You are on page 1of 7

0

Meycauayan College
Lungsod ng Meycauayan, Bulacan
Copyright 2018©

1
“Hoy!!!Aris,Gising na ,alas –siete na late ka na naman sa klase mo,hay nako!, lintik na
batang ito” sigaw ni Aling Imelda kay Aristotle o Aris na kanyang anak. Pagtingin ni Aris
sa relo , alas sa sais pa lang naman, kaya kumamot na lang ito ng ulo sa masyadong
advance mag-oras at mag-isip ng ina.” Hay naku,inay eskuwela na naman ,e,ano
mapuslan ko dira?(E,anong mapapala ko diyan?) sagot ng bata sa ina.Naghunos-dili
na lang ang ina sa maagang pagka-tantrums ng bata at naghain na lang ito ng
pagkain.

Umupo na lang sa hapag si Aris kaharap ang agahang sinangag na amoy bawang na
mula sa bahaw na kanin kagabi at tuyo na binili pa ng kanyang ina kagabi sa
tindahan ni Aling Toyang. Pagkakain ng bata ,nagsipilyo ,naligo at nagbihis ito ng
madali, sapagkat tatalakan na naman siya ng ina ‘pag nagbagal siyang muli. Nilakad
na niya ang kahabaan ng malubak na daan ng Sitio Mabigo papunta sa
pinapasukang eskwelahan sa Mabigo High School. Taliwas sa pesimistikong pangalan
ng paaralang ito ay hindi pawang mga bigo at talunan ang mga nag-aaral dito. Ang
eskwelahang ito ang palaging nangunguna sa ranking ng mga mataas na paaralan
sa Dibisyon ng Iloilo at kilala sa mga matatalinong mag-aaral dito. Pagpasok ni Aris sa
eskwelahan ay siya na naman ang kumatok sa gate ng paaralan at nagsumamo sa
Guwardiya na papasukin siya. Nagtatakbo na naman siya papunta sa ikalawang
palapag ng Senior High School Building ng Paaralan at pumasok siya sa silid-aralan
habang nagtuturo na si Mrs. Bautista.

“Ngaa subong ka lang haw?(Bakit ngayon ka lang?) “ bulyaw ng guro sa binatilyong si


Aris. “ Ahhhh....may hedyek,headik,headacke...ahhh may LBM pala ako
ma’am,nahirapan akong pumasok” tugon ni Aris. “ Hay, naku mango ka na,ga-palate
ka pa sakong klasi(Tanga ka na nagpapalate ka pa sa klase ko!) sambit ni Mrs.
Bautista. Pagtapos nito ay naupo na sa likurang upuan sa tabi ng bintana si Aris at
tumitig na lang sa natatanaw na bundok sa malayo na tila ba ay wala sa kawalan
,habang nagtuturo ng General Chemistry si Mrs. Bautista sa kanilang klase na Gr. 12-
STEM o Science,Technology,Engineering and Mathematics at lumipas ang klaseng iyon
na wala ring pumasok sa utak niya sa tinuro ni Mrs. Bautista.

Naging ganoon ang routine ni Aris sa araw-araw at nabuhay na lang siya sa pagiging
easy-go-lucky na estudyante o sa bansag ng iba’y Estupidyante na umaasa sa papel

2
ng katabi at sagot ng katabi. Palagi nilang siyang napupulaan ng iba ,dahil sa sinasabi
ng ibang tao na siya’y tanga,inutil at walang utak, dahil sa palagi nilang siyang bagsak
sa mga pagususulit at bumabagyo ang mga ‘line of seven’ na grade sa kanyang card,
dahil na rin sa nakgawian nitong pagka-cutting sa oras ng klase at
paglalakwatsa,pamimiyesta sa ibang mga barangay at palaging pagbabarkda nito
na kung saan-saang lupalop sa ibang mga barrio. Kaibang-kaiba si Aris sa pag-uugali
ng kaklseng si Confucius na siyang Rank 1 ng kanilang section at palaging kinatawan
ng school sa mga timpalak sa Agham , ngunit isa naman siyang Dakilang
Kabisote,Grade Concious,Mayabang at ‘Di padadaig sa iba kaya kahit pandaraya ay
pinapatos nito , para lang di mawala sa kanya ang karangalan.

Umuwi na si Aris ng kinahapunang iyon at tinawid ang Ilog papunta sa kanilang


tahanan. Pagpasok niya sa kanilang tahanan sa tabi ng poso nadatnan niya ang ina
na nakatulog na sa siping ng sandamakmak na labadang tinanggap niya sa
kapitbahay ,nang siya’y pagal at tila’y naupos nang lakas sa paggawa sa maghapon.
Kinurot ang puso ni Aris ng gayong pangyayari at dali-daling lumabas ng kanilang
kawayang pintuan at nagtungo sa Tindahan ni Aling Toyang at umutang ng isang
latang sardinas para sa kanilang mag-ina. Kinalabit niya ang ina pagdating sa bahay
at inaya ito sa isang payak na hapunan sa kanilang isang sardinas at bahaw na kanin,
na malapit nang mapanis. Nagsalo ang mag-ina sa payak na biyaya sa gabing iyon at
pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalaba si Aling Imelda, na hindi alintana ang pagod
ay tuloy pa rin ang pagbabata sa buhay. Nang gabing iyon, habang nakahiga na sa
kaniyang papag na kawayan si Aris ay napagtanto niya ang bigat ng dalahin ng
kanyang ina. Buhat kasi ng nagtungo ng Maynila ang kaniyang upang magtrabaho
roon , ay di na ito nakabalik sa Iloilo at nadiskubre na lang nila sa Facebook na may
ibang kinakasama na ito sa Maynila . Iyon ang dahilan kaya nawalan siya ng gana lalo
sa pag-aaral, ngunit napagtanto niya na kung nahihirapan siya, ay mas nahihirapan
ang kanyang ina sa pagtataguyod sa kaniya. Noong gabing iyon , habang tumutulo
ang kanyang luha nangako siya sa sarili na balang araw hindi na makukuba ang ina sa
mala-bundok na labada at ginawa niyang mantra ang mga salitang”magiging
Engineer ako,Magiging Engineer ako !”.

Kinabukasan 5:00 pa lang ng madaling-araw ay nagbangon na agad ito sa


papag,kumain ng tatlong pandesal lamang at nagpaalam na sa kanyang ina na
kagigising lang, na nagtataka sa kinikilos ni Aris. Maaga niyang tinahak ang malubak
3
na daang maputik at tumawid ng mababaw na ilog papunta ng paaralan.Pagdating
niya sa paaralan ay wala pang alas-siete kaya’t maaga pa siya sa tinakdang oras ng
klase. Pagsapit ng oras ng klase nagulat si Mrs. Bautista sa pagiging maaga niya at
nasambit nito na “To,may hilanat ka bala? Ngaa,timprano ka haw?(To. May lagnat ka
ba? Bakit ang aga mo?)” sabi ni Mrs. Bautista. Wala man ma’am ahh, mabag-o na ko
halin subong ma’am (Wala naman ma’am,magbabago na po ako mula nagyon
ma’am) tugon ni Aris at napangiti na lang ang guro sa parang kakaiba rito. Habang
nagkaklase sila ay dumating naman ang mga taga- University of the Philippines –Iloilo
upang ipakilala at ialok sa kanila na mga Graduating na estudyante ang UP at
ipaliwanag ang Admisyon dito. Marami sa mga sa seksyon nilang STEM ang interesado
dito kasama na siya .Nang umalis na ang mga taga-UP , nagsalita si Confucius ng
malakas na “ Hindi papasa si Aris sa exam, sa-SABLAY ka lang huwag mo nang
subukan” ,mayabang na sabi ni Confucius kay Aris. Sinaway ni Mrs. Buatista noon si
Confucius sa asal nito, nang magsalita si Aris ng “ Makapasar gid ko! pamatud-an ko
ina sa inyo( Makakapasa ako! Patutunayan ko iyan sa inyo)” tugon ni Aris at tinawanan
lang siya ni Confucius. Dumaan ang mga araw at nag-aral nang mabuti si Aris at di na
siya nale-late,nagkakacutting at lagi nang mataas ang mga quiz niya. Ilang linggo na
lang bago ang UPCAT exam noon at marami nang estudyante ang kabado, kasama
na si Aris ,ngunit si Confucius ay chill at relax lang dahil diumano papasa raw siya ng
100 % garantisado at walang preparasyong ginagawa.

Gabi bago ang UPCAT ay nag-aral si Aris ng kanyang notes lalo na sa Math at bago
ihiga ang katawan sa papag ay umusal siya ng maikling panalangin sa Panginoon na
“Ama, ikaw na ang bahala, kung loloobin mo’y papasa ako sa UP at kung hindi ay
tatanggapin ko po. Kagustuhan mo po ang masunod ,Amen.”.Pagtapos ng
panalangin ay natulog na si Aris. Maagang nagbangon si Aris sa higaan at
pinaghanda siya ng ina ng agahang bahaw na kanin at dilis, at nasabi ng ina na
“ Pasensya ka na anak sa ganito nating ulam,nawa’y galingan mo sa UPCAT.” Sabi ng
ina

“Hayaan mo inay ,balang araw di lang bahaw at dilis ang kakainin natin,’pag ako
naging Engineer ay gaganda rin ang buhay natin at kakain tayo ng Masarap’ tugon
ng bata sa Ina habang maluha-luha ito. Pagkatapos ng agahan ay bumiyahe na siya
papunta sa UP Iloilo upang kumuha ng UPCAT. Pagdating niya roon ay nanalangin
muna siya bago kumuha ng eksamin. Sinagutan niya sa abot ng makakakaya niya ang
4
UPCAT at umaasang papasa siya. Paglabas ng Test Center ay nakasalubong niya si
Confucius at sinabihan siya ng “ Asa ka pa ba Aris na papasa ka?, Hindi ka bagay sa
UP kasi Bobo ka at sasablay ka lang.” mayabang na sabi ni Confucius.

“ Confucius walang taong bobo, tamad marami,Huwag kang manangan sa sarili mong
kaalaman.Ako, kasama ko ang Diyos at sa kanya ang kapurihan kung papasa ako”
sagot ni Aris.

“Tingnan, lang natin” tugon ni Confucius. Ilang panahon ang lumipas at lumabas na
ang resulta ng UPCAT at di makapaniwala si Aris at iba pa nilang kamag-aral na
papasa sila sa UPCAT , habang si Confucius ay puno ng kapaitan at kahihiyan dahil sa
kanyang kayabangan ,dahil hindi siya nakpasa sa UPCAT.

Pagka-garduate niya ng High School ay nagbukas ang pang-akademikong taon sa UP


Iloilo at kumuha si Aris ng kursong “Bachelor of Science in Chemical Engineering” at
binuno niya ang limang mapanghamon at nakaka-pressure na mga taon sa UP, dahil
na rin sa kanyang pagpupursige at tiwala sa Diyos ay makaka-graduate na siya. Sa
Araw ng Pagtatapos pinihit niya mula sa kanang balikat papunta sa kaliwang balikat
ang SABLAY na tanda ng kanyang pagtatapos at nasabi sa sariling “ Hindi ako SABLAY
,Salamat sa Panginoon”. Tinanggap niya rin ang karangalang “ Magna Cum Laude”
kasama ang kanyang ina sa entablado at sinabit ang medalya sa lumuluhang ina.
Nagpasalamat siya sa lahat ng paghihirap ng ina , para sa kanyang kinabukasan.

Pagkatapos ng buhay niya sa kolehiyo ay kumuha siya ng Board Exam at naging


Topnotcher. Naging isa siyang ganap na Chemical Engineer at matagumpay sa
buhay. Ngayong nakaahon na siya sa buhay at nagkaroon rin ng sariling pamilya , ay
ito ang palagi niyang ibinabahagi sa kanyang mga anak at sa ibang nangangarap
din na “Hindi tayo magtatagumpay kung hindi natin imo-motivate ang ating sarili at
kung hindi tayo maniniwala sa ating kakayahan. Hindi mo kailangang maging henyo
para magtagumpay sa buhay, ang kailangan mo ay diskarte sa buhay,tiyaga,tamang
pag-uugali at pagtitiwala sa Panginoon,Dahil wala naming taong bobo, tamad
marami, ang kailangan lang natin labanan ang ating kahinaan at magtiwala sa
magagawa ng Diyos.”

WAKAS

5
6

You might also like