You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF JUSTICE
National Prosecution Service
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
Hall of Justice Bldg., Bayombong, Nueva Vizcaya

DENR-CENRO
Aritao, Nueva Vizcaya
Represented by Jay Marshal C. Jasmin,
Complainant,
NPS Docket No. II-07-INV-20L-08595
-versus- For: VIOLATION OF SECTION 77
OF PD 705
ZENAIDA LOGAN,
LUIS PEDO, JR., &
WILLIE B. TOMAS,
Respondents.
x----------------------------------------x

HABLANG KONTRA-SALAYSAY

AKO, si WILLIE TOMAS, nasa wastong gulang, Filipino, may-asawa at


kasalukuyang nakatira sa Brgy. Pag-asa, Echague, Isabela, matapos manumpa ng
naaayon sa batas ay malaya at kusang-loob na nagsasaad ng mga sumusunod:

1. Na ako ay isa sa sinampaham ng reklamong Paglabag sa Section 77


ng PD 705 na inihain ng DENR-CENRO, Aritao, Nueva Vizcaya;

2. Na sa ilalim ng aking sumpa ay tahasan kong itinatanggi ang mga


paratang laban sa akin dahil walang katotohanan ang mga ito at wala akong
kinalaman dito. Na ang totoong mga pangyayari ay ang mga sumusunod;

a) Ako po ay dating construction worker. Dahil sa global pandemic dulot ng


COVID-19, natanggal po ako sa trabaho noong buwan ng Hulyo 2020;

b) Noong unang linggo ng Agosto 2020, nalaman ko na nagtitinda ng mga


gulay sa kanilang barangay at sa kalapit na barangay ang aking bayaw na
si Luis Pedo Jr. Kina-usap ko siya na kung maaari ay isama niya ako sa
kanyang pagtitinda para kahit paano ay kumite ng pera. Pumayag naman
si Luis Pedo Jr.;
c) Isinasama rin ako ni Luis Pedo Jr. tuwing umaangkat siya ng mga gulay
sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) Bambang, Nueva
Vizcaya. Si Luis Pedo Jr. kasi ang drayber ng sasakyan at ako ang
kanyang pahenante. Nagiging kargador din ako sa NVAT kaya mayroon
akong extrang pinagkaka-kitaan kaya gusting-gusto kong sumama sa
biyahe;

d) Noong Desyembre 01, 2020 ng tanghali, tinawagan ako ni bayaw Luis


Pedo Jr. dahil mag-aangkat sila ni Anette R. Acosta ng mga gulay sa
NVAT. Sinabi ko sa kanya na sasama ako at sinabi nitong magkikita
kami sa bahay ni Zenaida Logan dahil doon nakaparada ang sasakyan;

e) Dumating ako sa bahay ni Zenaida Logan at napansin kong kargado ang


sasakyan ng mga rattan furniture. Narinig kong sinabi ni Luis Pedo Jr.
kay Zenaida Logan kung talagang may mga dokumento ang mga rattan
furniture. Sumagot si Zenaida Logan at sinabi nitong meron at huwag ng
mag-alala pa. Dinaanan namin si Anette R. Acosta sa bayan ng Echague
at kami ay lumarga na;

f) Nang malapit na kami sa DENR-CENRO, San Isidro, Isabela narinig


kong sinabi ni Anette R. Acosta kay Zenaida Logan na, “madadaanan
natin ang CENRO-San Isidro, kung wala ka pang travel permit pwede
tayong huminto para makakuha ka”. Sumagot naman si Zenaida Logan at
sinabing, “meron na akong nakuhang mga dokumento dyan sa CENRO,
huwag na kayong mabahala”;

g) Nung makarating kami sa Bambang, Nueva Vizcaya, bumaba si Anette


R. Acosta at kami ay nagtuloy sa Aritao, Nueva Vizcaya. Pagdating
namin sa Brgy. Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya na pagbabagsakan ng
mga rattan furniture, dumating ang ilang kalalakihan at nagpakilalang
mga kawani ng CENRO-Aritao, Nueva Vizcaya. Tinanong nila si Luis
Pedo Jr. kung may kaukulang papeles ang maga rattan furniture. Inabot
naman ni Zenaida Logan ang mga dokumento. Kalaunan, kinumpiska
ang mga rattan furniture at ang sasakyan dahil paso/lipas na raw ang
travel permit na hawak ni Zenaida Logan at sobra sa bilang ang
kinargang rattan furniture ayon sa nakasaad sa dokumento nito;

3. Wala akong kinalaman sa kasong Paglabag sa Section 77 ng PD 705


na isinampa laban sa akin. Kung meron mang kakasuhan, ito ay si Zenaida Logan
lamang. Sumama ako sa biyahe dahil tinawag ako ni Luis Pedo Jr. at dahil na rin sa
kagustuhan kong kumita ng pera para sa aking pamilya. Wala akong kaalam-alam
na ang mga dokumentong hawak ni Zenaida Logan ay paso/lipas na at sumobra
ang kinargang rattan furniture dahil hindi naman ipinabasa ni Zenaida Logan ang
mga ito; sinarili niya. Tiniyak ni Zenaida Logan kay Anette R. Acosta at Luis Pedo
Jr. na tama ang mga dokumento ng mga rattan furniture kaya pumayag ang mga
huli na ikarga ang mga rattan furniture niya;

4. Isang patunay na wala kaming kinalaman tungkol sa mga dokumento


ng rattan furniture ay ang kawalan ng mga pirma ni Anette R. Acosta at Luis Pedo
Jr. sa Certificate of Transfer Agreement na kinuha ni Richie Logan (anak ni
Zenaida Logan sa tanggapan ng DENR-CENRO San Isidro, Isabela. Walang pirma
ang dalawa kasi wala kaming kinalaman sa pagkuha nila ng mga dokumento sa
CENRO- San Isidro, Isabela. Walang pirma ang dalawa kasi hindi man lang
ipinabasa ni Zenaida Logan ang mga dokumento at tiniyak lang ng huli na may
sapat at kaukulang dokumento ang mga rattan furniture. Wala kaming kaalam-alam
na kami ay ginamit ni Zenaida Logan para sa kanyang personal interes. (Kalakip
ang Certificate of Transport Agreement bilang Annex “1” at bahagi ng aking
Kontra-Salysay);

BILANG PATUNAY, pinirmahan ko ang salaysay na ito ngayong ika-4 ng


Enero, 2021 dito sa _______, Isabela.

WILLIE B. TOMAS
Nagsasalaysay

PINATUNAYAN AT NILAGDAAN sa aking harapan ang dokumentong


ito ngayong ika-04 ng Enero, 2021 dito sa _________, Isabela. Naunawaan ng
tagapagsalaysay ang kanyang sinumpaang salaysay matapos niya itong basahin at
ipinaintindi sa kanya sa wikang lubos niyang nauunawaan.

You might also like