You are on page 1of 2

Tanikala ng Nakaraan

Kumaripas ako ng takbo palapit sa aking lolang kahit walumpu’t apat na taon na ay makikita mo
parin ang nagniningning na ganda na kanya ring inalagaan sa kanyang buong pagkabuhay. Masasaksihan
sa kanyang ngiti na kanyang iwinaldas ang pagkabata niya sa masaya at kumikinang na paraan. Ako’y
kanyang niyakap ng mahigpit na kala mo’y ito na ang huling enggrandeng pagkikita naming dalawa.

“Lola!” kumaripas ako ng takbo at agad kong ibinigay sa kanya ang mga namumukadkad kong
mga bulaklak na aking itinanim sa bakuran ng aking nakakabighaning ina. “Ako’y iyong kwentuhan! Yung
mga panahon na musmos ka pa gaya ko!” ani ko habang masigabong pumapalakpak at nakangiting abot
sa aking tainga.

Nagsimula siyang magkuwento at aking naramdaman ang kanyang nakakatuwang pinagdaanan


gamit sa salitang kanyang binibitawan. Habang siya’y aking pinagmamasdan magkwento, ako’y
napalingon sa aking paligid at aking napagtanto na ako ang gumaganap bilang siya noong mga panahong
siya’y musmos pa lamang.

“Iyo bang nasisilayan ang mga naggagandahang bulaklak na aking dinidiligan dyan, apo?” agad
akong napatango habang namamangha sa aking paligid. “Ako lahat ang nagtanim nyan.. paboritong
dapuhan ng mga nagliliparang paru-paro’t ibon ang aking mga pinaghirapang pananim na siyang
kumukumpleto sa aking araw.” Madamdamin niyang kuwento na nagresulta para sa akin na nais
mamuhay sa mga panahong kanyang pinanggalingan.

“Iyo bang nasisilayan kung gaano kalinis at kapuro ang mga anyong tubig na ginagamit namin
upang maglinis ng aming kasuotan?” muli niyang tanong sa akin. Muli akong napatango ng ilang beses at
akin siyang nginitian ng magiliw. “Bakas sa sa aming mga maaamong mga mukha ang tuwa at sipag kung
gaano namin gawin ang responsibilidad namin sa aming mga tahanan.” Ako’y isa- isa silang pinagmasdan
ng maigi’t tama nga siya, napakaganda ng kanilang mga itsurang panlabas kung kaya’t paano pa kaya sa
loob?

“Iyo bang nasisilayan kung gaano kapresko ang hangin na halos wala kang makitang bakas ng
usok?” ang kanyang boses ay punong- puno ng pagmamalaki at para bang nais niyang lisanin ang lugar
ngayon at bumalik sa kanyang pinagmulan. “Tanging kalesa lang ang aming sinasakyan o ‘di kaya
lumalakad lang kami papunta’t pabalik sa eskwelahan—kailangan mong akyatin ang dalawang
nagtatayugang mga bundok para lamang makapasok ka sa nag-iisang eskwelahan na meron ang lugar
namin noon. Kinailangan din naming tawirin ang ilog nang nakatsinelas lamang at saka kami
magsasapatos sa harapan mismo ng aming eskwelahan. Alam mo bang dalawampu’t limang sentimo
lamang ay makakabili na kami ng isang inumin at dalawang biskwit? Nais ko muling mag-aral at balikan
ang mga alalala kasama ang unang lalaking minahal ko ng lubos, ang iyong lolo.” Makahulugang ani niya
at isang butil ng luha ang bumagsak sa kanyang makulubot na pisngi.
“Tumingin ka sa iyong kanan. Iyo bang nasisilayan ang luntiang palayan?” ang kanyang mukha ay
biglang nagliwanag na para bang may nais siyang sabihin na kailangang malaman ng lahat. “Kalahati
nyan ay amin ng lolo mo.” Agad namang nahulog sa sahig ang aking panga sa gulat at pagkamangha.
“Binili niya iyan pagkatapos namin ikasal ng enggrande. Pinangalanan niya itong Hacienda de
Mercadejas sapagkat iyon ang ating apelyido.” Siya’y napahinto at kaagad din naman siyang nagpatuloy.
“Napakaganda, hindi ba? Inaalagahan namin ito ng mabuti at tinutulungan namin ng lubos ang mga
nangangailangan. Mababait ang mga tao noon, ngunit bumaligtad na ang mundo ngayon..” lumumbay
ang kanyang mga matang kulay asul at bilugan pa hanggang ngayon.

Ako’y napakurap at napabaling sa paligid. Biglang naglaho ang kaygandang tanawin na kanina’y
pinagmamasdan ko lamang. “ Lola! Paanong..”, ako’y kanyang pinutol at itinuloy ang aking sasabihin,
“Paanong nakita mo ang iyong napagmasdan? Apo, ako’y gumamit nga mahika.” Bigla naman akong
kinilabutan dahil sa tono na kanyang ginamit ngunit ako rin ay napangiti ng maaliwalas at siya’y aking
tinanong, “Lola, paano niyo pa po kayang mamuhay nang ganito katagal? Ni minsan ba ay naisip niyong
kitilan ang iyong buhay sa dahilang hindi ganito ang kapaligirang iyong ginagalawan noon?” siya’y
napangiti ng malungkot at sinabing;

“Apo, ako’y naniniwala sa kasabihang, ‘Ang Kabataan ang Pag-Asa ng Bayan.’ Kayo mismo ang
magdadala ng maliwanag na kinabukasan para sa susunod na henerasyon. Kami’y inyong patawarin sa
dahilang hindi namin pinanatili ang aming kinasanayan. Hindi ko sinasadyang marinig sa radyo na nag
mga kabataan raw ngayon ay hindi na gaya ng dati. Inilululong daw nila ang kanilang mga sarili sa droga
at ang mga iba pa’y hindi na ginaganahan pumasok sa eskwelahan.. May tiwala ako sa iyo, aking apo.
Ang tanging hiling ko lamang sayo bago ako pumanaw ay ipagpatuloy mo ang iyong mga pangarap hindi
lang para sa iyong sarili kundi para sa lahat. Iyong ipagsigawan sa lahat ang iyong nakita sa mahikang
aking ibinalot sa iyong nagniningningang mga mata kani-kanina lamang at ipaalam sa lahat na ituloy ang
dating pamumuhay ng mga tao.” Madamdamin niyang sinabi at siya’y napahiga sa kanyang kama.

“Ako’y iyong pagpahingain na, apo.. Sapagkat aking nasabi na sayo ang aking kahilingan..
Paalam..” ani niya at hinawakan ang aking kamay. Nagtuluhan ang aking mga luha at kumirot ang
pumipintig kong puso sa kanyang pagkawala.

Ang sakit.. Ang sakit isipin.. Na nawala ang pinakamamahal kong lola sa dahilang hindi natin
napanatili ang kagandahan at ang tradisyonal na gawain nating mga namumuhay.

You might also like