You are on page 1of 3

Cempron, January Joy P.

Pebrero 21, 2011


FIL44-E Iskor:

K-12 Education
Negatibong Panig

Pabor ba ako sa inihahayag ng karamihan ngayon tungkol sa K-12? Ang sagot


ko ay hindi. Hindi, dahil karamihan sa mga kabataan ngayon sa ating panahon ay hindi
nagawang makapag-aral dahil sa kakulangan sa pera para sa pantustos sa pag-aaral. Ni
pambili nga ng pagkain ay kulang pa, pang-edukasyon pa kaya? Hindi na dapat dagdagan pa
ng ilan pang taon ang pag-aaral ng mga kabataan ngayon dahil sapat na ang kaalaman na
kanilang natutunan. Ang ilan nga, nakapagtapos ng may karangalan ngunit ang kanilang
bagsak din ay sa mga “call center” at ilan pang trabahong hindi linya ng kursong kanilang
tinapos. Ano pa ang silbi nang karagdagang edukasyon kung diyan din lang patungo
pagkatapos ng pagsisikap na mag-aral?
Ayon sa mga opisyalis ng DepEd, hindi ito mangyayari hanggang nasa kanyang
termino pa si Pangulong Aquino hanggang 2016. Ang karagdagan na dalawang taon ay
maaring hindi sagot sa “quality education system” ng Pilipinas. Kung magdaragdag ng ilang
taon ay karagdagan din ito ng mga bayarin sa paaralan na maaring maging dahilan sa hindi
pagpapatuloy ng estudyante sa kanyang pag-aaral.Ang tanong, ang karagdagang dalawang
taon ba sa pag-aaral ay isang kasiguraduan na ang mga nakapagtappos ay makakapag-
trabaho pagkatapos ng “graduation”? Kung hindi, ang DepEd dapat ang magpalago sa kung
anong meron tayo at hindi na dapat dagdagan ang problema sa edukasyon.
Sa huli, ang edukasyon ay nakasalalsy lamang sa pagsisikap ng isang tao para
sa kanyang magandang kinabukasan kaya maaring hindi na pwedeng dagdagan pa ang
gastos para sa pag-aaral.
Cempron, January Joy P. Pebrero 21, 2011
FIL44-E Iskor:

K-12 Education
Positibong Panig

Pabor ba ako sa inihahayag ng karamihan ngayon tungkol sa K-12? Ang sagot


ko ay oo. Oo, dahil karamihan sa mga kabataan ngayon sa ating panahon ay nagsiskap na
makapagtapos ng pag-aaral para mapag-handaan ang magandang kinabukasan. Ayon sa
pelikulang aking napanuod, ang pag-aaral ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan.
Maaring walang sapat na pera pero maari itong mahanapan ng paraan. Ang karagdagang
taon sa pag-aaral ay magsisilbing tulay para sa pakikipagsabayan sa napaka-kompititib na
laro sa totoong buhay. Advantage ito para sa isang estudyante dahil napapakita niya kung
anong kakayahan meron siya sa ibat-ibang larangan. Dapat dagdagan pa ng ilan pang taon
ang pag-aaral ng mga kabataan ngayon dahil hindi pa sapat ang kaalaman na kanilang
natutunan. Ang ilan na nakapagtapos ng may karangalan ay sa isang magarbong opisina
nagtatrabaho gaya ng ating mga pangarap. Maaring hindi linya ang kursong natapos ngunit
isa na rin itong susi para makamit natin ang ating mga pangarap.
Ayon sa mga opisyalis ng DepEd, hindi ito mangyayari hanggang nasa kanyang
termino pa si Pangulong Aquino hanggang 2016. Pero ang karagdagan na dalawang taon ay
maaring sagot sa “quality education system” ng Pilipinas. Kung magdaragdag ng ilang taon
ay karagdagan din ito ng mga bayarin sa paaralan na maaring maging dahilan sa hindi
pagpapatuloy ng estudyante sa kanyang pag-aaral. Pero ang bawat problema ay may lunas.
Sa huli, ang edukasyon ay nakasalalsy lamang sa pagsisikap ng isang tao para
sa kanyang magandang kinabukasan kaya maaring hindi na pwedeng dagdagan pa ang
gastos para sa pag-aaral.

You might also like