You are on page 1of 3

Ang bayani ay isang ordinaryong tao lamang ngunit may kakaibang buhay.

Tulad ni
G. Benigno Aquino, Jr., na mas kilala sa tawag na Ninoy, ay isang bayaning maituturing
sa buhay ng mga Pilipino noon at ngayon. Siya nga ang Wonderboy ng ating bansa.
Noong una, hindi ko nakikilala ang isang Benigno Aquino, Jr. hanggang sa
ipagdiwang niya ang araw ng kanyang ika-28 na taon ng pagkamatay. Nakikita ko lamang
siya sa mga damit at ang simbolo niya ay ang dilaw na laso. Yun lang ang pagkakakilala
ko sa kanya. Siguro, kaya hindi ko siya kilala dahil nakalipas na nga naman.
Bayani nga pala si Ninoy. Isang matapang, makabayan, may paninindigan at
simpleng modelo sa bawat isa. Sa mga panahong iyon, siya ang naging pinakamatalik na
kalaban ng dating Presidente Marcos at ng kanyang administrasyon. Sa mga anomalyang
ibinulalas ni Ninoy, nalaman ng mga tao ang mga plano ni Presidente Marcos. At
hanggang sa siya’y pumanaw, nagpatuloy pa rin ito sa mga tao at sa kanyang asawa na si
Gng. Corazon Aquino.
Magandang halimbawa talaga si Ninoy sa mga tao sapagkat siya ay naglalayon na
magkaroon ng pagkakaisa ang mga tao para magkaroon ng kapayapaan. Hindi siya
umuurong sa anumang laban kung saan ipinaglalaban niya ang tama.
Sino nga ba namang tao ang maglalakas-loob na gumawa ng tama kung ang
kinakalaban mo ay mas makapangyarihan kaysa sa iyo? Sa ilang mga naging paratang at
mga parusa ng panig ni Marcos kay Ninoy, tulad ng pagsabog sa Plaza Miranda na siya
raw ang dahilan kaya siya nakasuhan ng pagpatay, maling paggamit ng mga armas, at ng
subersyon. Nakulong pa siya, ginutom, inilayo sa kanyang pamilya, kasama ng mga tutol
sa mga balak ng Pangulong Marcos, ng ilang buwan na nagdulot sa kanya ng
pagkakasakit. Ngunit hindi pinurol ng lahat ng iyan ang kanyang pag-iisip.
Kitang- kita sa mga alok ni Pangulong Marcos sa kanya na mali nga si Marcos,
sapagkat pinipigilan niya si Ninoy na magsabi ng mas marami pang katotohanan sa
madla na ikatatalsik niya sa pwesto bilang Pangulo kapag bumalik si Ninoy sa Pilipinas.
Siguro, siya ang naging ugat ng pagkamatay ni Ninoy pagbaba ng eroplano matapos
magpagaling sa Amerika. Pero sino nga ba ang makapagsasabi kung sino ang dahilan ng
pagkamatay ng isang Ninoy na sana’y siya ang simula ng pag-angat ng ating bansa?
Sa kanyang mga punlang itinanim sa mga buhay natin, sa buhay ng bawat isa,
tanungin natin ang ating sarili kung lumaki ba at yumabong ang punlang naitanim sa atin
o nanatili na lang sa pagiging buto na walang bunga ni isa. Oo, naipagpatuloy siya ng
kanyang asawa at ng angkan niya at patuloy na mabubuhay sa bawat henerasyon. Sa
parte ng buhay natin, minsan ba naging isang Ninoy din tayo kahit sa simpleng bagay?
Ako, kakayanin ko para sa kanya!
FIL 10 – A20
Q1 2011-2012
MARKA

TAKDANG ARALIN BILANG 2


“PARA SA SUSUNOD NA NINOY”
( Isang reaksyon sa palabas na NINOY SA PUSO NG PINOY )

OBLENA, ADRIAN DAYO/ CHE/ 1


PANGALAN/ PROGRAM/ YEAR

PROF. JOSE SONNY SORIANO


PROPESOR

Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan

Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Filipino ay ang salitang


"nabansot." Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito'y tumigil na sa
paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang
pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.
Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang
paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang.
Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-
iisip naman nati'y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man
tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo
nama'y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung
magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay
Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama'y itim na duwende ng kasamaan-anong
kapinsalaan para sa kinabukasan.

Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang
maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng
kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang
taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik.
Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang
pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral
ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad
sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit,
makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating
balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing
makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng
bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.

Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa


tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng
gawa.

You might also like