You are on page 1of 1

Ayon din sa Kautusan, ang mga babaing nagsilang ay nagiging

marumi sa loob ng isang yugto ng panahon. Pagkatapos nito,


kailangan nilang magbayad-sala sa pamamagitan ng paghahain.
Ipinaalaala nito sa mga Judio na ang lahat ay ipinanganak na di-
sakdal at makasalanan
12:8. Pinahintulutan ni Jehova ang mga dukha na maghandog ng mga
ibon sa halip na mas magastos na tupa bilang haing handog.
Makonsiderasyon siya sa mga dukha.

Ayon sa Kautusang Mosaiko, ang mga Israelita ay dapat dumumi sa


isang hukay sa “labas ng kampo” at saka ito tatabunan.
(Deuteronomio 23:12, 13) Kapag humipo ng patay na hayop o tao,
dapat silang maghugas o maglaba ng kanilang damit. (Levitico 11:27,
28; Bilang 19:14-16) Ang ketongin ay ikukuwarentenas, o ihihiwalay,
hanggang sa matiyak na hindi na nakahahawa.—Levitico 13:1-8.
AYON SA MODERNONG MEDISINA: Ang tamang pagtatapon ng
dumi, paghuhugas ng kamay, at pagkukuwarentenas ay epektibo pa
ring panlaban sa sakit. Kung walang malapit na palikuran o iba pang
sistema sa sanitasyon, inirerekomenda ng U.S. Centers for Disease
Control and Prevention (CDC): “Dumumi sa isang lugar na mga 30
metro o higit pa ang layo mula sa mga katubigan at pagkatapos ay
tabunan ang iyong dumi.” Kapag may maayos na pagtatapon ng dumi
ang mga pamayanan, nababawasan nang 36 na porsiyento ang
nagkaka-diarrhea, ayon sa World Health Organization. Halos 200 taon
na ang nakalilipas, natuklasan ng mga doktor na nailipat nila sa
maraming pasyente ang mikrobyo dahil sa hindi nila paghuhugas ng
kamay matapos humawak ng bangkay. Naniniwala pa rin ang CDC na
ang paghuhugas ng kamay “ang nag-iisang pinakaepektibong paraan
para hindi maipasa ang sakit.” Kumusta naman ang
pagkukuwarentenas sa ketongin o sa ibang may sakit? Kamakailan,
sinabi ng Saudi Medical Journal: “Kapag nagsisimula pa lang ang
epidemya, maaaring ang pagbubukod at pagkukuwarentenas ang
tanging paraan para hindi kumalat ang sakit.”

You might also like