You are on page 1of 3

Higit na makikilala ang isang bansa kung ito ay may wika.

Wika, ito ay ang instrumento ng

pananalita na karaniwang ginagamit sa isang lugar kung saan ang mga tao rito ay nagkakaunawaan. Sa

ating bansang Pilipinas, wikang Filipino ang ating pambansang wika. marami nang pinagdaanan ang ating

wika bago ito mabuo. May mga masusuring pag-aaral na ginawa upang maging istandard na batayan ang

ating wika sa ngayon. Noon, Tagalog ang wika nating pambansa ngunit sa kalaunan ay naging Pilipino at

naging Filipino upang magkaroon ng pagkakakilanlan ang mga taong Pilipino sa aspektong Filipino na

ating wika. Ang wikang Filipino ay ang wikang ating itinatatag. Ito ang naglalapit sa bawat isang Pilipinong

bumubuo sa ating bansa. Ito ang behikulo na maghahatid sa atin sa tugatog ng kaalaman. Ang kaalamang

ito ang magbibigay naman sa ating lahat ng pagkaunawa sa mga pangyayaring napapaloob sa atin.

Wikang Filipino ay wikang panlahat. Ginagamit ang wikang Filipino ng bawat isang Pilipino sa

Pilipinas maging sa ibang bansa sa pakikipag-komunikasyon. Sa pamamagitan nito nagkakaugnay-ugnay

ang bawat isa upang maibahagi ang saloobin, kaalaman at buhay ng isang tao. Ipinapasa mula sa isang

Pilipino sa isa pang Pilipino ang kanyang usapin at ito ang nagiging paraan upang magbuklod at

magkalapit ang mga pusong Pilipino. Wika natin ang tanging maipagmamalaki natin sapagkat ito ang

sariling atin. Binuo natin ito upang maipahayag ang ating kailangang ipahayag. Subalit may mga salita

tayong hinihiram pero ginagawa naman natin itong isang batayan upang maisalin natin sa ating wika. Sa

wikang Filipino tayo umusbong at unti-unting nakilala, bagama’t hindi naiintindihan ng ibang tao, kilala tayo

bilang Pilipino na may wikang Filipino. Wikang Filipino ang nagpalaki sa ating mga buhay. Umiikot ang

buhay natin sa pakikipag-usap sa mga taong nakapalibot sa atin, at sa mga taong papasok pa lang sa mga

buhay natin. Lumalaki ang buhay at lumalawak ang kaalaman natin sa pamamagitan ng pakikipagkapwa

gamit ang sarili nating wika. Dito nagsisimula ang pag-unlad ng ating buhay. Dito tayo hinubog upang

maging isang tunay na Pilipino. Tayo ang tunay na mga Pilipino, wala ng iba pa. Maituturing tayong tunay

kung ginagamit natin ang ating wika at hindi ikinakahiya. Lahat tayo ay binubuklod ng wikang ito. Hindi tayo
magkakaintindihan kung wala tayong sariling wika kaya magiging magulo at magkakawatak-watak tayo.

Simbolo ng kalayaan ang ating wika. Dito natin maiibahagi ang hangarin, saloobin, ang damdamin

sapagkat sa pamamagitan ng sariling wika, ito ang nagiging paraan upang maging malaya.

Sa dinami-dami ng dayalekto sa ating bansa, may mga pagkakataong nagkakatulad at may

pagkakataong magkalayo ang ibig sabihin ng mga salita, hindi ito nagiging hadlang sa atin na

magkaunawaan, sapagkat ang bawat Pilipino ay handang makipa-ugnayan gamit pa rin ang wikang

Filipino. Ito rin ang nagiging paraan upang maging matatag ang mga Pilipino sa kabila ng mga harang ng

dayalekto. Hindi man natin napapansin na binubuklod tayo gamit ang pakikipag-ugnayan sa ating itinatag

na wika.

Wikang Filipino ay ilaw. Ito ang nagpapaliwanag ng daan upang tayo ay magkaintindihan.

Nagsisilbing sulo na gumagabay sa mga hangaring mapabuti ang atin bayang sinilangan. Nagiging

tagapangalaga ng ating nakaraan at kasaysayan sapagkat naitatago nito ang mga ala-ala ng nakalipas sa

pamamagitan ng pagpapasa-pasa ng mga kwento ng ating kasaysayan at nakapaloob sa mga librong

tungkol sa ating bansa. Ito ang nagtuturo sa atin upang sa tamang landas tayo magtungo. Nagpapaalala

ang wika sa atin na kung ano ang dapat nating gawin at maiilabas natin ang kakayahan natin gamit ang

wika. Ang wika ang nag-aaruga sa atin upang tayo ay buuin na maging tunay at walang kapantay na mga

Pilipino sa paraang pagsasanay sa atin na maipahayag ang nararapat. Ito ang nagtuturo sa atin upang

maging matalino tayo at maging maingat sa mga nangyayari sa kapaligiran. Gamit ang wika maimumulat

ang lahat sa mga taong walang muwang sa paligid. Binibigyang liwanag ang mga problema sa mga

pagkakataong makikipag-usap tayo sa mas nakaaalam. Sulo sa pag-unlad nagbibigay-gabay sa araw-araw

sa pakikipag-ugnayan para sa pagkakaunawaan.


Wikang Filipino ay lakas. Ang wika natin ang nagiging boses natin upang maipaglaban ang dapat

na ipaglaban. Ito ang nagbibigay-lakas sa atin sa pamamagitan ng paglalahad ng ating damdamin sa

pagsasalita at pagsulat. Sa pagbibigay-lakas ng wika natin, ginigising ang ating damdamin sa mga

aligasyon at kaguluhan at nagiging mapagmatyag tayo sa mga pangyayari. Nagsisilbing moog at sandalan

ang wika sapagkat wika ang nagiging panlaban at pananggalang natin sa mga kaaway upang maipahayag

ang tama at sila ay magapi at matanto nila ang nararapat.

Sa pagsasama-sama ng lahat ng ito, ilaw at lakas, higit na magkakaroon ng kapayapaan. Mas

magkakaroon ng posibilidad na umunlad tayo, sa isip, sa salita, at sa gawa. Mas kakikitaan tayo na

nagkakaisa sa iisang hangaring magamit ang ating wika sa paggapi sa masasama. At humantong ang

lahat sa tuwid na landasin. Ngunit kung sa wika lang tayo sasandal, walang mangyayari, kikilos din dapat

tayo. Sa apat na letrang W-I-K-A, lalakas ang pwersang bumabalot sa ating mga katawan na naglalayong

maging mapayapa at masaya ang buhay natin bilang mga Pilipino. Ako, ikaw, tayo ay Pilipino na

gumagamit ng wikang naging daan sa pagkakaisang nagkakaunawaan. Ito ang wikang Filipino. Kasabay

ng pagkilos, wikang Filipino ay ang wikang panlahat sa paglutas ng problema, sa pag-unlad tungo sa

tamang landas.

You might also like