You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

MTB - MLE 1
1
Magkasintunog o Magkatugma

Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
Modyul 5

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Napupunan ng magkasintunog o magkatugma na
mga salita upang mabuo ang tugma , tula at awit.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng
panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-
araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na
ito.

BAHAGI NG MODYUL

 Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
 Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan
ng aralin.
 Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
 Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
 Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
 Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
 Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
 Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
2
PAGGAMIT NG MGA
Aralin SALITANG
MAGKASINTUNOG SA
1 ISANG TUGMA, AWIT
AT TULA.

INAASAHAN
 Napupunuan ng magkasintunog na mga salita
upang mabuo ang tugma, tula at awit.

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Iguhit ang √ kung ang dalawang salita ay
magkasintunog o magkatugma, at X kung
hindi. Isulat ang sagot sa kwaderno.

mataba mahaba

1. Courtesy of clipart-library.com/clipart/8TG6En9qc.htm

lakas wakas

2. Courtesy of clipart-library.com/clipart/8TG6En9qc.htm

3
itlog gatas

3. Courtesy of clipart-library.com/clipart/8TG6En9qc.htm

malinis mabilis

4. Courtesy of clipart-library.com/clipart/8TG6En9qc.htm

baso tasa

5. Courtesy of clipart-library.com/clipart/8TG6En9qc.htm

BALIK – TANAW
Panuto: Pag-aralan ang larawan ng silid-aralan. Iguhit at
kulayan ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

4
1. Ang nasa harapan ng silid-aralan.
2. Dito nakaupo ang mga bata.
3. Ito ay bilog at nasa itaas ng pisara.
4. Ito ang nasa kanan ng silid. Dito pumapasok at
lumalabas ang mga bata.
5. Ang nasa ibabaw ng mesa ng guro.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Alam mo ba na ang isang awit ay binubuo ng mga


salitang magkasintunog o magkatugma?
Halina’t pakinggan natin ang isang awitin:

Magtanim ay di Biro
Awiting Bayan
https://youtu.be/f8TgQ0aagls

Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di man lang nakaupo
Di man lang nakatayo
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit
Binti ko’y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.

Sa umaga pag gising


Ang lahat iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.

5
Mga Tanong:
Tungkol saan ang awit?
Paano ito ginagawa?
Bakit mahirap itong gawin?
Basahin ang mga salitang may salungguhit sa awitin.
 biro - nakatayo
 nakayuko- nakaupo
 namimintig – tubig
 isipin- pagkain
Ano ang napansin ninyo sa huling tunog ng bawat salita?
Ang bawat pares ba ng salita ay magkasingtunog?
Ang mga salitang ito na may magkatulad o
magkaparehong tunog sa hulihan ay tinatawag na
magkasintunog o magkatugmang salita. Ginagamit ito
upang mabuo ang mga tugmaan , awit at tula.
Narito ang iba pang halimbawa ng mga salitang
magkatugma o magkasintunog.
(Maaaring mapanood ang video sa https://youtu.be/lcSNgHQGd38)

 gunting- kuting
 buto-bato
 sandok-bundok
 gisa – isa
 bola – lola

Gawain 1

Panuto: Salungguhitan ang salitang magkasintunog


sa bawat tugma. Gawin ito sa kwaderno.

6
Magulang ay natutuwa,
Sa mabait na bata.
1.

Ang batang magalang,


Tuwa ng magulang.
2.

Ang batang magulo,


Ay hindi natututo.
3.

Ang magandang asal natin,


Ay hindi dapat limutin.
4.

Inilagay ni Nanay ang aking payong,


Sa kanyang malaking bayong.
5.

Gawain 2

Panuto: Piliin ang salitang kasintunog ng salitang may


salungguhit sa loob ng mga itlog upang
mabuo ang maikling tula.
Gawin ito sa kwaderno.

7
Ang Gatas at Itlog
mula sa MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral sa
Tagalog Binagong Edisyon 2017 (1)
Ang gatas at itlog, pampagana
Pagkaing (1)_________. pampalusog
Ang saging at papaya,
Pagkaing (2)_________. http://clipart-library.com/clipart/egg-clipart-3.htm

Uminom ka ng gatas, (2)


Ikaw ay (3)______. pampaganda
Kumain ka ng itlog, mabuti
Ikaw ay(4)_______.
http://clipart-library.com/clipart/egg-clipart-3.htm

(3) (4)
tatangkad bibilog
lalakas sisigla

http://clipart-library.com/clipart/egg-clipart-3.htm http://clipart-library.com/clipart/egg-clipart-3.htm

TANDAAN
Ang mga salitang magkapareho ang huling tunog ay
tinatawag na salitang magkatugma o magkasintunog.
Ang mga tugma , tula at awit ay mabubuo sa
pagbibigay ng mga salitang magkatugma o
magkasintunog.

PAG - ALAM SA MGA NATUTUHAN


Panuto: Piliin ang salitang katugma ng mga salitang
may salungguhit upang mabuo ang tula.
Isulat ang sagot sa kwaderno.
8
Si Nanay Nena
mula sa MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog
Binagong Edisyon 2017

Si Nanay Nena,
Ay isang ulirang ina.
Sa kanyang paglisan
Mga anak ay _________

nalungkot nangulila nasabik

Mapagmahal at natatangi,
Iyan si Nanay Nena.
Tunay na uliran sa mga gawain,
At sa pagtupad ng bawat _______

tungkulin gusto gamit

Salamat Nanay Nena,


Sa matamis na _________.

pagbantay , pagkalinga, pagbuhat

Sa magiliw na pag-aaruga.
At sa pag-ibig na iyong ____________.

ibinigay, ipinadama inalok

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Iguhit ang  masayang mukha kung


magkasintunog ang dalawang salita na
ginamit sa tugma, at  malungkot na mukha

9
kung hindi. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Malaki ang bahay ,


Nina Aling Tinay.

2. May tainga ang lupa.


May pakpak ang balita.

3. Alaga kong manok,


Nagbibigay ng itlog.

4. Ang maniwala sa balita,


Walang tiwala sa sarili.

5. Ako si sipilyo
Kaibigan ninyo.
Pinatitibay ko.
Mga ngipin ng tao.

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Ang natutuhan ko ay…


___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

10
Sanggunian:
Mother Tongue –Based Multilingual Education -TG
https://youtube/f8TgQ0aagls
https://youtube/lcSNgHQGd38
http://clipart-library.com/clipart/8TG6En9qc.htm
https://s.clipartkey.com/mpngs/s/327-3272581_school-pencil-clipart.png
http://clipart-library.com/clipart/egg-clipart-3.htm
Prinpia Co.Ltd.(2017). Mother Tongue-Based Multilingual Education- Unang Baitang:
Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog (2017 ed.). Seoul, Korea.
Prinpia Co.Ltd.(2017). Mother Tongue-Based Multilingual Education- Unang Baitang:
Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog (2017 ed.). Seoul, Korea.

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Maricel A. Basa, PSDS


Tina T. Pelayo, MT II
Manunulat: Melinda P. Rongalerios, MT 1
Tagalapat: Elizabeth D. Lasam, MT II

11
Susi sa Pagwawasto
Unang Pagsubok Balik Tanaw
1. √ pintuan
1. pisara 4.
2. √
3. X
4. √ 2. mesa 5. halaman
5. X
3. orasan

Gawain 1 Gawain 2 Pangwakas na


1. natutuwa-bata 1. pampalusog Pagsusulit
2. magalang-magulang 2. pampaganda 1. 
3. magulo-natututo 3. lalakas
4. natin- limutin 4. bibilog
2. 
5. payong-bayong 3. 
4. 
Pag-alam sa mga 5. 
Natutuhan
1. nangulila
2. tungkulin
3. kalinga
4. ipinadama 6. 
7.

12

You might also like