You are on page 1of 24

Filipino sa Piling Larang

(Teknikal-Bokasyunal)
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Promo Materials
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

SENIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Laureen B. Aguilar


Co-Author - Content Editor : Donna T. Santos - Villanueva
Co-Author - Language Reviewer : Donna T. Santos - Villanueva
Co-Author - Illustrator : Laureen B. Aguilar
Co-Author - Layout Artist : Laureen B. Aguilar

Team Leaders:
School Head : Soledad V. Llarina
LRMDS Coordinator : Jerome C. Matic

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Jerome C. Matic

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
(Teknikal-Bokasyunal)

Ikalawang Markahan – Modyul 3:


Promo Materials
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Teknikal-


Bokasyunal) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Promo
Materials.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal) ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Promo Materials!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang maglahad ng kaalaman


hinggil sa Promo Materials na isang anyo ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin na
maaari mong magamit kaugnay ng iyong piniling larangan.

Sa modyul na ito ay mas mapapalalim ang iyong pang-unawa at pagkakakilala


sa Promo Materials bilang isang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin.

Ang karunungan dulot ng modyul na ito ay higit na magiging kapaki-


pakinabang sa iyo sa mga susunod pang panahon. Maaaring ito ay sa kolehiyo,
trabaho o sa negosyo man.

Inaasahang magiging makabuluhan at katanggap-tanggap para sa mga mag-


aaral ang mga gawain na magdadala sa ganap na pagkatuto.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na


paggamit ng wika (CS_FTV11/12WG-0m-o-95)
a. naiisa-isa ang mga konsepto sa paggawa ng promo materials;
b. nakasusuri ng isang halimbawa ng promo materials; at
c. nakagagawa ng promo materials batay sa mga nararapat isaalang-alang
sa pagbubuo nito.

1
Subukin

Panuto: I. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. Gumagamit ng infograpiko sa pagbuo ng Promo Materials.


2. Kung alam na ang serbisyo o produkto na ibebenta, madali na ang paggawa
ng Promo Materials. Hindi na kinakailangan pang isipin ang iba pang aspeto
ng negosyo.
3. Ang dami ng produkto o serbisyo na kayang ibenta sa merkado ay tinatawag
na demand.
4. Ang profit ay halagang kinita sa negosyo.
5. Makatutulong ang promo materials sa pagpapakilala ng produkto man o
serbisyo ang inaalok sa merkado.
6. Mas mahalagang isaalang-alang ang merkado kaysa produkto o serbisyo sa
pagbuo ng Promo Materials.
7. Ang kauna-unahang hakbang sa pagbuo ng Promo Materials ay ang mga
larawan o imahe na ilalagay rito.
8. Mahalagang gamitan ng mga mapanghikayat na mga salita.
9. Ang mga patalastas o komersyal sa telebisyon ay isang halimbawa ng Promo
Materials.
10. Ang pamimigay ng mga aytem na may pangalan ng produkto, serbisyo o
negosyo ay isang paraan ng pagpapakilala sa mga ito.

Panuto: II. Pagtapat-tapatin ang magkakasingkahulugan na kaugnay ng konsepto


ng Promo Materials. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

11. Hinihingi a. Demand

12. Kita b. Market

13. Pagtustos c. Needs

14. Pangangailangan d. Profit

15. Merkado e. Supply

2
Aralin

1 Promo Materials

Malaki ang tungkuling ginagampanan ng Promo Materials sa mundo ng


kalakalan. Nagiging mabisa ito sa paggamit ng mga salita at imaheng umaagaw sa
pansin at tumatatak sa isipan ng mga mamimili.

Ginagawa ang Promo Materials upang ipakilala ang produkto o serbisyong


inaalok sa mga tagatangkilik.

Mahalagang lubos na matutuhan ang mga bagay kaugnay ng Promo Materials


na magagamit sa hinaharap batay sa landas na tatahakin. Maaaring sa kolehiyo,
trabaho, negosyo at maging sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Balikan

Bilang pagbabalik-aral sa nakaraang mga aralin.

Panuto: Ipaliwanag ang promo materials sa sariling pananalita. Isulat ang sagot sa
isang buong papel.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pamantayan 5 3 2 Iskor

Nilalaman Malinaw, Makabuluhan Kailangang


ng Pahayag wasto at ang pahayag baguhin at
makabuluhan ngunit may linawin
ang pahayag bahaging ang
kailangang pahayag
linawin

3
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay magbibigay ng sapat na kaalaman sa mga
mag-aaral upang makabuo ng Promo Materials. Matututuhan rito
ang mga hakbang at ang mga konseptong kaugnay sa pagbuo ng
promo materials.

Tuklasin

Halina’t subukin ang sumusunod na gawain.


Panuto: Magtala ng mga tagline ng mga kilalang kompanya o Negosyo.

Kompanya/ Negosyo Tagline

1.

2.

3.

4.

5.

4
Isa ang tagline sa mga kinakasangkapan ng mga Promo Materials upang mas
tumatak sa isipan ng mga tao/posibleng mamimili ang mga produkto o serbisyong
inaaalok.

Suriin

Ano-ano ang mga bagay ikinokonsidera bago mabuo ang isang tagline,
komersyal at iba pang uri ng Promo Materials na ito?

Halina’t aralin ang mga ito.

Limang na Konseptong na Kaugnay sa Promo Materials


1. Produkto at Serbisyo – mga produkto o serbisyo na inaalok sa isang negosyo.
2. Ang Merkado o Market – target na mamimili na may pare-parehong interes
at pangangailangan na napapaloob sa isang natatanging lugar.
3. Pangangailangan o Needs- ay mga produktong serbisyong kailangan ng mga
tao sa partikular na lugar.
4. Hinihingi o Demand – dami ng produkto o serbisyo na hinahangad na kayang
gastusan ng mga tao sa isang partikular na lugar.
5. Pagtustos o Supply- dami ng produkto na kayang ibenta sa mercado.
6. Kita o Profit- kabuuan na halagang pumasok sa negosyo kapag tinanggal na
ang halaga ng puhunan o mga ginastos sa pagbuo ng produkto o serbisyo. Ito
ang halagang pakinabang o tinutubo sa negosyo.

Bakit kinakailangang isaalang-alang ang limang konsepto na kaugnay ng


Promo Materials?

Una, kinalailangang angkop ang nilalaman o ang mismong Promo Materials


sa produkto o serbisyo na gagawan nito, upang higit na tumatak at pumatok sa mga
tagatangkilik.
Ikalawa, mahalagang isaalang-alang ang merkado o market upang maging
angkop ito sa mga target na mamimili.
Halimbawa: Kung kabataan ang target na tatangkilik ng produkto o
serbisyo, kinakailangang maging kahali-halina ang Promo Materials
sa kanila. Kailangang sumabay ito sa kanilang interes at kawilihan.
Ikatlo, mahalaga ring nakabatay sa pangangailangan o needs; hinihingi o
demand; at pagtustos o supply. Dahil dito nakadepende ang kita o profit sa pagpili
ng klase ng promo materials kung kayang gastusan nang malaki ang gagawing Promo
Materials.

5
Halimbawa: Kung maliit lang ang kita o profit gumamit ng promo materials na
hindi kailangang gastusan ng malaki, tulad ng brochure, packaging at
posters; maaari ring gamitin ang cellphone sa pamamagitan ng texts o
tawag; at internet o pag-post sa social media.

At upang makapili pa ng nararapat na gamitin narito ang mga uri ng Promo Materials

Iba’t ibang uri ng Promo Materials


1. Nakalimbag
a. Magasin at Dyaryo- naaabot ang mga espisipikong subscriber ng
magasin at dyaryo upang maipakilala ang produkto o serbisyo.
b. Brochure, Packaging at Posters-isa sa mga mabisang paraan na
hindi kinakailangang gastusan ng malaki. Maaaring mailagay ang
kumpletong impormasyon ng produkto at serbisyo.
c. Billboard- mainam ding paraan ng pagpapakilala ng produkto o
serbisyo. Madalas na umaagaw ng pansin sa mga tao. Kadalasang mas
naglalaman ng mga imahe upang mas maagaw ang tingin ng mga
posibleng mamimili
2. Electroniko
a. Telebisyon- komersyal na naririnig at napapanood.
b. Radyo- komersyal na naririnig.
c. Internet at Cellphone- sa pamamagitan ng mga mensaheng
natatanggap hinggil sa inaalok na produkto at promo.
3. Iba pang pamamaraan
a. Promo o Regalo- pagbibigay ng mga aytem tulad ng mga ballpen,
t-shirts, kalendaryo at iba pa na may nakalimbag na nagpapakita
nginyong mga produkto at pangalan ng kompanya

Ang Hakbang sa Pagbubuo ng Promo Materials

1. Tukuyin ang layunin ng promotion.


2. Isaalang-alang ang mga target na merkado.
3. Umisip ng mabisang estratehiya na pupukaw o tatawag ng pansin ng
mga mamimili. Mas unique o kakaiba, mas pumapatok.
4. Pagplanuhan ang lalamanin ng kabuuan ng Promo materials.
5. Gamitan ng mga salitang makahihikayat sa merkado. Maging maingat sa
pagpili ng mga salitang gagamitin. Tiyaking wasto ang gamit ng mga
salita at madaling unawain.
6. Pagtuunan ng pansin ang imahe o larawan na gagamitin. Malaki ang
ginagampanang papel ng mga ito sa mga Promo Materials.

6
Pagyamanin

Panuto: Sa sariling pananalita, ipaliwanag ang mga konseptong kaugnay ng Promo


Materials.

1. Merkado ______________________________________
__________________________________________

__________________________________________

2.

Needs ______________________________________

__________________________________________

__________________________________________

3. Serbisyo ______________________________________

__________________________________________

__________________________________________

4. Produkto ______________________________________

__________________________________________

__________________________________________

7
Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan 5 3 2 Iskor

Nilalaman Malinaw , Makabuluhan Kailangang


ng Pahayag wasto ang ang pahayag baguhin at
gamit ng mga ngunit may linawin
salita at bahaging ang
makabuluhan kailangang pahayag
ang pahayag linawin

Isaisip

Panuto: Ibigay ng hinihingi sa bawat bilang.

1. Kung ang Promo Materials ay isang produkto o serbisyo, bumuo ng


makabuluhang tag line para dito.

8
2. Bumuo ng makabuluhang lyrics ng kanta na may apat na linya na kaugnay
ng Promo Materials. Maaaring isunod sa himig ng kanta sa iyong paboritong
komersyal sa telebisyon.

Pamantayan sa Pagmamarka

PAMANTAYAN NASAGAWA NANGANGAILANGAN


NG MAAYOS PA NG PAGSASANAY

1. Maingat, wasto, at 5 3
angkop na
paggamit ng wika
2. Naglalaman ng mga 5 3
wastong impormasyon.
3. Ginamitan ng mga 5 3
naaangkop na larawan
Kabuuan 15

9
Isagawa

Panuto: Pumili ng isang patalastas o komersyal sa telebisyon na nais mong suriin.


Isulat sa sagutang papel.

Gabay na Tanong:

1. Anong bahagi ng komersyal ang unang umagaw sa pansin mo?


2. Ano ang tumatak sa isip mo kapag naririnig mo ang pangalan ng produkto
na iniendorso?
3. Nakahihikayat ba ang komersyal na tangkilikin ang produkto iniendorso?
4. Sapat ba ang komersyal na ginawa para sa iyo? Ipaliwanag.
5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang komersyal. Anong aspeto
nito ang babaguhin mo? Imahe, tagline, kabuuan ng pahayag o model? Ano
ang ipapalit mo?

_________________________________

Produkto o Negosyong Iniendorso


1. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

2. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

3. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

4. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

5. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

10
Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga katanungan kaugnay ng halimbawang Promo Materials.


Isulat ito sa sagutang papel.

11
1. Anong uri ng ito ng Promo Materials?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang produkto, serbisyo o negosyong iniendorso?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Sino ang target na merkado?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, nakahihikayat ba ang Promo Material na ito? Patunayan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Para sa iyo, unique ba nag Promo Material na ito? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan 5 3 2 Iskor

Nilalaman Malinaw , Makabuluhan Kailangang


ng Pahayag wasto ang ang pahayag baguhin at
gamit ng mga ngunit may linawin
salita at bahaging ang
makabuluhan kailangang pahayag
ang pahayag linawin

12
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili sa sumusunod na Promo Materials. (Umisip ng possible mong gawing


produkto o serbisyo sa panahon ngayon upang makatulong sa pagbangon sa
pinansyal mula sa dulot ng pandemya.) Gawin ito sa short bond paper.

1. Brochure
2. Packaging
3. Poster o mini billboard

13
Ihanda ang sumusunod na kagamitan sa paggagawa ng Promo Material na napili.
Kung wala ang mga ito, maaaring gamitin ang pagiging malikhain at gumamit ng
anomang bagay na mayroon sa loob ng tahanan.

1. Short bond paper


2. Lapis at pambura
3. Krayola o anomang pangkulay
4. Gunting at Pandikit (kung kailangan)

14
Pamantayan sa Pagmamarka

PAMANTAYAN NASAGAWA NANGANGAILANGAN


NG MAAYOS PA NG PAGSASANAY
4. Mahusay ang mga
gamit ng salita at
walang kamaliang 10 6
gramatika.
5. Maayos at maganda
ang presentasyon. 5 3
6. Unique o Kakaiba 5 3

7. Nanghihikayat 5 3
8. Ginamitan ng mga 5 3
naaangkop na larawan
Kabuuan 30

15
16
Tayahin:
1. Nakalimbag o
Poster
2. Pat’s Palabok
Foodhouse
Karagdagang 3. Mga pet lovers
na nag-aalaga Isaisip:
Gawain:
ng aso na Isagawa:
Depende sa mahilig
Depende sa sagot ng 1. Depende sa
Pamantayan sa kumain sa
mag-aaral pamantayan sa
Pagmamarka labas pagmamarka
4. Depende sa
saot ng mag-
aaral.
5. Depende sa
sagot ng mag-
aaral.
Tuklasin: Balikan: Subukin:
Depende sa sagot Depende sa 1. T
Pagyamanin: ng mag-aaral Pamantayan sa 2. M
Pagmamarka. 3. M
Depende sa
4. T
pamantayan sa
5. T
pagmamarka
6. M
7. M
8. T
9. T
10. T
11. A
12. D
13. E
14. C
15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Christian George C. Francisco, et.al. 2017. Filipino sa Piling Laranagan.Rex Book


Store, Inc. Unang Limbag. 856 Nicanor Reyes Sr. St., Sampaloc, Manila.
Santos, C. and Perez, A. 2016. Filipino sa Piling Larang – Tech-Voc Kagamitan ng
Mag-aaral. Unang Limbag. Pasig City.Kagawaran ng Edukasyon

Infoentrepreneurs.2015. Mga Paraan Kung Paano I-promote Ang Iyong Produkto o


Serbisyo. [online] mula sa
<https://m.infoentrepreneurs.org/~/media/Files/AutresLangues/Tagalog/Facons de promouvoir
votre produit ou service_ta.pdf> [binuksan noong 13 October 2020]

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like