You are on page 1of 2

The adventure of the poor prince part 1

Isang araw mula sa malayong lugar may isang


Lalaki na natutulog sa gitna ng bukid. Sa
pagising niya may narinig siyang boses sa
kanyang isipan “sigurado ka ba sa ginagawa
mo?” Ngumiti lamang ang lalaki at naglakad
patungong Bayan. Pag dating niya sa bayan ay
nakadama siya ng gutom at pagod. Kaya
naman nagtungo siya sa isang mamahalin
kainan kung saan siya inalok ng waiter ng
makakain. Ngunit ng mapag alaman na wala
pala itong perang pambayad ay agad siyang
pinagtabuyan nito.
Sa pagalis ng lalaki may Nakita siyang babae
ng may buhat na madaming kahoy kita sa
babae ang hirap at pagod kaya naman agad
niya itong tinulungan. Nagpasalamat ang
babae sa tulong nito at niyaya kumain sa munti
nilang tahanan, dito ay binigyan siya ng isang
tinapay at sopas, dito rin nakilala niya ang
dalawa nitong anak, masaya silang kumain
ngunit napansin ng lalaki na wala pagkain ang
babae, dito napagtanto niya na ang dapat
hapunan ng babae kasama ng kanyang mga
anak ay binigay nila sa kanya. Tinanong ng
lalaki ang boses na gusto niya tulungan ang
mag anak sa kanilang kahirapan sumagot ang
boses bibigyan ko sila ng kasaganaan sa buhay
kung ibibigay mo saken ang iyong panlasa,
pumayag ang lalaki, sigurado kana ba? Habang
buhay ka ng hindi makakalasa ng pagkain, oo
sigurado ako. Kinabukasan pagising ng
maganak ay wala ng lalaki at may Nakita
silang malaking bag nay may lamang
kayamanan agad nagpasalamat ang mag anak
sa biyayang dumating sa kanila.

You might also like