You are on page 1of 2

Kahulugan ng Pananaliksik

Ayon kina Clarke at Clarke(2005), ang pananalikisik ay isang maingat, masistematiko, at obhetibong
imbestigasyonna isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan, makabuo ng
kongklusyon, at makalikha ng mga simulaing kaugnay ng tinukoy na suliranin ng ilang larangang ng
karunungan.
Ayon naman kay John W. Best(2002), ang pananalikisik ay isang masistematiko at obhetibong
pag-aanalisa at pagtatala ng mga kontroladong obserbasyon na maaaring tumungo sa paglalahat,
simulain, teorya, at mga konsepto na magbubunga ng prediksyon sa pagkilala at posibleng kontrol sa
mga pangyayari.
Sinabi rin ni Mouly(1964) na ang pananaliksik ay proseso ng pagkakaroon ng mapapanghawakan
solusyon sa problema sa pamamagitan ng planado at sistematikong pangangalap, pag-aanalisa, at
interpretasyon ng mga datos.
Binigyang-kahulugan nina Nuncio et al.(2013)ang pananaliksik bilang isang lohikal na proseso ng
paghahanap ng sagot sa mga tanong ng mananalikisik na nakabatay sa problema at metado ng pag-aaral
tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa pangangailangan ng tao
at lipunan.
Kung lalagumin natin ang ibinigay ma depinisyon, nagkakaisa ang mga awtoridad sa pagsasabi na
ang pananaliksik ay sistematiko at obhetibong pag-aanalisa na humahantong sa paglalahat ng
kongklusyon.
Dahil ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyong na humahantong
sa kaalaman. Isinisagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano nalalaman o napag-alaman na.
Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng hindi
pagpapatotoo) ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas
mainam na pagpapaliwanag ng mga obserbasyon. Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang
katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng
kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
Ayon kay Best (2002) ang pananalikisik ay nagtataglay ng sumusunod na katangian:
1. Ito ay maingat na pagtitipon at pagpili ng mga datos na kinikilala sa pinagkunan.
2. Ito ay matiyaga, maingat, at di nagmamadaling pagsasakatuparan.
3. Ito ay nangangailangan ng kaalamang higit sa karaniwan.
4. Ito ay nangangailangan ng tamang obserbasyon at interpretasyon.
5. Ito ay maingat na pagtatala at pagsulat ng ulat.
Sina Calderon at Gonzales(1992) ay nagbigay ng mga layunin sa pananaliksik tulad ng sumusunod:
1. Upang makasumpong ng sagot sa mga suliraning hindi pa nabibigyang-lunas
2. Upang makabuo ng batayang pagpapasiya sa kalakasan, industriya, edukasyon, pamahalaan,
at iba pa.
3. Upang makapagbigay-kasiyahan sa kuryosidad (curiousity) o pagiginng mausisa
4. Upang makatuklas ng bagong kaalaman
5. Upang mapatunayan ang mga umiiral na kaalaman
Kaalaman

Uri ng pananaliksik
A. Batay sa Pakay o Layon
1. Batayang Pananaliksik( Basic Research)
Umiiinog ito sa pagiging mausisa ng mananaliksik. Maaaring ito ay tungkol sa isang konsepto o
kaisipan, isang penomenong di mauunawan o isang suliraning nararanasan sa lipunan, sa sarili,
o sa kapaligiran. Maaaring magkaroon ng kasagutan o kapaliwanagan kapag natapos ang
pananalikisik.

You might also like