You are on page 1of 2

Nang Bumalot and Kadiliman at Yumapos ang Silahis ng Araw

Hinihingal akong napabangon at ako’y napahawak sa aking dibdib kung saan ang tumitibok kong
puso ay nakapuwesto. Bumaling ako sa malakristal na durungawan at nasilayan ng aking nagbibilugang
mga mata ang sinag at at nagniningning na ngiti ni Haring Araw. Muli kong isinampa ang mala-artistahin
kong katawan sa kama kong malawak nang biglang naaninag ng aking mga mata ang presensya ng aking
ina kung saan masisilayan mo ang nakakabighani niyang mukha na nakabalot ng hindi kaasam-asam na
makita ng isang tao --- ang galit at kasakiman.

“Ina!” agad kong itinayo ang aking katawang may magandang hubo. Ngunit bago siya
makapagsalita ay agad akong kumaripas ng takbo palabas sa aking silid- tulugan at dinala ako ng aking
malaprinsesang paa sa silid- kainan upang magkalaman ang aking bitukang akala mo’y isang taong hindi
nakalamon ng masasarap at malilinamnam na pagkain.

Aking inilabas ang elektronikong nasa aking bulsa at aking pinabayaan ang aking makisig na
amang mag- agahan nang walang kasama. Ang labi ko’y biglang napangisi habang iginagalaw ng aking
hinlalaki pataas at pababa sa aking telepono. Patuloy akong gumamit ng aking telepono hanggang sa
aking namalayan na patapos na pala silang kumain ng pang- agahang niluto nang maigi ng aking
mapagmahal na ina. Masasaksihan ang lumbay sa kanilang bilugang mga mata at unti- unting bumagsak
ang mga luha nilang kumapit sa kanilang makikinis na pisngi.

Dali- dali kong iginalaw ang aking malaperpektong pares ng paa hanggang sa aking namalayan
na ako’y nasa teresa ng bahay at aking pinagmamasdan ang naggagandahang tanawin mula sa aking
kinaroroonan. Hinablot ko ang kamerang nasa aking kanan ata gad kinunan ng litrato ang aking sarili’t
aking nirekord ang tanawin upang mailagay ito sa YouTube—kilalang tahanan ng mga bidyo.

Akin ring inilagay ang litratong aking kinunan sa iba’t ibang social media at biglang naghugis
puso ang dati’y bilugan kong mga mata sa dahilang m araming netizens ang nabighani sa taglay kong
ganda na biniyaya sa akin.

Ako’y napabaling sa enggrandeng orasan na naksabit sa pader ng aking silid- tulugan. Bumulagta
sa aking maamong mukha ang pagkagulat sa dahilang hindi ko namalayang alas-onse na pala ng gabi.
Inisang hakbang ko na lamang ang dati’y dalawa kong hakbang palapit sa saksakang katabi ng lamesa
kong punong-puno ng nakatambak na takdang-arakin. Nahulog ang aking panga sapagkat nalulong ako
sa paggamit ng aking telepono’t internet. Nagkataon pang Linggo ngayon at lalabas si Haring Araw sa
susunod na pitong oras. Hindi na rin kaya ng aking katawang magpuyat sapagkat aking iginugol ng
tatlong oras ang paglalaro ng iba’t ibang video games na aking nasaksihan sa aking nag-iingayang mga
kaklase. At dito na nagsimula ang pagguho ng aking mundo.

Isinalampak ko ang aking katawan sa kama kung saan iginugugol ko halos ang walong oras sa
pagpikit ng aking mga mata kadagabi. Aking sinabi sa aking sarili na ako’y babawi sa susunod na araw.
Ngunit sa muling pagmulat ko sa aking nagbibilugang mga mata ay muli kong nasilayan ang galit na hindi
laming meron sa aking ina, kundi pati na rin sa aking ama. Sinabi niya ang mga katagang ito sa malamig
at puno ng galit niyang tono, “Hindi na ako naniniwal sa kasabihang ‘Ang kabataan ang pag- asa ng
Bayan.’, at kanyang ibinagsak ang aking telepono sa sahig na malakristal rin at patuloy nang tumulo ang
aking luha sa paglimot kung ano ang responsibilidad ko bilang anak at bilang mag- aaral.

You might also like