You are on page 1of 2

Inang sa akin nagmahal at nagsilang

Mga pangaral niya kailanma'y hindi nagkulang

Mula kabataan ko't kamusmusan

Siya'y nanilbihan at nanindigan

Bawat sandali ng aking buhay

Siya'y nakaagapay

Bawat hakbang man, siya'y nakabantay

Madapa man ako, siya ang karamay

O! Anung lungkot ang aking nadama,

Nang paglaruan ako ng tadhana,

Tadhana nga ba o sariling kagustuhan?

O sadyang aking kapalaran.

Isa kang napakahalagang nilikha sa mundo

Dakila kung ituring ng lahat ng tao

Bakit ko pa nanaising malayo sa piling mo?

Kung prensesa ako sa sariling mong palasyo.

Ikaw ang taong nakalaan

Upang patnubayan ang tatahaking daan

Ngunit ako'y nasaktan at naguluhan

Kapangahasan ang tanging naging dahilan


Ako ngaba ang dahilan,

Nang lahat ng 'yung kahirapan?

Kailangan ko pa bang pagdusahan,

Ang lahat ng aking kamalian?

Bakit hindi ako makawala?

Nais kong maging malaya.

Hangad kong maging masaya't mapayapa,

Tunay nga'ng buhay ay puno ng pagdurusa.

You might also like