You are on page 1of 1

Casibang, Kassandra Chelsea BSA 2-1

Gaano kahalaga ang komunikasyon sa iyong napiling propesyon?

Ang komunikasyon ay isang proseso na nakakatulong sa atin na makipagbigayan ng


impormasyon. Ito ay araw-araw natin ginagamit kahit saan mapa personal man o sa paggamit
ng telepono o teknolohiya. Sa panahon ngayon, ang pakikipagkomunikasyon ay napakadaling
gawin dahil sa telopono lalong lalo na sa mga kabataan na araw-araw gumagamit nito para
makipagusap sa mga kaibigan nito. Masasabing ang komunikasyon ay importante para
magkaroon ng koneksyon sa iba’t ibang tao.

Ang kurso kong Batstilyer sa agham ng pagtutuos ay nangangailangan ng mataas na abilidad


ng pakikipagkomunikasyon dahil sa kursong ito kailangang unawain ng kritikal ang mga
dokumento para maipahayag ito ng tama. Mapanuring pagbabasa at pagsulat ng mga
dokumento ay importante upang mailathala ng maayos ang mga ito. Ang
pakikipagkomunikasyon din sa kliyente ay importante para puspos nilang maintindihan ang mga
mahihirap na salita at lalong ding maintindihan kung anong kalagayan ng kanilang suliranin.
Kung ang isang tao ay may maayos na pakikipagkomunikasyon sa mga katrabaho, mas
maipapahayag nila ng maayos at tama ang mga impormasyon sa kanila.

Sa tulong ng komunikasyon, nagkakaunawaan ang mga tao at nagkakaroon ito ng maayos na


sitwasyon sa isa’t isa. Kung ito ay magkaroon man ng di pagkakaunawaan mas mabuti na
linawin ito agad para hindi na lumala pa. Komunikasyon ay nakakatulong satin para
pakisamahan ang iba’t ibang tao. Dahil dito ang pagsasalin ng mga isyu, opinion, at kung anu-
ano pa ay mabilis na kumakalat at napaguusapan.

You might also like