You are on page 1of 20

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
PANLIPUNAN 1
Ang Kuwento ng Aking Pamilya

Ikalawang Markahan
Modyul 5

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Napahahalagahan ang kwento ng sariling pamilya.
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangan isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang
inyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang
mga simpleng panuto na nasa ibaba para ma kamit ang layunin sa
paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul na ito.
2. Isulat ang mahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Napapayaman ng kaalaman ang gawai ng ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging
batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay
para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay
gamitin sa pang-araw-araw na Gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang
modyul na ito.

1
BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.

2. Unang Pagsubok – Ito ang bahaging magiging sukatan ng mga


bagong kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa
kabuuan ng aralin.

3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga


dating kaalaman at kasanayang nalinang na.

4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang


pangkalahatang ideya ng aralin

5. Gawain – dito makikita ang mgapagsasanay na gagawin mo ng


may kapareha.

6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin

7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan


mo ang bagong aralin

8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng


pagkatuto sa bagong aralin.

2
Aralin
Ang Kuwento ng Aking
1 Pamilya

INAASAHAN
Sa araling ito ay malalaman mo ang kuwento ng iyong pamilya
at kung paano mo ito mapahahalagahan sa tulong ng mga
impormasyong tatalakayin.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang  kung ginagawa ng inyong pamilya at X kung


hindi.
_____1. pamilyang sama-samang nagsisimba
_____2. pamilyang palaging nag-aaway
_____3. pamilyang sabay-sabay kumakain
_____4. pamilyang nagkukuwentuhan
_____5. pamilyang hindi nagtutulungan

BALIK-TANAW

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay


nagpapahayag ng masayang pangyayari sa pamilya, at M naman
kung nagpapahayag ng malungkot na pangyayari sa pamilya.
_____1. Nagdiwang ng Family Reunion ang pamilya Aquino noong
nakaraang Pasko.

3
_____2. Nasunugan ng bahay ang pamilya nina Ana noong Enero
2020.
_____3. Kumakain kayo sa paboritong kainan tuwing sasapit ang
anibersaryo ng tatay at nanay.
_____4. Nagbakasyon sa probinsiya ang pamilya nina Rizza.
_____5. Sumali kayo ng iyong kapatid sa Dance Contest sa
Barangay Fiesta ngunit natalo.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang bawat isa ay may masasayang kuwento ng mga pangyayari


tungkol sa kani- kanilang pamilya. May kuwento tungkol sa mga
gawaing ginagawa ng sama-sama ng bawat kasapi. May kuwento rin
tungkol sa kung ano ang kinalakihan nila. Ikaw, bilang kasapi ng
iyong pamilya, may kuwento ka rin ba tungkol sa kanila?
Pakinggan natin ang kuwento ng pamilya ni Dominic.

Halika! Samahan ninyo ako


habang ikinukuwento ko sa
inyo ang kuwento ng aking
pamilya.

Ang aming pamilya ay may mga gawaing ginagawa namin ng


sama-sama tulad ng mga ito:

4
Sama-sama naming ginagawa ng
aking mga kapatid ang mga gawaing
bahay tulad ng paglilinis, paglalaba,
pagdidilig ng halaman at pagluluto lalo
na kung walang pasok sa paaralan.
Ginagawa namin ito upang tulungan
ang aming magulang habang sila ay
nagtatrabaho.
https://cdn.clipart.email9034a8a9fa4e50cb37f
a6c6b03718020_kids-doing-chores-clipart-
black–and-white_400-345.jpg

Tuwing araw ng Linggo,


nakaugalian ng aming pamilya ang
magsimba. Bago matulog kami rin
ay nagdarasal. Sama-sama kaming
nagdarasal at nagpapasalamat sa
mga biyayang kaloob ng Diyos sa
buong pamilya sa mga nagdaan at https://www.deogratiasco.com/wp-
darating na araw. content/uploads/2018/04/FAM-PRAY.jpg

Masaya ring namamasyal ang


aming pamilya nang sama-sama. lalo
na kung walang pasok. Pumupunta
kami sa mga paborito naming lugar
tulad ng palaruan at mall. Minsan ay
may piknik din kami sa parke.
http://clipart_library.com/img1/98164
2.jpg.

5
Sabay-sabay ding kumakain
ang buong pamilya lalo na kung
araw na walang pasok ang bawat
kasapi. Nagkukuwentuhan kami ng
mga nangyari sa amin sa buong
maghapon.
http://clipart_library.com/img1/981642.jpg.

Pagkatapos ng hapunan, masaya


kaming naglilibang sa sala ng bahay
habang nanonood ng telebisyon.
Madalas ay nagkukuwentuhan kami.
Minsan ay naglalaro din kami ng iba-
ibang board games tulad ng
chess,snakes and ladders at iba pa.

http://clipart_library.com/img1/981642.jpg.

Ganito rin ba ang kuwento ng inyong pamilya? Halika, ikaw


naman ang magkuwento tungkol sa kanila?

GAWAIN
Gawain 1: Ang Paboritong Gawain!

Panuto: Sa tulong ng iyong magulang o nakatatanda sa iyo, magdikit


sa loob ng kahon ng larawan ng paborito mong gawin kasama ng
iyong pamilya.

6
Ano ang paboritong gawin ng inyong pamilya ayon sa iyong
idinikit na larawan?
_______________________________________________________
Bukod sa nasa larawan, ano pang mga gawain ang sama-sama
ninyong ginagawa?
______________________________________________________
Gawain 2 : Ang Kaya kong Gawin!
Panuto: Alin sa mga gawaing bahay na ito ang kaya mong gawin.
Kulayan ito.

https://cdn.clipart.email9034a8a9fa4e50cb37fa6c6b03718020_kids-doing-chores-clipart-
black–and-white_400-345.jpg

Nakulayan mo ba ang gawaing kaya mong gawin? Ano ang


naramdaman mo habang ginagawa ang mga gawaing bahay katulad
ng kinulayan mo?

7
TANDAAN

 Ang bawat pamilya ay may sariling kuwento.


 Ito ay nagsasabi ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
bawat kasapi.
 Ang kuwento ng bawat pamilya ay dapat ipagmalaki at
pahalagahan.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Panuto: Suriin ang mga larawan. Lagyan ng  ang gawaing
ginagawa ng iyong pamilya at x kung hindi.

1. 4.

https://cdn.clipart.email9034a8a9fa4e50cb37fa6c6b03718020_kids
http://clipart_library.com/img1/981642.jpg . -doing-chores-clipart-black–and-white_400-345.jpg

2. 5.
https://fscompsfotosearch.com/compo/CSP/CS
P377/quarrel-in-the-family-mom-and-dad-
http://clipart_library.com/img
clipart_k42448981.jpg. 1/981642.jpg.

3.
https://www.deogratiasco.com/wp-
content/uploads/2018/04/FAM-PRAY.jpg

8
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Tingan ang bawat larawan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
A. Pamilyang nagtutulungan
B. Pamilyang naglilibang
C. Pamilyang sabay-sabay na kumakain
D. Pamilyang nagdarasal

______ 1. ______4.
https://www.deogratiasco.com/wp- https://cdn.clipart.email9034a8a9fa4e50cb3
content/uploads/2018/04/FAM- 7fa6c6b03718020_kids-doing-chores-clipart-
PRAY.jpg black–and-white_400-345.jpg

______2. _______5.
http://clipart_library.com/img
http://clipart_library.com/img 1/981642.jpg.
1/981642.jpg.

______3.

https://clipartstation.com/wp-
content/uploads/2018/09/family-
eating-together-clipart-balck-
and-white-2.jpg.

9
Aralin Iba Pang Kuwento ng Aking
2 Pamilya

INAASAHAN

Sa araling ito ay malalaman mo ang iba pang kuwento tungkol


sa iyong pamilya. Ito ay maaring mga kuwento na magsasabi kung
ano pa ang mga bagay na pinahahalagahan ng bawat pamilya.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin ang maikling tula. Sagutin ang mga sumusunod na


tanong.
Ako at ang Aking Pamilya!
(ni Prescila A. Ascuna)

Ikaw, ako, kayo, ay mayroong pamilya


Mayroong kasapi, marami at kaunti
Mayroong kuwento, tulad ng sa iba
Minsan ay malungkot , karaniwan ay masaya.
Halina’t ibahagi ang ating kuwento
Sa ating katabi, maging sa kaklase
Sa lahat ng oras, sa lahat ng dako
Ipagmalaki! Pamilyang kinabibilangan mo.

10
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
A. pamilya B. kaklase C. katabi
2. Sino ang kasapi ng pamilya?
A. ikaw B. ako C. lahat
3. Kailan dapat ibahagi ang kuwento ng pamilya?
A. lahat ng araw B. lahat ng oras C.tuwing Linggo
4. Mahalaga ba ang pamilya?
A. hindi B. marahil C. oo
5. Ipagmamalaki mo ba ang iyong pamilya?
A. hindi B. marahil C. oo

BALIK-TANAW
Panuto: Isulat ang K kung ang gawain ay kaya mong gawin at DK
kung hindi mo kayang gawin.
______1. Tumutulong ako sa paglalaba ng damit.
______2. Tumutulong ako paggawa ng sirang bubong.
______3. Tumutulong ako sa paghuhugas ng pinggan.
______4. Tumutulong ako sa pagliligpit ng higaan.
______5. Tumutulong ako sa paglilinis ng bahay.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Maraming pangyayari sa buhay ng isang pamilya ang maaring
gawan ng kuwento ng bawat bata. Iba-iba ang mga ito. Bawat
kuwento ay puno ng saya , minsan ay may lungkot na lalong
nagpapatibay sa pagmamahalan ng bawat kasapi. Ito ay mga
kuwentong maipagmamalaki at mapahahalagahan ng bawat isa.

11
Halika at alamin natin ang iba pang kuwento ng pamilya ni
Dominic bukod sa mga gawaing sama-samang ginagawa ng pamilya.
Tingnan natin ang mga larawan sa ibaba.
Ano-ano kaya ang mga nasa larawan?

https://get.pxhere.com/photo/people-celebration-love-portrait-baby-smiling-
smile-family-happiness-party-fair-birthday-costumes-prents-and-children-
http://clipart_library.com/img1/981642.jpg.
magi-happy-children-mexico-city-345173.jpg

Pinagbubuklod ang aming pamilya ng sama-samang


pagdiriwang sa masasayang okasyon tulad ng Pasko, Bagong
Taon, kaarawan, binyag at kasal. Minsan ay nagsasama-sama
rin kami sa isang family reunion. Sa pamamagitan ng mga
okasyong ito nakikilala namin ng lubusan ang iba pang
miyembro ng aming pamilya.

http://clipart_library.com/img1/9816
http://clipart_library.com/img
42.jpg.
1/981642.jpg.

Ito ang iba pang kuwento ng aking pamilya. Ipinagmamalaki ko


kahit kanino at pinahahalagahan ko sa lahat ng oras.

12
Ikaw, may kuwento ka rin ba tulad ng kuwento ng pamilya ni
Dominic? Kaya mo ba itong ikuwento?
Halika at sagutan natin ang mga pagsasanay tungkol sa
pamilyang iyong kinabibilangan.

GAWAIN

Gawain : Kaya Ko! Kaya Mo!


Panuto: Alin sa mga nasa larawan ang patuloy na ginagawa ng
inyong pamilya hanggang sa ngayon? Kulayan mo ito.

https://clipartstation.com/wp-
http://clipart_library.com/img content/uploads/2018/09/family-eating-together-clipart-
balck-and-white-2.jpg. http://clipart_library.com/img1/981642.jpg.
1/981642.jpg.

Magaling!!!
Naisagawa mo nang buong husay ang mga gawain tungkol sa
kuwento ng iyong pamilya.

TANDAAN
 Ang bawat pamilya ay may sariling kuwento.
 Ito ay nagsasabi ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
bawat kasapi.
 Ang kuwento ng bawat pamilya ay dapat ipagmalaki at
pahalagahan.

13
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan. Lagyan ng 


ang pagdiriwang na sama-sama ginagawa ng inyong pamilya at x
kung hindi.

http://clipart_library.com/img1/981642.j
pg
_________1.

http://clipart_library.com/img1/981642.jpg.
_________2.

_________3. http://clipart_library.com/img1/981642.jpg.

14
https://www.deogratiasco.com/wp-
________4. content/uploads/2018/04/FAM-PRAY.jpg

https://media./dscdn.org/images/media-
library/primary/primary-symbols/home-
________5. family/family-christmas-895356-gallery.jpg.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang sinasabi ng pangungusap at


Mali kung di wasto.
________1. May sariling kuwento ang bawat pamilya.
________2. Mabuti sa isang pamilya ang laging nagsasama-sama.
________3. Mabuti ang pamilyang walang pagkakaisa.
________4. Dapat pahalagahan ang kuwento ng sariling pamilya.
________5. Dapat ikahiya ang sariling pamilya.

15
SANGGUNIAN
Ascuna, P.A. & Salangsang, S. M. (2019). Isang Bansa Isang
Lahi.Vibal Group Inc. Quezon City.p.122-136
Miranda, N. P. et.al. (2017). Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag-
aaral. DepEd-BLR. DepEd Complex, Pasig City.p.94-102
Araling Panlipunan Grade 1 Learner’s Materials Quarter1 & Quarter
2. DepEd Complex. Pasig City.p.73-78

Links:
https://www.deogratiasco.com/wp-content/uploads/2018/04/FAM-PRAY.jpg.
https://cdn.clipart.email9034a8a9fa4e50cb37fa6c6b03718020_kids-doing-
chores-clipart-black–and-white_400-345.jpg
https://fscompsfotosearch.com/compo/CSP/CSP377/quarrel-in-the-family-
mom-and-dad-clipart_k42448981.jpg.
https://as2.ft.cdn.net/jpg/02/22/91/07/500_F_222910769_2A8dBjfaDFRODSK
Q9bd5CDEyG8kkwB.jpg
http://clipart_library.com/img1/981642.jpg.
https://clipartstation.com/wp-content/uploads/2018/09/family-eating-together-
clipart-balck-and-white-2.jpg.
https://c8.alamy.com/comp/2A340BP/family-watching-television-1958-
2A340BP.jpg.
https://media./dscdn.org/images/media-library/primary/primary-symbols/home-
family/family-christmas-895356-gallery.jpg.
https://i.pining.com/original/42/14/4/4214142cb686b1c5bacacec1afe09ad2.gif
https://get.pxhere.com/photo/people-celebration-love-portrait-baby-smiling-
smile-family-happiness-party-fair-birthday-costumes-prents-and-children-magi-
happy-children-mexico-city-345173.jpg

16
Management and Development Team
Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Myrna G. Soriano, Public Schools District Supervisor

Writer: Prescila A. Ascuna , MT II


SUSI SA PAGWAWASTO

Modyul 5: Kuwento ng Pamilya

ARALIN 1
Unang Pagsubok Balik Tanaw Gawain 1
1. / 1. T Bigyang puntos kung
2. x 2. M nakapagdikit ang mag-aaral ng
3. / 3. T larawan ng paboritong gawin
4. / 4. T kasama ang pamilya.
5. x 5. M
Gawain 2 Pag-alam sa mga Pangwakas na Pagsusulit
Bigyang puntos kung Natutuhan 1. D
nakulayan nang 1. / 2. B
mag-aaral ang 2. / 3. C
larawan ng gawain 3. x 4. A
na kaya nilang gawin. 4. / 5. B
5. /

ARALIN 2
Unang Balik Gawain 1 Pag-alam sa mga Pangwakas na
Pagsubok Tanaw Bigyang puntos natutuhan Pagsusulit
1. A 1. K kung nakulayan 1. / 1. Tama
2. C 2. DK ang gawaing 2. / 2. Tama
3. B 3. K patuloy na 3. x 3. Mali
4. C 4. K ginagawa ng 4. x 4. Tama
5. C 5. K pamilya, 5. / 5. Mali
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 1
Pangalan: _______________________
Baitang at Seksyon: _____________________________
Paaralan: ________________________ Petsa: _________
Guro sa AP: ______________________________

Kwarter Blg: 2 Modyul Blg: 6 Linggo Blg: 6_

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Napahahalagahan ang kwento ng sariling pamilya
Layunin:
- Napahahalagahan ang kuwento ng sariling pamilya (AP1PAM-
IIe-13)
- Naisasalaysay ang kuwento ng sariling pamilya

Paksa: Ang Kuwento ng Aking Pamilya

Reaksyon Mo, Kailangan Ko!


Panuto: Lagyan ng / ang iyong sagot.
1. Nakikiisa ako sa araw-araw na gawain ng aking pamilya.
________Oo ______Hindi
2. Nakikiisa ako sa mga okasyon na sama-samang ipinagdiriwang
ng pamilya.
________Oo ______Hindi
3. Kaya kong sabihin ang kuwento ng aking pamilya.
________Oo ______Hindi
4. Ipinagmamalaki ko ang aking pamilya?
________Oo ______Hindi
5. Pinahahalagahan ko ang aking pamilya?
________Oo ______Hindi

You might also like