Professional Documents
Culture Documents
Church Songs
Church Songs
i
sa panahong tigang ang lupa
sa panahong ang ani sagana
sa panahon ng digmaan at kaguluhan
sa panahon ng kapayapaan
sa hapag ng panginoon
buong bayan ngayo'y nagtitipon
upang pagsaluhan ang kaligtasan
handog ng diyos sa tanan
ii
ang mga dakila't dukha
ang banal at makasalanan
ang bulag at lumpo
ang api at sugatan,
ang lahat ay inaanyayahan
sa hapag ng panginoon
buong bayan ngayo'y nagtitipon
upang pagsaluhan ang kaligtasan
handog ng diyos sa tanan
iii
sa aming pagdadalamhati
sa aming pagbibigay puri
anu pa mang pagtangis hapo't pasakit
ang pangalan nya'y sinasambit
sa hapag ng panginoon
buong bayan ngayo'y nagtitipon
upang pagsaluhan ang kaligtasan
handog ng diyos sa tanan
coda
upang pagsaluhan ang kaligtasan
handog ng diyos sa tanan
SAYO LAMANG
Puso ko’y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako’y iyo habang-buhay
Aanhin pa ang kayamanan
Luha’t karangalan
Kung ika’y mapasa-akin
Lahat na nga ay kakamtin
CHORUS
Sa ‘yo lamang ang puso ko
Sa ‘yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
Tangan kong kalooban
Sa iyo’y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa ‘yo
CHORUS
Sa ‘yo lamang ang puso ko
Sa ‘yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
(Sa ‘yo lamang ang puso ko) Sa ‘yo lamang
(Sa ‘yo lamang ang buhay ko)
Hoh, kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
PANANALIG
Sa puso kong umiibig
Walang nananaig
Kundi yaong pananalig
Sa sintang iniibig
Koro:
Mapapalad, Panginoon, ang abang katulad Mo.
Mapapalad, Panginoon, ang abang katulad Mo.