You are on page 1of 2

Pag-test ng Coronavirus (COVID-19)

Kung ikaw ay may mga tanong tungkol sa coronavirus (COVID-19), tawagan ang 24-na oras na coronavirus hotline
sa 1800 675 398.
Upang alamin kung saan ka pupunta upang magpa-test para sa coronavirus, maaari mong tawagan ang 24-na
oras na coronavirus hotline sa 1800 675 398 o bumisita sa https://www.dhhs.vic.gov.au/getting-tested-coronavirus-
covid-19.
Kung kailangan mo ng interpreter, tumawag ka muna sa 131 450, pagkatapos ay hilingin ang coronavirus hotline o
hilingan silang tingnan ang website para sa iyo.
Makakikita ka ng nakasalin sa wikang mga resource (mapagkukunan) sa
https://www.coronavirus.vic.gov.au/translations.

Ang pag-test ng Coronavirus ay libre para sa lahat ng tao sa Victoria,


kabilang ang mga internasyonal na estudyante, mga naghahanap ng asylum
o mga bumibisita mula sa ibang bansa.
Ang coronavirus test ay libre para sa lahat. Kabilang dito ang mga taong walang Medicare card, gaya ng mga
bisita mula sa ibang bansa, mga internasyonal na estudyante, mga migranteng manggagawa, at mga naghahanap
ng asylum.
Kung ikaw ay may mga sintomas, makatatanggap ka ng libreng test sa alinman sa sumusunod na mga lokasyon:
• Isang ospital sa Victoria na may Acute Respiratory Assessment Clinic (Klinika sa Pagtasa ng Matinding
Sakit sa Paghinga/Baga) para sa coronavirus
• Isang Community Health Centre Respiratory Assessment Clinic (Klinika sa Pagtasa ng Paghinga/Baga sa
Sentro ng Kalusugang Pangkomunidad)
• Isang drive-through clinic (klinika na madaraanan ng sasakyan) sa isang sentro ng pamilihan.
• Isang panrehiyong walk-through clinic (klinika na tumatanggap ng mga taong walang appointment).

Sino ang dapat magpa-test para sa coronavirus?


Dapat kang magpa-test para sa coronavirus kung mayroon ka ng alinman sa mga sintomas na ito:
• Lagnat
• Pangingiki
• Ubo
• Masakit na lalamunan
• Pangangapos ng hininga
• Tumutulong sipon
• Kawalan ng pang-amoy
Kahit na ang iyong mga sintomas ay katamtaman, dapat kang magpa-test.

Coronavirus (COVID-19) testing - Filipino


Ano ang mangyayari kapag ikaw ay nagpa-test
Kapag ikaw ay magpapa-test, ikaw ay hihilingan ng isang anyo ng pagkakakilanlan at mga detalye ng pagkontak.
Kung wala kang Medicare card, mangyaring magdala ng isang anyo ng pagkakakilanlan, halimbawa, ang iyong
lisensya sa pagmamaneho, pasaporte, concession card sa transportasyon, o ID ng Estudyante. Hindi kailangang
malaman ng klinikang magsasagawa ng test kung ano ang katayuan ng iyong visa.
Ang coronavirus test ay gagawin ng isang nars, doktor o iba pang pangkalusugang propesyonal. Kukuha sila ng
swab (pagpahid) ng likuran ng iyong lalamunan at ilong. Ang test ay tatagal ng mga isang minuto.

Kailangan bang ibukod ko ang aking sarili (self-isolate) matapos magpa-test


para sa coronavirus ?
Kung ikaw ay may mga sintomas, sasabihan ka ng doktor o kawani ng pangangalagang pangkalusugan na dapat
mong ibukod ang iyong sarili hanggang sa makuha mo ang resulta ng iyong test. Ibig sabihin nito ay umuwi ka
kaagad pagkatapos ng iyong test at manatili sa bahay hanggang sa malaman mo ang resulta ng iyong test.
Ang iyong doktor o ang klinika kung saan ka nagpa-test ay kokontak sa iyo upang sabihin sa iyo kung ang resulta
ng iyong test ay positibo o negatibo para sa coronavirus.

Gaano katagal bago malaman ang mga resulta?


Karaniwan ay tatagal ng 1-3 araw upang malaman ang mga resulta matapos ang test. Kung maraming mga tao
ang nagpapa-test, ito ay maaaring tumagal nang 5 araw upang malaman ang iyong mga resulta.
Kung ikaw ay may mga tanong tungkol sa iyong mga resulta, makipag-ugnay sa klinika o ospital kung saan ka
nagpa-test.
Kung ikaw ay nabigyan ng test sa isang drive-through clinic sa isang sentro ng pamilihan, at ikaw ay naghintay
nang mahigit sa 5 araw para sa iyong mga resulta ng test, mangyaring tawagan ang 24-oras na coronavirus hotline
sa 1800 675 398. Ang aming pangkat ay tutulong sa iyo na makuha ang iyong mga resulta. Ang mga drive-
through clinic sa mga sentro ng pamilihan ay hindi makatutulong sa iyo na makuha ang iyong resulta ng test, kaya
mangyaring huwag silang kontakin para sa iyong resulta.
Ikaw ay aabisuhan tungkol sa resulta ng iyong test, kahit ito ay isang negatibong resulta. Kung ang resulta ng
iyong test ay positibo, isang kawani mula sa Department of Health and Human Services ang kokontak sa iyo upang
kumuha ng karagdagang impormasyon at sasabihan ka kung ano ang iyong gagawin.

Upang makatanggap ng lathalaing ito sa isang maa-access na format, mag-email sa


Emergency Management Communications <em.comms@dhhs.vic.gov.au>.
Authorised and published by the Victorian Government, 1 Treasury Place, Melbourne.
© State of Victoria, Australia, Department of Health and Human Services May 2020.
ISBN/ISSN 978-1-76069-423-4 (online/print)
Available at Translated resources - coronavirus disease (COVID-19) <https://www.dhhs.vic.gov.au/translated-
resources-coronavirus-disease-covid-19>

Coronavirus (COVID-19) testing - Filipino 2

You might also like