Professional Documents
Culture Documents
Rizal Activityy Alan
Rizal Activityy Alan
Question:
Maria Clara - Isa siyang masunuring anak, at may paggalang sa kanyang magulang, bilang
masunuring anak, ayaw niyang nag aalala ang kanyang magulang sa kanya kaya iniiwasan
niyang gumawa ng ikasasama ng loob ng mga ito. Kasintahan siya ni Crisostomo Ibarra,
siya ay napakagandang dalaga, ang kanyang mga magulang ay sina Kapitan Tiyago at
Donya Pia Alba, ngunit sa katunayan ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso dahil
pinag samantalahan ito ng prayle ng lumapit ito sa kanya at humingi ng tulong kung
papaano sila magkaka anak ng kanyang asawa. Ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw
agad ang ina ni Maria Clara pagkatapos lamang na ipanganak siya. Kaya naman naman si
Tiya Isabel na ang nag alaga sa kanyan buhat pa sa kanyang pag kabata at ito na itinuring
niyang pangalawang ina.
Padre Damaso - Ang paring madaldal at mahahayap ang mga salita. Mayroon din siyang
mapanlait na pag uugali sapagkat nililibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa kanila ay
mga hamak at mas mabababa kaysa sa kanya. Isa siyang mapanlibak na tao. Binansagang
Padre Garrote makaraang ipahukay nito ang labi ng ama ni Ibarra at ipalipat sa libingan ng
mga Intsik. Dahil sa labis na habag ng mga sepulturero ay itinapon na lamang ng mga ito
ang labi ni Don Rafael sa lawa bunsod na rin ng malakas na ulan.
2. Ano ang itinawag ng mga prayle kay Ibarra pagkatapos ng pangyayari sa pananghalian.
Anu-ano ang mga dahilan?.