You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF JUSTICE
National Prosecution Service
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
Hall of Justice Bldg., Bayombong, Nueva Vizcaya

DENR-CENRO
Aritao, Nueva Vizcaya
Represented by Jay Marshal C. Jasmin,
Complainant,
NPS Docket No. II-07-INV-20L-08595
-versus- For: VIOLATION OF SECTION 77
OF PD 705
ZENAIDA LOGAN,
LUIS PEDO, JR., &
WILLIE B. TOMAS,
Respondents.
x----------------------------------------x

HABLANG KONTRA-SALAYSAY

AKO, si LUIS PEDO JR., nasa wastong gulang, Filipino, may-asawa at


kasalukuyang nakatira sa Brgy. Annafunan, Echague, Isabela, matapos manumpa
ng naaayon sa batas ay malaya at kusang-loob na nagsasaad ng mga sumusunod:

1. Na ako ay isa sa nireklamo na umano’y lumabag sa Section 77 ng PD


705 na inihain laban sa akin ng DENR-CENRO, Aritao, Nueva Vizcaya;

2. Na sa ilalim ng aking sumpa ay mariin kong itinatanggi ang paratang


laban sa akin sa kadahilanang walang katotohanan ang mga ito. Na ang
katotohanan ay ang mga sumusunod;

a) Ako po ay isang tindero ng gulay sa aming barangay sa Annafunan.


Nagtitinda rin po ako ng mga gulay sa karatig barangay ng aming bayan ng
Echague, Isabela. Ina-angkat ko ang aking bentang gulay sa Nueva Vizcaya
Agricultural Terminal (NVAT) Bambang, Nueva Viscaya. Drayber din ako
ng isang Isuzu Forward na may plakang CAJ 7014. Ang nakarehistrong
may-ari ng sasakyan ay si Melchor A. Bariuan na nakatira sa Aggugaddan,
Penablanca, Cagayan. Si Anette R. Acosta naman po ang siyang namamala
ng nasabing sasakyan dahil ginagamit po niya ito sa kanyang negosyo
bilang Vegetable Dealer. (Kalakip ay ang Mayor’s Permit at DTI
Certificate bilang Annex “1” at “2”, at bahagi ng aking Kontra-
Salaysay);
b) Ang aking sahod bilang drayber ni Anette R. Acosta ay P 1,500.00
kada biyahe. Tinanggap ko ang pagiging drayber sa nasabing sasakyan para
makatipid dahil dito ko sinasakay ang mga ina-angkat kong mga gulay na
aking ibinibenta;

c) Matagal ko nang kapit-bahay si Zenaida Logan (isa sa mga


nirereklamo) at alam ko na nagnenegosyo sila ng mga furniture. Alam ko
rin na legal ang kanilang negosyo dahil nakita ko ang kanilang Business
Permit na nakasabit sa dingding ng kanilang pwesto;

d) Noong gabi ng Nobyembre 30, 2020, dumating sa bahay si Zenaida


Logan at nakisuyo sa akin kung pwede siyang magkarga sa sasakyan ng
mga rattan furniture para ideliver niya sa Aritao, Nueva Vizcaya dahil
kinabuksan, December 01, 2020 ay nakatakda kaming bibiyahe sa
Bambang, Nueva Vizcaya para mag-angkat ng mga gulay;

e) Hindi ako pumayag dahil hindi ko pag-aari ang sasakyan. December


01, 2020 ng umaga, tumawag sa akin si Anette R. Acosta at sinabing dalhin
ko ang sasakyan sa bahay ni Zenaida Logan para ikarga ang mga rattan
furniture. Pumayag si Anette R. Acosta na isakay ang mga rattan furniture
dahil sa paniniyak ni Zenaida Logan na may sapat at kaukulang mga
dokumento ang kanyang rattan furniture;

f) Pagkatapos kong iparada ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Zenaida


Logan, umuwi ako para maligo at kumain bilang paghahanda sa aming
biyahe. Iniwan ko sina Zenaida Logan, kanyang asawa at mga trabahador
nila na nagsimulang magkarga ng mga rattan furniture.

g) Pagkatapos kong kumain, tinawagan ko si Willie B. Tomas na aking


bayaw at kasama sa pagtitinda ng mga gulay na sumama sa biyahe.
Pagdating namin sa bahay nina Zenaida Logan, nai-karga na nila sa
sasakyan ang mga rattan furniture. Tinanong ko si Zenaida Logan kung
meron talagang dokumento ang mga rattan furniture niya. Ipinakita niya sa
akin ang mga papel at sinabing, “heto ang dokumento ng mga rattan
furniture, huwag ka ng mag-alala pa”. Hindi man lang inabot sa akin ni
Zenaida Logan ang mga dokumento pero hindi na ako nag-usisa pa kasi
hindi rin naman ako marunong bumasa at umintindi ng mga dokumento.
Dinaanan namin si Anette R. Acosta sa bayan ng Echague dahil sasama ito
para bumili ng mga gulay sa Bambang, Nueva Vizcaya;

h) Nang malapit na kami sa DENR-CENRO, San Isidro, Isabela narinig


kong sinabi ni Anette R. Acosta kay Zenaida Logan na, “madadaanan natin
ang CENRO-San Isidro, kung wala ka pang travel permit pwede tayong
huminto para makakuha ka”. Sumagot naman si Zenaida Logan at sinabing,
“meron na akong nakuhang mga dokumento dyan sa CENRO, huwag na
kayong mabahala”;

i) Noong makarating kami sa Bambang, Nueva Vizcaya, bumaba si


Anette R. Acosta at kami ay nagtuloy sa Aritao, Nueva Vizcaya kasama si
Zenaida Logan para ideliver ang mga rattan furniture niya. Pagdating namin
sa Brgy. Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya na pagbabagsakan sana namin
ng mga rattan furniture, dumating ang ilang kalalakihan at nagpakilalang
mga kawani ng CENRO-Aritao, Nueva Vizcaya. Tinanong nila kung may
kaukulang papeles ang mga rattan furniture. Inabot ni Zenaida Logan ang
mga dokumento. Kalaunan, kinumpiska ang mga rattan furniture at
sasakyan dahil expired na raw ang travel permit na hawak ni Zenaida Logan
at sobra sa bilang ang kinargang rattan furniture ayon sa nakasaad sa
dokumento nito;

3. Wala akong kinalaman sa kasong Violation of Section 77 of PD 705


na isinampa laban sa akin. Gaya ng nilahad ko, drayber lang ako at hindi may-ari
ng sasakyan. Kung ano ang utos ni Melchor A. Bariuan at Anette R. Acosta ay
iyon ang aking susundin. Kinarga ang mga rattan furniture ni Zenaida Logan dahil
pumayag si Anette R. Acosta at sa paniniyak sa amin ni Zenaida Logan na
mayroon siyang mga kaukulang dokumento para ibiyahe niya ang mga ito;

4. Oo nga’t merong dokumento at travel permit si Zenaida Logan pero


hindi naman niya ito ipinahawak at ipinabasa sa akin o kay Anette R. Acosta. Wala
kaming kaalam-alam na ang travel permit na hawak niya ay paso/lipas na at ang
kinargang mga rattan furniture ay higit sa nakasaad sa dokumento. Ang Certificate
of Transfer Agreement ay isang patunay na walang akong kinalaman sa kasong
isinampa laban sa akin. Malinaw sa Certificate of Transfer Agreement na wala
akong pirma doon, pinapatunayan lang ang aking sinabi na hindi ipinabasa ni
Zenaida Logan ang mga dokumento at wala akong kinalaman dito. (Kalakip ang
Certificate of Transport Agreement bilang Annex “3” at bahagi ng aking
Kontra-Salysay);

5. Isa akong marangal na mamamayan na nagsusumikap at sumusunod


sa mga batas o alituntunin ng ating pamahalaan. Hindi naman makatarungan na
ako ay isangkot sa isang kaso na wala akong alam at partisipasyon. Hindi naman
kasalanan ang pakikipag-kapwa tao. Malinis ang aking hangarin na tumulong kay
Zenaida Logan dahil siya ay aking kapit-bahay at dahil narin sa kanyang
paniniyak na ang mga rattan furniture niya ay may kaukulang mga dokumento;
6. “Probable cause has been defined as the existence of such facts and
circumstances as would excite the belief in a reasonable mind, acting on the facts
within the knowledge of the prosecutor, that the person charged was guilty of the
crime for which he was prosecuted” (UNILEVER vs. Michael Tan, G.R. No.
179367, 01-29-2014). Walang probable cause para ako ay kasuhan ng paglabag ng
Section 77 ng PD 705. Una, hindi ako ang may-ari ng mga nakumpiskang rattan
furniture at sasakyan na may plakang CAJ 7014; pangalawa, hindi ako ang
nagpapasya kung sino at ano ang pwedeng ikarga sa minamaneho kong sasakyan;
pangatlo, wala akong alam na paso/lipas na ang travel permit ni Zenaida Logan,
ikinubli niya ito sa amin; kung ano ang dahilan ay siya lang ang nakaka-alam.
Tahasan kong sasabihin na ako, si Anette R. Acosta at Willie B. Tomas ay
kinasangkapan lamang ni Zenaida Logan para sa kanyang personal na interes;

7. Totoo na ang layunin ng Preliminary Investigation ay para sa


katiyakan ng probable cause para sa kaukulang pagsampa ng kaso sa hukuman,
pero mahalaga rin ang Preliminary Investigation para maiwasan ang madalian at
malisyosong pag-uusig; sapagkat mas mainam na ipawalang-sala ang karamihan
kaysa hatulan ang isang inosenteng nilalang. Matayog ang aking paniniwala na ang
kagalang-galang na Investigating Prosecutor ay hindi lalabagin ang karapatan ng
inosenteng mamamayan;

8. Sa pangkalahatan, walang probable cause para ako ay sampahan ng


kaso sa korte, ako’y nagpapakumbaba at hinihiling sa kagalang-galang na
Investigating prosecutor sa agarang pagbasura ng kasong isinampa laban sa akin
ayon sa mga argumentong aking nailahad.

BILANG PATUNAY, pinirmahan ko ang salaysay na ito ngayong ika-4 ng


Enero, 2021 dito sa _______, Isabela.

LUIS PEDO JR.


Nagsasalaysay

PINATUNAYAN AT NILAGDAAN sa aking harapan ang dokumentong


ito ngayong ika-04 ng Enero, 2021 dito sa _________, Isabela. Naunawaan ng
tagapagsalaysay ang kanyang sinumpaang salaysay matapos niya itong basahin at
ipinaintindi sa kanya sa wikang lubos niyang nauunawaan.

You might also like