You are on page 1of 10

ANG PAGDARASAL NG STO.

ROSARYO
Pag-aantada ng Krus
Sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Panimulang Panalangin
Namumuno: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay
sumasaiyo.
Lahat: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong Anak na si
Hesus.
N: Panginoon, buksan mo ang aking mga labi.
L: At purihin ka ng aking bibig.
N: Diyos ko, tulungan mo ako.
L: Panginoon, magmadali ka sa pagsaklolo sa akin.
N: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
L: Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen.
Ang Sumasampalataya
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at
lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating
lahat. Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa karoroonan ng
mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa
kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto't
maghuhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos
Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran
ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang
hanggan.  Amen.
Ama Namin
Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin
ang loob Mo, dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, at patawarin Mo kami sa aming mga
sala para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin, at huwag Mo kaming
ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masasama. Amen.
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo; bukod kang
pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina
ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.
Luwalhati
Luwalhati sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen.
Panalangin ng Fatima
O Hesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng impiyerno,
dalhin mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalong-lalo na ang higit na nangangailangan ng iyong
awa.
MGA MISTERYO
TUWA
(Lunes at Sabado)

1. Ang Pagbati ng Anghel kay Birheng Maria


2. Ang Pagdalaw ni Birheng Maria kay Sta. Isabel
3. Ang Pagsilang ng ating Panginoon
4. Ang Paghahain kay Hesus sa Templo
5. Ang Pagkakita kay Hesus sa loob ng Templo
HAPIS
(Martes at Biyernes)

1. Ang Paghihirap sa Halamanan ng Hetsemani


2. Ang Paghampas kay Hesus sa Haliging Bato
3. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik
4. Ang Pagpapasan ng Krus
5. Ang Pagkapako at Pagkamatay ni Hesus
LIWANAG
(Huwebes)

1. Ang Binyag ni Hesus


2. Ang Paghihimala ni Hesus sa Kasalan sa Cana
3. Ang Pagpahayag ng Kaharian ng Diyos
4. Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus
5. Ang Pagtatatag ni Hesus ng Eukaristiya
LUWALHATI
(Miyerkules at Linggo)

1. Ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Panginoon


2. Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoon
3. Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo
4. Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria
5. Ang Pagkokorona sa Mahal na Birhen
Aba Po, Santa Mariang Reyna
Aba Po, Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan, aba
pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang
kahapis-hapis.
Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung
matapos yaring pagpanaw sa amin, ay ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa
Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam, at matamis na Birhen.
Litanya sa Mahal na Birheng Maria
Panginoon, maawa ka sa amin. 
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin. 
Kristo, maawa ka sa amin. 
Panginoon, maawa ka sa amin. 
Panginoon, maawa ka sa amin. 
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami. 
Kristo, pakapakinggan mo kami. 
Diyos Ama sa langit, maawa ka sa amin. 
Diyos Anak, na tumubos sa sanlibutan, maawa ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa amin.
Banal na Trinidad, iisang Diyos, maawa ka sa amin.

Santa Maria, ipanalangin mo kami. 


Santang Ina ng Diyos, 
Santang Birhen ng mga Birhen, 
Ina ni Kristo, 
Inang Puspos ng Biyaya ng Diyos, 
Inang Kalinis-linisan,
Inang Walang Kamalay-malay sa Kasalanan,
Inang Kasakdal-sakdalan,
Inang Walang Bahid,
Inang Pinaglihing Walang Kasalanan,
Inang Kaibig-ibig,
Inang Kahanga-hanga,
Ina ng Laging Saklolo,
Ina ng Mabuting Kahatulan,
Ina ng Maylikha,
Ina ng Mananakop,
Ina ng Banal na Iglesya,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng Dapat Igalang,
Birheng Lalong Dakila,
Birheng Makapangyarihan,
Birheng Maawain,
Birheng Matibay na Loob sa Magaling,
Salamin ng Katuwiran,
Luklukan ng Karunungan,
Mula ng Tuwa Namin,
Sisidlan ng Kabanalan,
Sisidlan ng Bunyi at Bantog,
Sisidlang Bukod ng Mahal na Loob na Makusaing Sumunod sa Panginoong Diyos,
Rosang Bulaklak na 'di Mapuspos ng bait sa Tao ang Halaga,
Tore ni David,
Toreng Garing,
Bahay na Ginto,
Kaban ng Tipan,
Pinto ng Langit,
Talang Maliwanag,
Mapagpagaling sa mga Maysakit,
Tanggulan ng mga Makasalanan,
Mapang-aliw sa mga Nagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga Kristiyano,
Reyna ng mga Anghel,
Reyna ng mga Patriarka,
Reyna ng mga Propeta,
Reyna ng mga Apostol,
Reyna ng mga Martir,
Reyna ng mga Kumpesor,
Reyna ng mga Birhen,
Reyna ng Lahat ng mga Santo,
Reynang Ipinaglihi na 'di-nagmana ng Salang Orihinal,
Reynang Iniakyat sa Langit,
Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo,
Reyna ng kapayapaan,

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


patawarin mo po kami, Panginoon. 
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sandaigdigan,
paka-pakinggan mo po kami, Panginoon. 
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng santinakpan,
maawa ka sa amin. 

N: Ipanalangin mo kami, Reyna ng Kasantu-santuhang Rosaryo; 


L: Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

Manalangin Tayo

O Diyos, na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan ng kanyang buhay, pagkamatay at


pagkabuhay na mag-uli ay ipinagtamo sa amin ang gantimpalang buhay na walang hanggan,
ipagkaloob mo po, isinasamo namin, na sa pagninilay nitong mga misteryo ng kabanal-banalang
Rosaryo ng Pinagpalang Birheng Maria, matularan namin ang kanilang nilalaman, at makamtan
namin ang kanilang ipinangangako. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.

N: Sumaatin nawa ang banal na pagtulong.


L: Amen.
N: Sumalangit nawa ang mga kaluluwa ng mga yumao, sa awa ng Diyos.
L: Amen.
N: Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos: Ama, Anak at Espiritu Santo, lumukob
nawa sa atin at manatili sa atin magpakailanman.
L: Amen.
PRAYING THE ROSARY
Sign of the Cross
In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen.

V: Hail Mary full of grace the Lord is with thee.


R: Blessed art thou among women and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.
V: O Lord, open my lips.
R: And my mouth shall declare Your praise.
V: O God, come to my assistance.
R: O Lord, make haste to help me.
V: Glory be to the Father, and to the Son, and to the Holy Spirit
R: As it was in the beginning, is now, and ever shall be, world without end. Amen.

The Apostles’ Creed


I believe in God, the Father almighty, Creator of heaven and earth, and in Jesus Christ, his only
Son, our Lord, who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary, suffered under
Pontius Pilate, was crucified, died and was buried; he descended into hell; on the third day he
rose again from the dead; he ascended into heaven, and is seated at the right hand of God the
Father almighty; from there he will come to judge the living and the dead. I believe in the Holy
Spirit, the holy catholic Church, the communion of saints, the forgiveness of sins, the
resurrection of the body, and life everlasting. Amen.
The Lord’s Prayer
Our Father, who art in heaven, hallowed be thy name; thy kingdom come; thy will be done on
earth as it is in heaven.
Give us this day our daily bread; and forgive us our trespasses as we forgive those who trespass
against us; and lead us not into temptation but deliver us from evil. Amen.
Hail Mary
Hail Mary, full of grace, the Lord is with you; blessed are you among women, and blessed is the
fruit of your womb, Jesus.
Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners now and at the hour of our death. Amen.
Glory Be
Glory be to the Father, the Son, and the Holy Spirit; as it was in the beginning, is now, and ever
shall be, world without end. Amen.
Fatima Prayer
O My Jesus, forgive us our sins, save us from the fires of Hell and lead all souls to Heaven,
especially those who are in most need of Thy mercy.
The Twenty Mysteries
The Joyful Mysteries
(Monday and Saturday)

1. The Annunciation: The Archangel Gabriel announces to Mary that she shall conceive
the Son of God.
2. The Visitation: Mary visits her cousin Elizabeth, who is pregnant with John the Baptist.
3. The Nativity: Jesus is born.
4. The Presentation: Mary and Joseph present Jesus in the Temple where they meet
Simeon.
5. The Finding in the Temple: After losing Him, Mary and Joseph find young Jesus
teaching the Rabbis in the Temple.
The Sorrowful Mysteries
(Tuesday and Friday)

1. The Agony in the Garden: Jesus sweats water and blood while praying the night before
his passion.
2. The Scourging at the Pillar: Pilate has Jesus whipped.
3. The Crowning with Thorns: Roman soldiers crown Jesus' head with thorns.
4. The Carrying of the Cross: Jesus meets His mother and falls three times on the way up
Calvary
5. The Crucifixion: Jesus is nailed to the cross and dies before His mother and His apostle
John.
The Luminous Mysteries
(Thursday)

1. The Baptism in the Jordan: The voice of the Father declares Jesus the beloved Son.
2. The Wedding at Cana: Christ changes water into wine, his first public miracle.
3. The Proclamation of the Kingdom: Jesus calls to conversion and forgives the sins of all
who draw near to him.
4. The Transfiguration: The glory of the Godhead shines forth from the face of Christ.
5. The Institution of the Eucharist: Jesus offers the first Mass at the Last Supper with his
apostles, establishing the sacramental foundation for all Christian living.
The Glorious Mysteries
(Wednesday and Sunday)

1. The Resurrection: Jesus rises from the dead.


2. The Ascension: Jesus leaves the Apostles and bodily ascends to heaven.
3. The Descent of the Holy Spirit: The Apostles receive the Holy Spirit in tongues of fire
in the upper room with Mary.
4. The Assumption: Mary is taken bodily--assumed--into heaven by God at the end of her
life here on earth.
5. The Coronation: Mary is crowned Queen of Heaven and Earth.
Hail Holy Queen
Hail, holy Queen, Mother of mercy, hail, our life, our sweetness, and our hope. To thee do we
cry, poor banished children of Eve: to thee do we send up our sighs, mourning and weeping in
this vale of tears. Turn then, most gracious Advocate, thine eyes of mercy toward us, and after
this our exile, show unto us the blessed fruit of thy womb, Jesus, O merciful, O loving, O sweet
Virgin Mary! Amen.
Litany of the Blessed Virgin Mary
Lord, have mercy on us.
Lord, have mercy on us.
Christ, have mercy on us.
Christ, have mercy on us.
Lord, have mercy on us.
Lord, have mercy on us.
Christ, hear us.
Christ, hear us.
Christ, graciously hear us.
Christ, graciously hear us.
God the Father of Heaven,
Have mercy on us.
God the Son, Redeemer of the world,
Have mercy on us.
God the Holy Spirit,
Have mercy on us.
Holy Trinity, one God,
Have mercy on us.

Holy Mary, pray for us.


Holy Mother of God, pray for us.
Holy Virgin of virgins, pray for us.
Mother of Christ, pray for us.
Mother of divine grace, pray for us.
Mother most pure, pray for us.
Mother most chaste, pray for us.
Mother inviolate, pray for us.
Mother undefiled, pray for us.
Mother most amiable, pray for us.
Mother most admirable, pray for us.
Mother of good counsel, pray for us.
Mother of our Creator, pray for us.
Mother of our Savior, pray for us.
Virgin most prudent, pray for us.
Virgin most venerable, pray for us.
Virgin most renowned, pray for us.
Virgin most powerful, pray for us.
Virgin most merciful, pray for us.
Virgin most faithful, pray for us.
Mirror of justice, pray for us.
Seat of wisdom, pray for us.
Cause of our joy, pray for us.
Spiritual vessel, pray for us.
Vessel of honor, pray for us.
Singular vessel of devotion, pray for us.
Mystical rose, pray for us.
Tower of David, pray for us.
Tower of ivory, pray for us.
House of gold, pray for us.
Ark of the Covenant, pray for us.
Gate of Heaven, pray for us.
Morning star, pray for us.
Health of the sick, pray for us.
Refuge of sinners, pray for us.
Comforter of the afflicted, pray for us.
Help of Christians, pray for us.
Queen of angels, pray for us.
Queen of patriarchs, pray for us.
Queen of prophets, pray for us.
Queen of apostles, pray for us.
Queen of martyrs, pray for us.
Queen of confessors, pray for us.
Queen of virgins, pray for us.
Queen of all saints, pray for us.
Queen conceived without Original Sin, pray for us.
Queen assumed into Heaven, pray for us.
Queen of the most holy Rosary, pray for us.
Queen of peace, pray for us.

Lamb of God, who takes away the sins of the world,


Spare us, O Lord.
Lamb of God, who takes away the sins of the world,
Graciously hear us, O Lord.
Lamb of God, who takes away the sins of the world,
Have mercy on us.

V: Pray for us, O Holy Mother of God,


R: That we may be made worthy of the promises of Christ.
Rosary Prayer
(Let us pray)
O, God, Whose only-begotten Son, by His life, death and resurrection, has purchased for us the
rewards of eternal life;  grant, we beseech Thee, that, meditating upon these mysteries of the
Most Holy Rosary of the Blessed Virgin Mary, we may imitate what they contain and obtain
what they promise, through the same Christ Our Lord.  Amen.
V: May the divine assistance remain always with us.
R: Amen.
V: May the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace.
R: Amen.
V: May almighty God bless us: Father, Son and Holy Spirit, may He encircle us and abide in us
forever.
R: Amen.

You might also like