You are on page 1of 1

TEVES, JONAH G.

SW - 21
SOSYEDAD AT LITERATURA

"Ang Panitikan sa Panahong Elektroniko"

Kung ating aalalahanin ang kasaysayan ng Panitikan, ating mapapansin, na tunay


ngang ganap na naging malaya, masigla, at progresibo na ito ngayon. Malaya na tayong
nakapaghahayag ng ating mga saloobin. Ang bawat may-akda sa panahon ngayon, ay
naipapahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag gamit ang
mga makabagong teknolohiya (gaya ng website o blog) Sa tingin ko'y, marahil, malaki nga
ang naitulong at nabago ng teknolohiya sa ating panitikan.

Ano nga ba ang mga uri, anyo at katangian ng panitikan mayroon tayo ngayon sa
kontemporaryong panahon?

o Pamamayani ng realismo sa mga manunulat. Naglalahad ang mga manunulat hinggil


sa mga totoong pangyayari sa lipunan.
o Mas ganap na matatapang ang mga manunulat ngayon, sa paglalahad ng mga ideya o
mga kritisismo.
o Aktibismo, Paniniwala o Ideolohiya, Kahirapan - ito ang mga karaniwang paksa ng
mga dula.
o Patuloy ang pagsusulat ng mga tula, maikling kwento, nobela at mga sanaysay sa
ibat-ibang kategorya.
o Ang mga tula ngayon, ay nagpapakita ng tunay na damdamin ng mga Makata.
o Nagkaroon ng iba't ibang pamamaraan ng pagkukwento ng mga maiikling kwento.
o Ang mga paksang dati ay 'di naisusulat, ngayon ay napapansin na.

Mababatid natin na sumasabay ang panitikan sa modernisasiyon ng mundo, sa


pabago-bagong aspekto ng teknolohiya at internet. Ang modernisasiyon na ito, ang
nagpakilala sa mga makabagong anyo at pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba
pang anyo ng panitikan. Bilang isang mag-aaral, nawa'y patuloy nating payabungin ang
ating panitikan, alalahanin ang kasaysayan nito, kahit tayo na ay nasa modernong
mundo. Dahil, ito'y pamana sa atin ng mga sinaunang Pilipino.

You might also like