Lubiano, Deniel R. - Naratibongsanaysay

You might also like

You are on page 1of 2

Deniel R.

Lubiano
BSEd Filipino II

Buhay Estudyante: Ang Pagsuong ko sa Dilim ng Pandemya

Noong nakaraang taon matatandaang umugong ang balitang may


nakakahawang sakit na natuklasan ang mga eksperto sa bansang Tsina at di rin
nagtagal nabalitang nakaroon ang ating bansa ng iilang positibo. At wala ni isa sa atin
ang nakabatid na ito ang sasakop at magiging tinik sa ating bansa. Napakadami ding
naapektuhan ng sakit na dulot nito at isang halimbawa na lang nito ay sa sektor ng
edukasyon. Ngunit sa kabila nito, kaming mga estudyante ay sumusuong sa dilim na
dulot ng pandemyang ito.

Taliwas at naiiba sa kinagiwaang naming estudyante ang nangyayari sa panahon


ngayon. Sa halip na maaga kaming gumigising sa umaga upang makapaghanda para
pumasok ay haharap kami sa aming kanya-kanyang gadget ay duon magsisimula ang
aming magiging leksyon. Masasabi kong hindi ito madali para sa akin sapagkat tulad ng
nakakarami nakakaranas din ako ng pagbagal ng koneksyon dahilan upang hindi ko
maintindihan ang mga lesyon at mga impormasyon na tinatalakay ng aming mga guro.
Maging sa problemang pinansyal, madalas ay isa ito sa nagiging balakid upang
makadalo ako sa aming leksyon dahil sa halip na pagkain at iba pang mga gamit na
bilihin sa aming tahanan ay load ang unang pagtutunan ng pansin dahil sa tingin ko ito
ang mas kailangan ika nga nila edukasyon ang susi sa kahirapan. Ngunit bukod sa
online mode of learning, modyul ang naging arternatibong gamit upang makakuha kami
ng sapat na impormasyon ukol sa aming leksyon, ngunit sa aking kondisyon may
pagkakataong nahihirapan akong intindihin at unawain ang mga nilalaman nito. Dahilan
upang aking hinahanap-hanap ang gabay at presensya ng aking mga guro. At hindi
lang dito nagtatapos ang pagsuong ko sa mga balakid na ito, minsan at may mga
pagkakataon na hindi maiiwasang magkaroon ng pangsariling problema at malaki ang
nagiging epekto upang hindi ako makagawa at makatapos sa mga aktibidad na dapat
gawin.
Hindi ko maiikaila na tunay nga na matatawag na ang sistema ng edukasyon na
aming kinakaharap bilang mga estudyante ay isang pagsuot sa butas ng karayom.
Ngunit batid ko at naniniwala ako na sa kabila ng tinatahak kong dilim ay may
nakaabang na liwanag sa badang dulo at nakakatiyak ako na ang liwanag na ito ay
mananatiling sulo at patuloy na pagtitibayin at pagliliabin ng panahon at magbubunga
ng hingit sa sa sampung datong. Basta ngayon ang tanging magagawa ko lang ay
manatiling matatag na nakatayo sa kabila ng hamon ng buhay.

You might also like