang
pinaghihinalaan nya si mama. Para sa akin ang dating na non hindi nya pinagkakatiwalaaan si mama. Ano
pa kaya ang nararamdaman ni mama?

7. Satingin mo dun sa situation sumuko na ang nanay mo?

oo, sukong suko na si mama. Yung kapit na lang samin ni mama ay parang sa aming magkakapatid. Yung
parang Makita nya lang kami, okay na sya.Kaya binabawian ko na lang kung anong magagwa ko.

8.Anong nararamdaman mo sa mga nangyayari?

Mabigat.Sobrang bigat sa pakiramdam. Parang pasan mo na sila lahat, kahit sina mama,ang mga kapatid
ko, feeling ko parang sakin nakasalalay lahat. Yung sa mama ko, alam mo yung nagsasabi sya sakin nung
mga problema nya din. Parang ako sa sarili ko hindi ko na lang din sasabihin yung nararamdaman ko at
mga problema ko kase feeling ko magiging dagdag pa sa isipin nya. Tapos dag dag pa yung sa mga
kapatid ko, ako-panganay, kailangan kong makapagtapos, kailangan kong makapagtrabaho ng maganda
kase tumatanda na mga magulang ko. tapos nagkakaproblema pa nga ngayon sa sweldo si papa, paano
na? Yung kailangan kong ako talaga ang magpapatuloy sa kanila. Tapos ang tagal tagal ko pa, naiisip ko
rin na ako pa kayay makakapag tapos? Alam mo yung pangarap ko parang gumuguho na, yung dating
ang liwaliwanag pa nya na talagang klaro pa sa akin yung mga gusto kong mangyari, planong plano na
ako, may mga bagay lang talaga na di maiwasan na yung katulad sa pera. Paano nayun? Kakayanin ko
naman eh, balak ko namang mag working student pero kung iisipin ko mas magfofocus ako sa mga
kapatid ko.

8.(Issue sa mental health, yung minsan gustong masagasaan chuchu)

Dati hindi ko talaga naiisip yon. Buti na nga lang nagiging aware pa ako kase yung utak ko parang
sasabog na, ang dami ng pumapasok tungkol sa mga nangyayari sakin. Minsan nga eh naiiisip ko talaga
na parang paano na lang pag Nawala na ako?

9. Sa mga nangyayari ba sayo, naisip mo na sumuko na lang?

ilang beses na, gabi gabi nay un sa isip ko na “ayaw ko na”, at may higit pa don. Alam mo yung konting
konti na lang talaga maiisip ko na “sana hindi na lang ako magising, sana makatakas na lanh ako sa
ganito pero hind,i mahal na mahal ko ang mga kapatid ko hinding hindi ko sila iiwan. Hindi ako dati
ganito, nahahandle ko pa pero ngayon, sa pag papahinga ko parang lalong nadadagdagan yung bigat

10.Paano ka nagcocope o nag hahandle ng stress?

Sa totoo lang akoy hirap na hirap na, bigat pa lang sa bahay at bigat pa lamang sa school, bigat sa mga
kailangan kong gawin- hirap na din ako. Gumagawa na lang ako kase kailangan, gusto ko naman pero
parang nanghihina na ako para magpatuloy. Ang bigat bigat kase. President ka klase, tapos cluster head
pa, hindi lang para sa sarili ko yung intindihin ko sa school. iniisip ko din kase yung mga kaklase ko kase
pamilya na turing ko sa kanila. Hindi ko din alam kung paano ko pa nkakayanan, pero siguro nga alam
mo yung pag nasa school ka nakakalimutan mo ng konti yung iba mong problema.Hinihiling ko dati na
sana sa school na lang at kaya ko pa naman eh. may mga kaibigan naman ako, at ayun pag nasa bahay ka
na uli yun na naman ang naiisip ko, yung mga problema ganon. Pag ikaw na lang mag isa, magsasabay
sabay na yung problemang iniisip tapos di mo na alam yung gagawin mo.

11.Hindi aware ang mga nakakabata mong kapatid sa sitwasyon nyo sa bahay diga?

hindi, may time na nagsisigawan ang mama at papa tapos nandon yung mga kapatid ko nakatingin lng, di
ko alam ang gagawin ko. Ganito na nga epekto sakin paano pa sa mga kapatid ko? Yung sakit na
nararamdaman ko alam kong doble sa kanila.

12.May ginagawa ka bang actions pag nakikita mong ganon nga yung sitwasyon?

Minsan wala, minsan hindi kase hiindi ko nga din alam ang gagawin ko. Pag sobra na, mapapaiyak na
lang ako at sasabihinh “nay, paa tama naa” ginaganon ko talaga “ma, pa yung mga kapatid ko oh” .Pero
hindi sila dumadating sa point na sobrang matagal kase alam mo si papa siya lang yung sigaw ng sigaw
tapos si mama siya lang yung iiyak nang iiyak tapos di siya sasagot. Kapag punong-puno lang talaga siya
tsaka sya sasagot gaya na nga lang nung nangyari sa pera. Wala naman syang binibigsy para nga sa
mama, kase para naman sa kapatid ko yon. Minsan naiisip ko na napakawalang kwenta kong anak kase
wala akong magawa.
13. Paano ka naglalabas o nageexpress ng nararamdaman mo?Ano yung ginagawa mo? May
napagsasabihan ka ba?

Minsan gusto ko na lang umiyak ng umiyak. Pero ayaw kong ipakita sa kanila na may parte sakin na
mahina. Kase ako yung sandalan nila. Atsaka yung sa school, yung mga kaibigan ko, nakakapagkwento
ako sa kanila. Magaan ang loob. Kinakausap ko din ang sarili ko at yun nga pinaka way is yung diary ko.
fro

14.(parang perspective nya sa tatay nya) gustong itanong o linawin sa tatay nya.

Alam ko kase na naghihirap din sya para mabuhay kame, wala akong masabe sa kanya, kase ako proud
na proud ako sa kanya. Hindi sya nakapag aral, grade 3 lang . Kung dumadaan man ako sa pagsubok
ngayon mas matindi yung dinanas nya dati. Nabuhay syang walang nanay at tatay, pinagtatakwil na sya.
Hindi sya nakapag aral, hindi sya marunong magbasa at magsulat. ang alam nya lang pirma nya.Ang sabi
nga nya dati ako daw yung magtutuloy nung ano nila, dun sa nagawa nya man gusto ko lang linawin
kung bakit nya yon nagawa

15. Sa mga problema pang dumadating ano yung gusto mong mangyari? May gusto ka bang patunayan?

Gusto ko lang ngayon na maging okay na yung lhat, kung may gusto man akong patunayan mas gusto ko
lang talagang maging okay lang lahat saking sarili.Gusto kong bumalik sa dati. Alam kong may kapit lang
ako sa taas.

You might also like