You are on page 1of 1

Wika ang pangunahing nagbubuklod sa lipunan.

Sa
pamamagitan ng wika naipapaabot ng isang mamamayan
ang kanyang saloobin sa kapwa. Ngayon, higit kailanman,
kailangan ng bawat isa ang pagkakakaisa. Sa panahon ng
pagsubok na tulad ng nangyayari sa kasalukuyan,
kailangan na ang bawat isa sa ating lipunan ay magsalita
ng iisang wika – iisang tema – tema ng paggaling at
tagumpay sa panahon ng pandemya. Ipinapaalala ng
nakaraan na ang pagkakaroon ng kanikaniyang wika ay
nagdulot ng kasawian sa nakaraan. Ang hindi
pagkakaroon ng iisang wika ay naging balakid sa
tagumapay ng ating bansa. Sa kabilang banda ang pag-
usbong ng wikang Pilipino ang hudyat ng pagkakaisa ng
bansang Pilipinas at ang sabayang pag-angat ng
mamamayan. Sang-ayon sa nakaraan, mangyari nawa na
sa kabila ng mga namumutawing magkakaibang wika sa
ating bibig, naway magkaroon din tayo ng iisang wika
patungkol sa ating paggaling at pagbangon sa
kasalukuyang dagok na sumasaatin sa mga panahong ito.
Maraming maraming salamat po at mabuhay tayong
lahat. Mabuhay ang bansang Pilipinas.

You might also like