You are on page 1of 1

Claire Fuerte 8-Amity

Output 4
Magandang buhay sainyo aking kapwa mag-aaral. Ako po ay
naririto upang ipahayag kung paano natin maisasakatuparan ang
bansag sa atin bilang pag-asa ng bayan. Ang kaisipang “Ang mga
kabataan ang pag-asa ng bayan” ay nanggaling sa ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa panahong ngayon ay
madaming hindi naniniwala sa kaisipang ito dahil narin sa mga
nakikita nila sa balita at sa ating pagkikilos bilang kabataan. Kaya
ako narito ako sa inyong harapan upang patunayan sa ating mga
kapwa na tayong mga kabataan ang magiging pag-asa ng bayan.

Sa panahon ngayon marami sa mga kabataan ang nawawala sa


tamang daan ngunit hindi naman lahat. Ang ibang mga kabataan ay
pinapatunayang tayo’y pag-asa ng bayan tulad na lang ng mga
kabataang tumulong sa mga nasalanta ng bulkang taal.
Inaanyayahan ko kayong mga kabataan na smali o maghandog ng
tulong sa mga ibang kabataan o mga tao na nawala sa tamang
landas at itinatawag ko ang programang ito na “Tulong Kabataan”.
Ito’y may layuning ipamalas ang ating kakayahan bilang kabataan
na tumulong sa mga taong nawala sa tamang landas tulad na lang
ng mga nasasangkot sa mga krimen tulad ng droga, pagnanakaw at
iba pa. Sa programang ito ay may hangaring mag bigay ng tulong
sa mga kabataang gustong mag-aral ngunit walang pagakataon
dahil na rin sa hirap ng buhay.

Sa kabuuan ang “Tulong Kabataan” ay isa sa mga magiging dahilan


upang maayos ang buhay ng bawat kabataan. Dahil ito’y
makakatulong sa mga taong nawalan ng liwanag sa buhay. Isa rin
ito sa makakatulong sa pag-uunlad ng edukasyon na napakahalaga
sa mga tao lalo na sa kabataan dahil dito nakasalalay ang kanilang
kinabukasan. Ito din ay makakatulong sa pagkamit ng iba’t-ibang
mga kabataan. Sana po ay makilahok at tumulong kayo sa
programang ito dahil tayo’y iisa ang lahi at tunay na dapat
magtulungan.

You might also like