You are on page 1of 2

Isang Ordinansa na magpapaalala sa mga pasahero tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan at

kaayusan sa Baguio

ang ipinanukala ng Taga-pangulo sa Committee on Health and Sanitation,

Ecology and Environmental Protection na si Elaine Sembrano.

Ito ay nag-aatas sa mga operators ng Public Utility (YU TI LI TY) Vehicles o PUV

gaya ng bus, tourist land transport unit, at UV Express Service na maglagay ng audio o visual

aids sa terminal at sa loob ng sasakyan hinggil sa mga kasalukuyang Ordinansa sa siyudad.

Ayon sa Kalihim ni Sembrano na si [ELYAZAR EM TEHADA] Eleazar M. Tejada, nagiging

karaniwan na ang paglabag sa mga Ordinansang pangkalinisan at kaayusan.

Actualities: (36.04 – 57.22) Dahil napansin ni Councilor Sembrano na marami pa rin ang hindi

sumusunod … yan po ang number one na motivation niya.

Ayon sa isang Kundoktor ng bus na si Remark Sanchez, marapat lamang na magkaron ng

ganitong kautusan (02.45- 22.61)

Ang mahuhuling operator na hindi sumusunod hindi makakapag-renew ng business permit at

magbabayad ng multang nagsisimula sa isang libo’t limang daang piso.

Ang inihaing Ordinansang ito

ay sasailalim sa ikalawang pagbasa ng City Council sa susunod pang mga araw.

Danah Sambrana, nag-uulat para sa Damdamag Kordilyera.

You might also like