You are on page 1of 1

FCF Best Literacy Practices Itinampok sa National Literacy Forum sa Pasig City

Sa isang forum na inorganisa ng Literacy Coordinationg Council (LCC) ng Kagawaran ng Edukasyon


noong Nobyembre 19, 2019, na ginanap sa Youth Development Center (YDC), Brgy. Maybunga, Pasig
City na may temang “Championing Literacy; Sharing of Good Practices” tampok ang mga pinakamahusay
na literacy practices ng FCF Minerals Corporation na ibinahagi ni Amy Fe Adap-staff ng Community
Relations Office. Ang FCF Best Literacy Practices ay naging tulay para makamit ang pagiging kampeon
sa larangan ng literacy sa buong bansa. Ang “Handog Aral Sa Ikauunlad ng Buhay Program” ay isa sa
mga ipinatupad na may layuning abutin at tulungan ang mga kabataang di nag-aaral at matatanda upang
makakuha ng kaalaman at kasanayan na magbibigay-daan sa kanila na maging akmang miyembro ng
pamilya, pamayanan at lipunan. Dumalo din sa forum si Ms, Raquel Mallari-isa sa mga Literacy Facilitator
ng FCF Community Relations Office na may kontribusyon para sa epektibong pagpapatupad ng
programa.

Ang nasabing forum ay isa sa mga regular na aktibidad na inoorganisa ng LCC para mabigyan ng
pagkakataon ang mga napiling lokal na pamahalaan (LGU) at pribadong sector sa buong Luzon upang
magbahagi ng mga pinakamahusay na kasanayan sa programa sa literacy mula sa mga naging
kampeon, idokumento ang mahusay na kasanayan sa literacy, pagpapalitan at diseminasyon ng
kaalaman at para sa posibleng replikasyon. Gayundin, pag-usapan ang mga polisiya na irekomenda
upang matiyak na masaklaw ang pantay na functional literacy para sa lahat ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga napiling nagbahagi ng good literacy practices ay ang Pamahalaang Lokal na Santiago
City, Isabela na ibinida ang Libreng Bisikleta Para sa Iskwela Program. Samantala ang Pamahalaan ng
Tanay, Rizal ay nagbahagi din ng kanyang good literacy practices. Ang mga pribadong sektor gaya ng
Kasama Kita sa Barangay Foundation,Inc ng Bayambang, Pangasinan at World Vision ay ibinahagi ang
kanilang ibat-ibang programa at proyekto sa literacy.

Samantala, sa pambungad mensahe ni Cong. Roman T. Romulo, Kinatawan ng Lone District of Pasig
City at Council Member ng LCC, kanyang binibigyang diin ang kahalagahan ng mabuting pundasyon ng
GMRC anuman ang henerasyon ng isang tao at nagbigay ng update sa ALS Act of 2019.

You might also like