You are on page 1of 25

6

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Araling Panlipunan – Ika- Anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pag - Usbong ng Liberal na Ideya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Rolita Evardone Basada
Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna D. Soriano, PSDS
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: _____________________________________________
6
Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pag –Usbong ng Liberal na Ideya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan VI ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Pag –Usbong ng Liberal na Ideya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang

iv
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Binubuo ang modyul na ito ng mga aralin tungkol sa Pag-usbong ng Liberal na


Ideya. Basahin at unawain mabuti ang modyul. Ang modyul na ito ay ginawa
upang gabayan ka at maunawaan mo nang husto ang mga paksa at matuto ng
mga bagong kasanayan.

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:

Nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin:

Aralin : Pag-usbong ng Liberal na Ideya


1. Mga Salik o Pangyayari Tungo sa Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalismo
- Pag-usbong ng Liberal na Kaisipan
- Pagbukas ng Suez Canal
- Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang kalakalan
- Pagbabago ng Antas sa Lipunan
- Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863
- Liberal na Pamamahala ni Go. Hen. Carlos Maria dela Torre
- Isyu ng Sekularisasyon
- Paggarote sa 3 Pari GomBurZa

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Nasusuri ang konteksto ng pag –usbong ng liberal na ideya tungo sa pagbuo
ng kamalayang nasyonalismo.
2. Natatalakay ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan.
3. Natutukoy ang mga dahilan ng pag – usbong ng mga uring mestizo sa
Pilipinas
4. Natatalakay ang mga layunin ng pagpapatibay ng Dekretong edukasyon ng
1863 sa bansa
5. Naipaliliwanag ang mga isyu ukol sa Sekularisasyon
6. Naisasalaysay ang pangyayaring naging ugat sa paghatol ng kamatayan sa
tatlong paring martir.

1
Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_______1. Ito ay damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal


at pagpapahalaga sa Inang bayan
A. Nasyonalismo C. Imperyalismo
B. Ekspedisyon D. Kolonyalismo
_______2. Isang artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean
Sea at Red Sea.
A. Suez Canal C. Arabian Sea
B. Pacific Ocean D. Indian Sea
_______3. Tawag sa mga Espanyol na nakatira sa Pilipinas ngunit ipinanganak sa
Espanya.
A. Indio C. Insulares
B. Kastila D. Peninsulares
_______4. Tawag sa mga Espanyol na ipinanganak at nakatira sa Pilipinas.
A. Insulares C. Indio
B. Peninsulares D. Teritoryo
_______5. Tawag sa mga katutubong Pilipino.
A. Indio C. Ilustrado
B. Insulares D. Mamamayan
_______6. Tawag sa mga anak ng mga Pilipino na may halong dugong Kastila o
Tsino.
A. Insulares C. Mestizo
B. Peninsulares D. Katutubo
_______7. Sila ay pinatay sa pamamagitan ng garote dahil sa napagbintangan na
nanghihikayat na pabagsakin ang pamahalaang Espanyol.
A. Diego at Gabriela Silang C. Mga Repormista
B. Gomburza D. Mga Paring Sekular
______8. Ang daungan sa Pilipinas na binuksan sa noong 1834 para sa
pakikipagkalakalan.
A. Cebu B. Maynila C. Tacloban D. Pangasinan
______9. Tanging kalakalang panlabas na kinikila ng mga Kastila bago buksan ang
iba pang daungan ng bansa.
A. Galyon C. Barter
B. Monopolyo ng Tabako D. Merkantilismo
_____10. Ang Kastilang gobernador -heneral na minahal ng mga Pilipino dahil sa
maayos at makataong pamamahala.
A. Rafael de Izquierdo C. Sebastian Cruz
B. Primo de Rivera D. Carlos Maria dela Torre
2
Aralin Pag–usbong ng Liberal na
1 Ideya Tungo sa Pagbuo ng
Kamalayang Nasyonalismo
Sa mahigit tatlong daang taon na pananakop at pagpapahirap ng mga
Espanyol sa mga Pilipino, marami ang nag- aklas laban sa kanilang
pagsasamantala. Sa pamamagitan ng aralin na ito matatalakay kung paano
namulat ang mga Pilipino sa mga pangyayaring gumising sa kanilang
damdaming makabayan, magkaroon ng pagkakaisa at maipamalas ang
pagmamahal sa bayan.

Balikan

Sa nakaraang baitang nabatid mo na sa simula pa lamang ng pananakop ng


mga Espanyol ay maraming mga Pilipino na ang tumutol sa kanila. Marami ang
nag buwis buhay dahil sa pagmamahal sa bayan.

Bilang isang munting mamamayan ano ang kaya mong gawin para sa bayan.
Isulat ang iyong sagot sa “With My Own Two Hands” Graphic Organizer

Sa aking mga kamay………

3
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga mag
aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Makikita rin ang aralin na ito
online. Bilang tagapagdaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag
aaral sa bawat Gawain.
2. Magbigay ng bawat feedback sa bawat lingo sa gawa ng mag aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag ugnayan sa magulang upangmatiyak na
nagagawa ng mga mag aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nangmaayos ang mga Gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay nang malinaw na instruksyon sa pagkatuto.

Gawain 1: “History Detective Graphic


Tuklasin Organizer”
Panuto: Suriin ang larawan at gawin ang
“History Detective Graphic Organizer”

history detective
Bumuo ng 3 tanong ukol sa larawan
1.
2.
3.

Magtala ng mahahalagang impormasyon ukol


sa larawan.
Petsa/Lugar Tao Impormasyon

Isulat ang iyong sagot sa mga tanong na


nabuo.
1.
2.
3.
Bakit mahalaga ang mga pangyayaring ito sa
kasaysayan ng Pilipinas
https://www.google.com/search?q=nasyonalismo&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=GbliwjudeeY4AM%253A%252CA_BCB
PqgwdN7hM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kR--JvVGZ64JhXd

4
Suriin

Ang Nasyonalismo o makabayang pananaw ay tumutugon hindi lamang sa


pagiging makabayan kundi sa pagkakaroon ng paninindigan, karapatan, diwa, at
pakikisangkot para sa lipunan. Layunin nito na maiangat at mapaunlad ang
pamumuhay ng isang tao. Kung ang lahat ng mamamayan ay maunlad, kasabay
nito ang pag-unlad na rin ng kanyang lipunan. Dahil sa matinding hirap na
dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol, marami na ang unti unting
nagigising para ipagtanggol ang bayan at kapwa mamamayan. Ano nga ba ang
nagtulak sa kanila para lumaban?
May ibat- ibang pangyayari sa labas at loob ng bansa na nakatulong para
mapukaw ang diwang makabansa ng mga Pilipino.

Mga Pandaigdigang Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan

1.Pag –usbong ng Liberal na Kaisipan

Noong Ika-18 siglo umunlad sa Europa ang Liberal na ideya,ang kaisipan na


binuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang Europa mula sa panahon ng
kawalan ng katwiran at patuloy na
paniniwala sa mga pamahiin at
kamangmangan.Tinawag nila ito na
Panahon ng Kaliwanagan o Age of
Enlightenment, na kung saan ito ay
mahalagang panahon ng paghahanap
ng katotohanan, pag- angat ng antas
ng pag –iisip at pamumuhay sa
pamamagitan ng pagpapaunlad ng
pamahalaan, imprastraktura at
institusyon ng lipunan. Nakarating
sa Pilipinas ang kaisipan na ito kaya
mula sa matagal na pang-aabuso ng
mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang
https://www.google.com/search?q=mind 1
tradisyonal na saloobin at
pagpapahalaga, ang takot na
nararamdaman ay napalitan ng isang
bukas na kaisipan na handang
tanggapin ang mga pagbabago.
Maraming mga Pilipino ang nakapag
–aral sa Europa at nanguna sa
paghikayat na makiisa at lumaban sa
mga pang-aapi at walang katarungang pananakop ng mga Espanyol.

5
2. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan

Daungan sa Maynila
1834
Daungan sa Sual sa
Pangasianan,
Pagbukas ng mga 1855
daungan sa Pilipinas
Daungan sa Cebu
1860

1873 Daungan sa Tacloban at


Legazpi

Ang Kalakalang Galyon lamang ang tanging kinikilala bilang pangkalakalang


Panlabas ng bansa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ngunit sa
kalaunan binuksan ang ibang daungan sa Pilipinas para sa pakikipagpalitan ng
mga produkto sa ibat ibang bansa.
Dahil dito maraming mga banyaga ang nagtayo ng mga negosyo sa Pilipinas tulad
ng German, French at English. Sa pagbukas ng mga daungan sa bansa para sa
pandaigdigang kalakalan, umunlad ang ekonomiya ng bansa,maraming yumaman
kaya ang mga anak nila ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag aral sa
Maynila at Europa. Nakatulong ito para magkaroon ng mga makabagong kaalaman
at nagising sila sa tunay na kalagayan ng bansa.

3.Pagbubukas ng Suez Canal


Ang Suez Canal sa Egypt ay
isang artipisyal na daluyan ng tubig
na nagdurugtong sa Mediterranean
Sea at Red Sea. Taong 1869 nang
buksan ito para sa mga sasakyan
pandagat. Naging mabilis at umikli
ang naging ruta ng mga negosyante
at manlalakbay. Ang tatlong buwang
paglakbay ay aabot na lamang sa 32
araw. Napadali ang komunikasyon
mula Maynila patungong Espanya,
kung kayat naging madali ang pakikipag ugnayan ng mga Pilipino sa ibang panig
ng daigdig. Mabilis din nakapasok ang mga dayuhan na bitbit ang mga liberal na
kaisipan na naging dahilan para mamulat ang mga Pilipino sa mga maling gawain
ng mga Espanyol.

4. Pagbabago ng Antas sa Lipunan


Sa sinaunang lipunan ay may 3 uri ng tao ayon
sa katayuan nito. Ang mga Datu o Maginoo, ang
Maharlika, Timawa at Alipin. Nagbago ito sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas dahil naglagay sila ng isang bagong
kaayusang panlipunan. Inilagay nila sa
6
pinakamataas na antas ang Peninsulares, ang mga Espanyol na ipinanganak sa
Espanya. Sinundan ito ng mga Insulares, mga Espanyol na ipinanganak sa
Pilipinas. Ang ikatlong uri ay ang mga Mestizo, mga Pilipinong nalahian ng
dugong Espanyol o Tsino. Sila ay mga negosyante at yumaman. Ang mga
mayayamang Pilipino ay tinawag na Principalia o Ilustrado. Nakapag- aral sila.
Ang itinuturing na pinakamababang antas o uri ng katayuan sa lipunan ay ang
mga Indio. Sila ang mga katutubong Pilipino na nagtatrabaho, nagpapawis
habang ang iba ay nagpapakasasa sa yaman.

5. Pag-usbong ng Panggitnang Uri

Bunga ng pagbukas ng Pilipinas sa


kalakalang pandaigdig, umunlad ang
agrikultura. Maraming mga negosyante,
magsasaka at propesyonal na naging mabuti ang
pamumuhay at sila ang bumuo sa Panggitnang
Uri ng lipunan na karaniwan kinabibilangan ng
Chinese at Spanish Mestizo.Sila ang may
kakayahang magpadala ng mga anak para
makapag-aral sa Maynila o Europa partikular na sa Espanya. Lumawak ang
kaalaman ng mga nakapag-aral marahil sa pakikipaghalubilo sa iba kung kaya
nag- iba ang kanilang pananaw. Dito nila natukoy ang mga maling gawain ng mga
Espanyol at sila ay naghangad ng pagbabago. Nagnais sila na makawala sa
pagkaalipin. Ilan sa mga ito ay sina Jose Rizal, Padre Pedro Pelaez, Padre Jose
Burgos,Marcelo H del Pilar, Juan at Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, Mariano
Ponce, Graciano Lopez Jaena at Pedro Paterno

6.Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863

Sa pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon


ng 1863, ang mga Pilipino ay nagsimulang
magkaroon ng karapatan na makapag- aral sa
mga paaralang Espanyol.
Ang kautusan na ito ay tungkol sa
pagbubukas ng mga paaralang pampubliko
para sa mga kalalakihan at pampublikong
paaralan para sa kababaihan. Sapilitan ang
pag-aaral at walang bayad, wikang Espanyol
ang ginagamit sa pagtuturo sa primary.
Nagkaroon din ng paaralang normal na kung
saan hinuhubog ang mga nagnanais maging guro na lalaki at sa kalaunan mga
babae na rin. Maraming kaalaman ang itinuro sa mga kalalakihan tulad ng
heograpiya, pagsasaka, aritmetika, pagsulat, Doctrina Christiana,
kagandahang asal at pag awit. Sa mga babae naituro din ito maliban sa
pagsasaka , heograpiya at kasaysayan ng Espanya. Bagamat ipinag- utos ng
hari na ituro ang wikang Espanyol, hindi ito sinunod dahil sa pangamba na
maaaring magamit ito ng mga Pilipino na mamulat at magka-isa na humingi ng
pagbabago.
Nagkaroon ng magandang bunga ang edukasyon para sa mga Pilipino,
nabatid nila na ito ay susi sa kaunlaran at tagumpay sa buhay ng tao. Naging
7
masigasig sila na tumuklas ng bagong karunungan at magpakadalubhasa sa
iba pang larangan. Maraming mga Pilipino ang naging tanyag dahil sa
kahusayan sa pag- aaral, hadlangan man patuloy pa rin sa paglinang ng
kanilang mga kakayahan. Natanggap ng mga Pilipino ang mga katuruan sa
simbahang katoliko gaya ng kagandahang asal, pagsisimba at pananalig sa
Diyos. Ngunit sa kabilang banda nabuksan ang mga mata ng mga Pilipino
upang magising sa diwang nasyonalismo.

7. Pamumuno ni Gob. Hen. Carlos Maria Dela Torre (1869-1871)

Sa pananakop ng Espanya sa
Pilipinas,hindi naging pantay ang pagtrato sa
pagitan ng mga Espanyol at Pilipino. Higit na
pinahahalagahan ang mga Espanyol kaysa
Pilipino .Naghangad ng kalayaan at pantay na
karapatan ang mga Pilipino.

ages.search.yahoo.com/sh/image

Taong 1869 ipinadala si Carlos Maria Dela Torre sa Pilipinas bilang


gobernador-heneral. Naging madali kay Dela Torre na makuha ang loob at
pagtitiwala ng mga Pilipino dahil sa makataong pamamalakad sa bansa.
Nagkaroon ng maraming pagbabago sa bansa. Nakinig siya sa mga hinaing ng
mga Pilipino at nakisalamuha sa lahat. Inalis niya ang paghagupit bilang
parusa at pinahintulutan ang malayang pamamahayag. Naramdaman ng mga
Pilipino ang pantay na pagtingin at kalayaan sa panahoon ng pamumuno ni
Gob. Hen. Carlos Maria de la Torre. Minahal siya ng mga Pilipino at kinilala
bilang liberal na gobernador-heneral.
Taong 1871 pinalitan siya ni Gob.Hen. Rafael de Izquierdo na kinilala
bilang pinakamalupit na gobernador-heneral sa bansa. Lalong sumidhi ang
pagnanasa ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan mula sa kamay ng mga
mananakop

8.Isyu ng Sekularisasyon at Pagbitay sa GOMBURZA

Isang madilim na pangyayari na lubusang pumukaw sa


damdaming makabansa ng mga Pilipino ang isyu ng
sekularisasyon o ang pagbibigay sa mga paring sekular o
Paring Pilipino ng kapangyarihan na mamuno sa mga
parokya.Mahigpit itong tinutulan ng mga paring regular o
Paring Espanyol na kinabibilangan ng mga relihiyoso tulad
ng Agustinian, Dominican, Jesuit at iba pa. Ito ay dahil sa
lawak ng kanilang kapangyarihan, impluwensya at yaman
mula sa simbahan. Ibinalik ang pamumuno sa parokya sa
mga Paring Regular. Pang- aapi o diskriminasyon ang
naramdaman ng mga paring sekular sa pagkakaalis sa
https://www.google.com/search?q
=gomburza&source=lnms&tbm=isch&s

kanila ng kapangyarihan na pamunuan ang parokya, kung kaya nagtatag sila ng


isang kilusan na pinamunuan
ni Padre Pedro Pelaez.

8
Sa bayan ng Cavite, taong 1872 nagkaroon ng isang pag- aaklas ng mga sundalo
na naglilingkod sa isang arsenal dahil sa pagkakatanggal ng kanilang mga
benepisyo. Naging madali para sa mga Espanyol na masugpo ang pag -aaklas na
ito kung kaya’t nahuli ang mga nakiisa dito. Dinakip ang mga pinaghihinalaang
pinuno sa pag- aaklas kasama ang mga paring napagbintangan namuno dito na
sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora. Nilitis,
isinakdal at hinatulan ng kamatayan ang tatlong pari sa pamamagitan ng garote
noong Pebrero 17,1872. Sa pangyayaring ito tuluyan nang nagising at napukaw
ang damdaming makabansa ng mga Pilipino.

Mga Iba pang Ginawa ng mga Espanyol na Gumising sa Diwang Makabayan


ng mga Pilipino
Marami pang mga ginawa ang mga Espanyol na hindi katanggap tanggap
para sa mga Pilipino kaya lalong sumidhi ang pagnanasa nila na makalaya
sa panakop ng mga Espanyol.
• Pagpalaganap ng isang relihiyon sa bansa
• Pang- aabuso o labis na pagmamalupit sa mga Pilipino
• Pagbibigay ng isang pangalan sa mga lupain na dati ay nahahati sa mga
barangay at sultanato.

Pagyamanin

Gawain 2: “ Timbangin Natin” (Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Isulat ang A sa patlang kung ang mga pangyayari ay nakatulong upang
magising ang diwang makabayan o nasyonalismo ng mga Pilipino. Isulat ang B
kung hindi.
______ 1. Pagsilang ng mga gitnang-uri sa lipunan
______2. Pagbubukas ng daungang Suez Canal
______3. Paggawa ng mga daan
______4. Kalakalang Galyon
______5.Pagpasok ng mga ideyang liberal mula sa ibang bansa
______6. Pagmalupit sa mga katutubo
______7. Liberal na pamamahala ni Gob. Hen. Carlos Ma. Dela Torre
______8.Pagpalaganap ng relihiyong Kristiyanismo
______9. Paggamit ng wikang Kastila
______1o. Pagbitay sa GOMBURZA

9
Gawain 3: Word Hunt (Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Hanapin at isulat ang mga salita na may kaugnayan sa mga


pangyayaring pumukaw sa damdamin makabayan ng mga Pilipino.

S U E Z C A N A L X Y R I B P
P M K A L I W A N A G A N A E
A R A L I N G P A N L I S S N
N A S Y O N A L I S M O U A I
P U N A P R I N C I P A L I A
N G R D A U N G A N A D A D S
E G Y P T S D I X P Y R R A L
I D E Y A L I B E R A L E M P
M E S T I Z O T W G O S S U L
P E N I N S U L A R E S T Y X

1._____________________________ 6.________________________________
2._____________________________ 7.________________________________
3._____________________________ 8.________________________________
4._____________________________ 9.________________________________
5._____________________________ 10._______________________________

Isaisip
Sa iyong palagay ano ang pinakamahalagang pangyayari na
pumukaw sa diwang makabansa ng mga Pilipino?

o Ang Nasyonalismo o makabayang pananaw ay tumutugon hindi


lamang sa pagiging makabayan kundi sa pagkakaroon ng
paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot para sa lipunan
o Sa pagbubukas ng mga daungan sa Pilipinas, nabuksan din ang mga
kaisipan ng mga Pilipino tungo sa mga makabagong kaalaman.
o Ang pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa ibang bansa ay nagdulot
ng kaayusan para sa kabuhayan.
o Ang mga walang katwiran na patakarang ipinatupad ng mga Kastila
sa Pilipinas ay nagdulot ng pag-usbong ng diwang makabansa ng mga
Pilipino.
o Mahalaga ang naging ambag ng edukasyon sa pagkamulat ng mga
Pilipino sa mga maling gawain ng mga Kastila.
o Ang liberal na pamumuno ni Gobernador-Heneral Carlos Maria Dela
Torre ay nakatulong na mamulat ang mga Pilipino at magising ang
diwang makabansa
o Sumidhi ang damdaming makabansa ng mga Pilipino dahil sa walang
katarungan at matibay na basehan na paghatol ng kamatayan sa
tatlong paring martir sa pamamagitan ng garote.
10
Isagawa

Gawain 4: “Now Showing” (Mapanuring Pag-iisip)


Panuto: Gamit ang Film Strip Graphic Organizer, itala ang naging epekto sa buhay
ng mga Pilipino ng pagbubukas ng mga daungan sa bansa para sa pandaigdigang
kalakalan.

11
Gawain 5: “Aalamin Ko” (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Isulat ang mga Mabuti at di Mabuting dulot sa mga Pilipino ng mga
patakaran sa edukasyon na ipinatupad ng mga Kastila.
Mabuti Di Mabuti

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_______ 1. Pangkat ng mga Pilipino na mayayaman at nakapag – aral na humingi


ng pagbabago mula sa mga Espanyol
A. Principalia C. Indio
B. Insulares D. Mestizo
_______ 2. Ano ang naging epekto ng mga kaisipang liberal sa mga Pilipino
A. Yumaman ang mga Pilipino.
B. Nakapaglakbay sa ibang bansa ang mga Pilipino.
C. Maraming mga dayuhan na naging kaibigan ng mga Pilipino..
D. Natuto at nagising ang damdaming makabansa ng mga Pilipino.
_______ 3. Bakit nakabuti ang pagbubukas ng Suez Canal para sa mga Pilipino?
A. Marami ang nakapaglakbay.
B. Marami ang nakapag aral.
C. Maraming paring sekular ang nasa Pilipinas.
D. Naging mabilis ang kalakalan at komunikasyon.

12
______ 4. Anong pangyayari ang lalong nagpasidhi ng damdaming makabansa sa
mga Pilipino?
A. Pagbitay sa tatlong paring martir C. Paglakbay sa ibang bansa
B. Pagbukas sa daungan D. Pag – aral sa ibang bansa
______ 5. Bakit binitay sa pamamagitan ng garote ang GOMBURZA?
A. Pinagbintangan sila na naghihikayat na mag alsa laban sa kastila.
B. Hindi nila ginagampanan ang kanilang tungkulin.
C. Sinisiraan nila ang kapwa Pilipino
D. Lagi silang nagrereklamo
______ 6. Bakit itinuring na paring martir sina GOMBURZA?
A. Dahil namatay silang ginagampanan ang tungkulin.
B. Dahil namatay silang may takot at pananamaplataya sa Diyos.
C. Dahil namatay sila na ipinagtatanggol ang mga karapatan ng mga
Kastila.
D. Dahil namatay sila na ipinagtatanggol ang mga karapatan ng mga
Pilipino.
______ 7. Ang pagkakaroon ng diwang makabansa ay katumbas ng tunay na
pagmamahal sa ________.
A. kapwa C. bansa
B. dayuhan D. kapwa at bansa
______ 8. Paaralang itinayo ng mga Kastila sa Pilipinas upang hubugin ang mga
nagnanais maging guro
A. Paaralang Normal C. Paaralang Pampubliko
B. Paaralang Primarya D. Paaralang Pampribado
______ 9. Aling kaalaman ang hindi itinuro ng mga Espanyol sa mga lalaki?
A. Pagsasaka C. Pagbuburda
B. Kagandahang Asal D. Pagsulat
_____10. Bakit hindi nasunod ang utos ng hari na ituro ang wikang Espanyol sa
mga Pilipino?
A. Mahirap pag-aralan ang wikang Kastila
B. Walang Pilipinong may kakayahang magturo
C. Hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang mga aralin
D. Nangamba sila na maaaring magamit ito para labanan sila

13
Karagdagang Gawain

Gawain 6: “Araling Panlipunan Menu Graphic Organizer”


(Mapanuring Pag-iisip, Pagkamalikhain, Pakikipagtalastasan, Pagbuo ng
Pagkatao)
Panuto: Batay sa napag aralang aralin,pumili ng mga gawain sa loob ng kahon.
May karampatang puntos para sa mapipiling gawain.

Araling Panlipunan Menu Organizer


Brochure Timeline Song/Poem/Essay
Gumawa ng isang Bumuo ng isang timeline Sumulat ng isang awit/
brochure nagpapakita ng na nagsasaad ng mga tula/sanaysay ukol sa
paglalakbay sa Kanal pangyayaring nakatulong mga kaisipang liberal na
Suez sa pagkagising ng diwang nagmulat sa mga Pilipino
makabansa ng mga
Pilipino (10 pts)
( 10 pts) (10 pts)
Postcard/Letter Judge Teach
Ikuwento sa kaibigan mo Gamit ang T-Chart Ilahad Ikwento sa mga kamag
na nasa ibang bansa ang ang kabutihan at di aral ang paksa sa
mga pangyayaring kabutihan naidulot ng pamamagitan ng isang
gumising sa damdaming sistema ng edukasyon ng malikhaing video.
makabansa ng mga mga Espanyol sa mga
Pilipino sa pamamagitan Pilipino
ng sulat o postcard
(20 pts)
(20pts) (5 points)
Compare & Contrast Interview Poster
Alin ang mas maayos na Gumawa ng 10 tanong Gumuhit ng isang poster
sistema ng edukasyon: ukol sa aralin. Itanong ito sa cartolina na
Panahon ng Espanyol o sa guro mo sa Araling nagpapakita ng kabuuan
sa kasalukuyan Panlipunan noong ng aralin
nakaraang taon. Itala ang
kanyang sagot. (20 pts)
(10 pts)
(5 pts)

14
Gawain 7: “ Damdamin Mo, Uunawain Ko”
(Mapanuring Pag-iisip, Pagbuo ng Pagkatao)
Panuto: Ipahayag ang iyong damdamin at opinyon sa naging epekto ng bawat
pangyayari.

1. Pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang


kalakalan___________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Pag –usbong ng uring mestizo
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Liberal na Patakaran sa pamamahala ni Gob.Hen. Carlos Maria dela
Torre________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Pagpatupad ng Dekretong Pang edukasyong ng 1863
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5.Pagpasok ng mga liberal na kaisipan
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 8 Breaking News (Pagkamalikhain, Mapanuring Pag-iisip,


Pagtutulungan, Pakikipagtalastasan)
Panuto: Sumulat ng isang maikling balita tungkol sa pagbitay sa tatlong
paring martir na sina GomBurZa. Maaring hingin ang tulong ng magulang o
nakatatanda sa iyo.

15
Sanggunian
Antonio, Eleonor D., et al. Araling Panlipunan: Kayamanan VI. Quezon City: R.P.
Rex , Inc., 2017

Julian,Arlene D, et al .Araling Panlipunan : Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino VI


Quezon City Phoenix Publishing House 2018.

Online
https://www.youtube.com/results?search_query=pag+usbong+ng+nasyonalismo

yahoo.com/search?fr=mcafee&type=E210US91215G0&p=antas+ng+pamumuhay+s
a+espanyol

https://tl.wikipedia.org/wiki/Edukasyon_sa_Pilipinas_noong_panahon_ng_mga_Ka
stila
https://en.wikipedia.org/wiki/Gomburza

https://www.google.com/search?q=suez+canal+tagalog&hl=en&tbm=isch&s
ource=iu&ictx=1&fir=6EXDWGNXNqt_4M%253A%252CRfDhWEo8tPVbYM%
252C_

16
17
Susi sa Pagwawasto

Gawain 2 Gawain 3 in any order

1. A 1. Suez Canal
2. A 2.Kaliwanagan
3. B 3. Nasyonalismo
4. B 4.principalia
5. A 5.Daungan
6. A 6. Liberal
7. A 7.Mestizo
8. A 8.Peninsulares
9. A 9.Insulares
10.A 10. Indio

Tayahin
1. A
2. D
3. D
4. A
5. A
6. D
7. D
8. A
9. C
10.D

18

You might also like