You are on page 1of 4

IKAW AY DAKILA

TUBIG
Kalinisan sa intension at may mabuting loob. Sa marumi kong
ugali ikaw ang lumilinis sa aking ugali. Ikaw ay nananatiling
ikaw.

PAYONG
Ikaw ay tulad ng isang payong, anumang problema ang
darating, umulan umaraw ikaw ang sanggalan. Tuwing ako’y
nangangailangan ng proteksiyon, ikaw ay lagging nandiyan .
PINTUAN
Tinanggap mo ako ng walang halong pangangamba. Anuman
ang ugali ko’y iyong tinatanggap. Pag ako’y may problema
ako’y iyong pinagbubuksan ng pinto at ako ay iyong
tinutulungan. Ako’y tumutungo sa tamang landas na tila
pintuang lagusan patungo sa tagumpay.
TSINELAS
Dinadala ako patungo sa tagumpay. Ako ay iyong
ginagabayan sa lahat ng pakay, aking tinatahak ang buhay
kasama ka at ako’y di nawawala sa landas na aking
patutunguhan.

BULAKLAK
Kulay..kulay. ikaw ang nagbibigay kulay sa aking buhay. Tila ikaw ay
isang bulaklak dulot mo sa aki’y aliw at ligaya. Sa tuwing buhay ko ay
nawawalan ng kulay lagi kang lumalapit at binibigyan ng kulay.

You might also like