You are on page 1of 1

Makaimpluwensyang Wika

Ang Pilipinas noon ay walang Kalayaan dahil sa pananakop ng Espanya, Amerikano at


Hapon. Dahil dito ang ating kauna-unahang wika na Baybayin ay unti-unting nababago
at nahaluan ng iba’t ibang wika galling sa mga sumakop dito. Nang makamit ng
Pilipinas ang kalayaan, mas lalo pang pinaigting ang kahalagahan ng ating sariling
wika. Puspos natin pinahalagahan ang wikang Filipino. Bagamat ang Pilipinas ay may
iba’t ibang wika at wikain tulad ng Cebuano, Ilocano, Waray, Bikol at iba pa, tayo ay
nagkakasundo pa din at nagkakaintindihan gamit ang wikang Pambansa na Tagalog na
itinuturo sa lahat ng paaralan sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng
pagkakaunawa ang mga Pilipino.

Bilang isang Pilipino, ang wikang Filipino ay mahalaga sa ating mamayan dahil
nangangahulugan ito ng kalayaan. Kung mahal mo ang iyong sariling bansa, natural
lamang na bigyang halaga ng isang indibidwal ang kanyang wikang Pambansa. Ang
wikang Filipino ay sumisimbulo sa ating kultura kung sino at ano tayo. Sa pamamagitan
ng wikang Pambansa nagkakaroon ng komunikasyon para magkaintindihan ang bawat
isa. Ang wika ay maaring masalin gamit ang pagsusulat at pagsasalita, nang dahil dito
ang mga kasulatan ng ating mga ninuno ay naipasa sa ating henerasyon at nagkaroon
tayo ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Napupuno tayo ng karunungan na mas lalo
pa natin pinalawak at inintindi.

Tunay nga na ang wika ay nagbabago dahil sa henerasyon ngayon na labis na


pinagaaralan at ginagamit na pakikipagtalastasan sa mga tao. Sa pagaaral at
pagsapuso ng ating wikang Pambansa, magiging makapangyarihan ito at maaring
gamiting susi para sa kaunlaran ng bansa. Bilang isang Pilipino, ang pakikipagugnayan
sa ating mamayan gamit ang sariling wika ay nangangahulugang mahal mo ang iyong
bansa. Ang damdamin, karunungan at pagmamahal ng kapwa kababayan ay isang
pribilehiyo na makapagunawa sa bawat isa.

You might also like