You are on page 1of 7

Topic-

Filipino- URI NG PANGNGALAN

2. Content-

Pantangi
Pambalana

3. Goals: Aims/Outcomes-

Malalaman ang pagkakaiba ng pantangi at pambalana.

4. Objectives-

1.Natutukoy ang dalawang uri ng pangngalan.


2.Nakakapagbigay ng halimbawa sa mga uri ng pangngalan.
3.Nakikiisa nang may pagkukusa sa mga gawain.

5. Materials and Aids-

Flashkard
Paket-tsart
larawan
Picture Stand
Tsart
 

6. Procedures/Methods-

A. Introduction-

1.Anong pangalan ng paborito mong artista?


2.Anong brand ng sasakyan ang gusto mong mabili?
3.Magbigay ng mga unit ng selfon.

B. Development-

1.PANTANGI = pangngalang tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop,
gawain at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Romel, Sony, Pilipinas, Tarsier

2.PAMBALANA = balana o pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, pook, hayop at


pangyayari. Ito ay pangkalahatan, walang tinutukoy na tiyak o tangi.
Halimbawa: lalaki, telebisyon, bansa, puno

C. Practice-

Isulat sa patlang ang T kung ang uri ng pangngalan ay pantangi; B kung pambalana at L kung
lansakan ang salitang nasa loob ng panaklong.

______ 1. Ang mga (Amerikano) man ay nanakop din sa Pilipinas.


______ 2. Ang mga (timawa) ay may pag-aari at hindi naglilingkod bilang alipin.
______ 3. Mga (hukbo) ng mga Pilipino at Amerikano ang lumaban sa mga Hapon.
______ 4. Si (Ferdinand Magellan) ang nakatuklas sa Pilipinas.
______ 5. Ang (koponan)ng mga Hapon ay natalo sa pagbabalik ng mga Amerikano.

D. Independent Practice-

Bilugan ang pangngalan sa pangungusap at isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT
kung pantangi.
_____ 1. Sa Unibersidad ng Sto. Tomas sila nag-aaral.
_____ 2. Dentista ang mga magulang niya.
_____ 3. Nakita niya ang mga binili ng dalaga.
_____ 4. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo.
_____ 5. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng hapunan.

F. Checking for understanding-

1.Ano ang dalawang uri ng pangngalan?


2.Ano ang pagkakaiba nito?
3.Paano natin masasabi kung ito'y pantangi o pambalana?

G. Closure-

1.Naiintindihan niyo ba ang dalawang uri ng pangngalan?


2.May mga katanungan pa ba kayo?

7. Evaluation-

Isulat sa patlang kung ang lipon ng mga salita ay parirala, sugnay o pangungusap.
______________ 1. masigasig na nagtatrabaho
______________ 2. dahil delikado ang panahon ngayon
______________ 3. kumuha ka ng tubig
______________ 4. kung nag-aaral ka
______________ 5. tara na

Mala-Masusing Banghay Aralin

Sa

Filipino 3

1.   Layunin:

a.    Nalalaman ang katuturan ng pangngalan at ang mga uri nito.


b.   Mabigyang ng pagpapahalaga ang mga pangngalan ng tao, pook, lugar at pangyayari.

c.    Nagagamit ng tama ang mga pangngalan sa iba’t-ibang aspeto.

11. Paksang-aralin

          a. Paksa: Katuturan at Uri ng Pangngalan

          b. Sanggunian: Daloy at mithi 3. Pahina 68-70

          c. Kagamitan: Libro

d. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng pangngalan sa komunikasyon

111. Pamamaraan

          A. panimulang Gawain

                   1. panalangin

                   2. Pagtala sa mga lumiban

                   3. Balik-aral

          B. Panlinang na Gawain

                   1. Pagganyak

          Ipapabasa sa mga mag-aaral ang tekstong “Atbp.” At pupulutin nila ang mga salitang may
salungguhit.

                   2.Paglalahad

          a. Matapos makapagbigay ng pagganyak ang guro ay magtatanong ito kung ano ang
kanilang dating kaalaman sa pangngalan at sa mga uri nito

          b. Ipaliwanag ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng pangngalan sa bawat tao, bagay,
lugar, at pangyayari.

          c. paglalahat

-Ang pangngalan ay maaaring tumukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, kaisipan o
pangyayari. Ito ay may dalawang uri, ang pangngalang pambalana at pangngalang pantangi. Ang
pangngalan ay may apat na katuturan, a. basal b. lansak c. hango d. patalinghaga.

          d. Paglalapat

1V. Pagtataya
          Panuto: Isulat ang sa patlang kung ano ang katuturan ng bawat pangngalan.

            1. Lipi

             2. kalapati

              3. kalayaan

             4. grupo

            5. tribo

V. Takdang-Aralin

1.   Paano natin malalaman kung ang isang salita ay pangngalan o hindi?

2. Ano ba ang kahalagahan ng pangngalan bilang bahagi ng

pananalita?

Paksa: Pangngalan

Mga Layunin: 

1. Matukoy ng mga mag-aaral kung ano ang pangngalan sa kanilang paligid

2. Malaman ang kahulugan ng pangngalan

Mga Kasangkapan:

1. kahon

2. lapis

3. dahon

4. tsokolate

5. bulak
6. mga sasagutang papel

Mga Pamamaraan:

1. Panimulang Gawain

Magpalaro sa mga mag-aaral ng "Hulaan Natin". Tumawag ng isang mag-aaral sa harap.


Hahawakan ng mag-aaral ang mga gamit sa loob ng kahon ngunit hindi ito pahihintulutang
tignan ang mga ito.

Base sa pagkakahawak ng mag-aaral, sasabihin nito sa mga kaklase ang hugis, laki o liit, lambo
o tigas. Huhulaan ng mga kaklase ang nasa kahon at bibigyan lamang sila ng 2 minuto.

2. Paglalahad ng paksa

Narito ang mga gamit na nasa loob ng kahon. Mayroong tawag sa  wikang Filipino. Ito ay ang
Pangngalan.

3. Paglinang sa Aralin

Ang Pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari.

4. Aplikasyon

Magpalaro sa klase. Kailangan lumibot ng mga mag-aaral sa loob ng klase at isulat ang mga
pangngalan na kanilang nakikita. Ang may pinakamaraming maisulat sa loob ng 5 minuto ang
tatanghaling panalo.

5. Pagsusulit

Magbigay ng 7 halimbawa ng pangngalan para sa 5 kategorya.

Tao

Hayop

Lugar

Bagay

Pangyayari

6. Takdang-aralin
Gumupit ng mga larawan ng mga Pangngalan mula sa mga magasin o dyaryo. Ipagkit ito sa
kwaderno

You might also like