You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


Sipocot, Camarines Sur
www.cbsua.edu.ph
Telephone No. (054)881-6681

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO


GRADE 12
Ika-14 ng Agosto 2018

Inihanda ni:

BERNABE A. MANGILIN

Inihanda para kay:

DR. ANA MARIA A. BONITO, Ph. D.


Propesor
Banghay-Aralin sa Filipino 12

I. Layunin
A. Naibibigay ang kahulugan ng wika.
B. Naiuulat ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika.
C. Naipapakita ang pagpapahalaga sa kultura at sining tulad ng wika.

Pagpapahalaga: Pangangalaga sa mga bagay na kaloob ng Maykapal.

II. Paksang-Aralin
A. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
B. Sanggunian: K-12 Teacher’s Guide Filipino Grade 12, Pinagyamang
Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino nina
Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario, pahina 76-78.
C. Kagamitan: Iba’t ibang artifacts, kartolina, at mga larawan.

III. Pamamaran

Gawaing Guro Gawaing Mag-Aaral

A. Panimula
1. Panalangin Magsisitayo ang mga mag-aaral para sa
Bago tayo magsimula, maaari bang isang maikling panalangin.
magsitayo ang lahat para sa isang
maikling panalangin.
Angelica, pakipangunahan mo ang
panalangin.

Magandang umaga sa inyo. Magandang umaga rin po sa inyo


Ginoong Mangilin.

Maaari na kayong magsiupo. Salamat po, Sir.

2. Pagtetsek ng Attendance
Wala bang may pagliban sa araw na ito? Wala po. Lahat po ay narito, Sir.

3. Pagganyak
Mayroon akong isang bagay na Ang mga mag-aaral ay nakikinig na
nakapaloob sa lalagyang ito. Kapag ito ay mabuti.
inyong nahulaan, bibigyan ko kayo ng
gantimpala. Ang pamagat nito ay
“Damhin mo, sabay hulaan mo”.
Umpisahan na natin. Sino ang gustong Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng
humula sa laman ng lalagyan na ito? kamay.

Ikaw, Alyssa. Ano sa iyong palagay ang Alyssa: Isang palayok, Sir.
laman nito?

Magaling! Iyong nahulaan kaagad. Sino Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng


pa ang makahuhula sa nasa loob ng kamay.
lalagyang ito?

Ikaw naman Garry, ano sa iyong palagay Garry: Isang uri ng sasakyang pandagat,
ang laman ng isang ito? Maaari mong Sir.
hawakan.

May isa pang natitira bago tayo dumako Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng
sa ating aralin. Sino ang makakahula sa kamay.
aking hawak?

O ikaw Angeline. Ano ang iyong hula? Angeline: Sir, ang nasa loob po nito ay
isang pigurin.

Magaling! Lahat ay inyong nahulaan. May Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


kaugnayan ang ginawa nating ito sa mabuti.
paksang ating tatalakayin ngayon.

B. Panlinang na Gawain

(Gamit ang 4A’s Lesson Plan)

1. Paglalahad ng Aralin
(Activate Prior Knowledge)

Ayon sa mga propesor sa komunikasyon Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


na sina Emmert at Donaghy (1981), ang mabuti.
wika, kung ito ay pasalita, ay isang
sistema ng mga sagisag na binubuo ng
mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito
ay iniuugnay natin sa mga kahulugang
nais nating iparating sa ibang tao.

Charles, kung ikaw ay aking tatanungin, Charles: Sir, para po sa akin ang wika ay
ano para sa iyong sarili ang kahulugan ng isang instrumento ng pagkakaunawaan.
wika?

Magaling! Napakahusay ng iyong Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


pagkakasabi. Ngunit saan nga ba mabuti.
nagmula ang wika? Walang nakaaalam
kung paano ito nagsimula ngunit
maraming teorya ang nakalap ng mga
linggwista ang maaaring magbigay-linaw
sa pinagmulan ng wika.

2. Pagsusuri
(Acquire New Knowledge)

Mayroon akong mga dalang artifacts dito Ang mga mag-aaral ay nakikinig na
at bawat isa sa kanila ay naglalaman ng mabuti.
iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika.
Tatawag ako ng mga estudyante at pipili
siya kung alin sa mga artifacts na narito
ang napili nya at isasalaysay nya ang
teoryang kanyang nabunot.

Umpisahan natin kay Jeffrey. Ano ang Jeffrey: Ang nilalaman po ng artifact na
nilalaman ng iyong piniling artifact? aking napili ay ang Teorya ng Paniniwala
sa Banal na Pagkilos ng Panginoon o
Divine Theory na kung saan ang mga
teologo ay naniniwalang ang pinagmulan
ng wika ay matatagpuan sa Banal na
Aklat. Sa Genesis 2:20, ayon sa bersong
ito magagamit kasabay ng pagkalalang
sa tao ay ang pagsilang din ng wika na
ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Maraming salamat, Jeffrey. Sa Genesis Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


2:20 ang nakasulat ay ganito “at mabuti.
pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga
hayop, at mga ibon sa himpapawid, at
ang bawat ganid sa parang”.

Dianne, ikaw naman ang pumili. Dianne: Sir, ang laman po ng artifact na
Ano ang nilalaman ng iyong napiling aking napili ay ang Teorya ng Tore ng
artifact? Babel o Babel Tower Theory. Isa lamang
ang wika noon. Nagkaroon ng iba’t ibang
wika dahil na rin sa kapangyarihan ng
Diyos na lituhin ang bawat taong nabuhay
noong unang panahon.

Ang sabi kasi ng Diyos ay dapat Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


magsipangalat ang mga tao sa panahong mabuti.
iyon. Pero dahil sa katigasan ng ulo at
pagmamataas kaya yun ang naging
parusa sa kanila.

Maraming salamat, Dianne. Jomari: Ang teoryang nilalaman po ng


Ang pangatlo at panghuli, ikaw Jomari. artifact na ito ay ang Teorya ng
Anong teorya ang nilalaman ng artifact na Ebolusyon. Ayon sa mga antropologo,
iyan? masasabing sa pagdaan ng panahon ang
mga tao ay nagkaroon ng mas
sopistikadong pag-iisip. Umunlad ang
kakayahan ng taong tumuklas ng mga
bagay na kakailanganin nila upang
mabuhay kaya sila ay nakadiskubre ng
mga wikang kanilang ginamit sa
pakikipagtalastasan.

Maraming salamat, Jomari. At mula sa


Ebolusyon ay nagkaroon pa ng ibang Ang mga mag-aaral ay nakikinig na
mga sanga o teorya tungkol sa mabuti.
pinagmulan ng wika. Matatalakay natin
iyan sa mga susunod pa nating pag-
aaral.

3. Paglalapat (Application)

Itanong: Kung bibigyan ka ng Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng


pagkakataong gumawa ng sarili mong kamay.
teorya tungkol sa wika, ano ang
ipapangalan mo dito at bakit?

Tatawag ng isang mag-aaral: Shelver, Kung bibigyan ako ng pagkakataon ang


ano ang iyong masasabi? itatawag ko sa sarili kong teorya ay
teorya ng pag-ibig. Sapagkat para sa
akin, ang pag-ibig ay may sariling wika.

Magaling! Naibigan ko ang iyong sinabi.

4. Assessment

Itanong: Sa inyong pananaw, alin sa mga Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng


teoryang ating pinag-aralan ang pinaka kamay.
malapit sa katotohanan?

Tatawag ng isang mag-aaral: Jaybon, Sir, para po sa akin mas malapit sa


maaari ko bang marinig ang iyong katotohanan ang tore ng Babel sapagkat
kasagutan? dahil sa katigasan ng ulo ng mga
sinaunang tao, nilito ng Diyos ang
kanilang wika kaya tayo nagkaroon ng
iba’t ibang wika sa daigdig.

Maraming salamat. Napakainam ng iyong


kasagutan Jaybon.

C. Paglalahat
Ang wika ay totoong mahalaga sa ating Ang mga mag-aaral ay nakikinig na
pang araw-araw na pamumuhay mabuti.
sapagkat ito ang ating ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Bagaman at hindi pa
rin matiyak kung saan at paano ito
nagsimula, isang katotohanan na ang
wika ay umuunlad at nagbabago kasabay
ng pagbabago ng panahon at lipunan.

Gaya ng mga artifacts na ito, maaaring sa Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


paningin ng iba ay wala ng silbi dahil sa mabuti.
umuunlad na modernong panahon,
maaaring hindi na kailangan. Subalit
narito sa mga artifacts na ito nakatago
ang makulay na kultura at kasaysayan.
Dapat nating pahalagahan ang bawat
bagay.

IV. Ebalwasyon

Para sa 15 puntos, gamit ang ikaapat na bahagi ng papel:

Anu-ano ang mga teoryang sinasabing pinagmulan ng wika? Ibigay ang


maikling paliwanag ng bawat isa.

V. Takdang-Aralin

Ilagay sa short sized na bond paper, encoded.

Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod na iba pang teorya ng wika:

1. Teoryang Ding Dong


2. Teoryang Bow-Wow
3. Teoryang Pooh-Pooh
4. Teoryang Ta-Ta
5. Teoryang Yo-He-Ho

Inihanda ni:

BERNABE A. MANGILIN
BSED 3-Filipino

You might also like